Kim's POV.
My insomnia hit me again; I checked the wall clock. 12:01 ng madaling araw may isang araw nalang ako. Tumayo nako para maging productive ang araw nato at memorable. This is it, this is the last time, konti nalang makakasama ko narin sila.
Madaling araw paman din naligo ako at nag ayos ng pinaka magandang damit ko. Binuksan ko ang drawer ko at kinuha ang maliit na box na bigay sakin ni mama, na naglalaman ng kwentas niya. Sinukbit ko ito sa leeg ko at tumayo na, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, ok nato.
I get my keypad phone and put it in a mini pouch bago lumabas ng bahay. Umalis ako sa apartment na tinitirahan ko, tumingin ako sa paligid sobrang dilim tanging ilaw lang ng poste ang nagsisilbing liwanag sa daan.
Lumabas ako ng lugar namin wala akong makitang sasakyan kahit may mga iilang taxi hindi ko pinapara naglakad lang ako. Actually hindi ko alam kung san ako pupunta, every time my insomnia hits me laging ganto ang labas ko. Naglalakad lang hindi alam kung san pupunta, naglalakad sa kawalan.
Hindi ko alam kung bakit ko din ginagawa to, I'm used to this right now. Siguro para sa iba nababaliw nako pero hindi ko rin makuha ang exact reason kung bakit ko hinahayaan nalang na mangyari to.
Naglalakad lang ako nang naglakad ang lamig ng simoy ng hangin, hindi ko nalang namalayan na nakaabot ako sa isang lugar kung saan. Medyo ma tao ewan ko kung anong meron sa lugar nato pero parang walang pake ang mga tao dito sa oras.
I see people partying in an open space, meron ding samo't-saring mga nagtitinda ng kung ano-anong pagkain. I didn't bother to check those foods out, hindi ako nagugutom, tiyaka magkano nalang ang pera ko baka nga hindi ito kasya sa isang pagkain lang dito eh. Mukha kasi silang mahal at mga sosyal ang mga taong nasa paligid ko.
Nakikita ko ang ibang tao na ang saya sa ginagawa nila. Ang bigat ng pakiramdam ko parang gustong sumabog, sana lahat ng tao kayang maging masaya ng ganyan. Sa hirap ng buhay ko never kong na experience ang ganyang mga bagay.
Ang daming tao sa paligid ngayon, I checked my phone 12:20 am narin pala. Tumawid ako sa isang pedestrian lane, sumabay ako sa madaming taong tumatawid rin. I open my pouch para ibalik ang phone ko.
Nabangga ako ng isang lalaki na naka bonnet at nalaglag ang mga gamit ko sa daan, lumuhod ako para isa-isang kunin lahat. Hindi kona pinansin yung lalaking nakabangga sakin.
"beepp...bepp!!!" I hear car horns, naka green light na, pano to hindi kopa tapos kunin lahat asan naba napunta.
Napatingin ako sa harap ng kalsada, palapit na sakin ang mga sasakyan and possible hit me. Ang silaw ng ilaw sa mga kotse nila, hinarang ko ang kamay ko sa mata ko and I see a person na humarang sa harap ko. Matangkad siya kaya enough para maharangan niya ako ng anino niya.
"Magpapakamatay ba kayo?!!" sigaw ng isang driver na dumaan. "hindi kapa ba tapos?" tumingin sakin yung lalaking humarang sa harap ko para hindi ako masagasaan. Hindi ko pa man nakuha ang lipstick ko tumayo na ako, tatawid na sana ako sa kabilang side. Pero- "beeppp!!!"
He holds my wrist and hugs me, hinawakan niya ang likod ko. May kotseng biglang humarurot ng mabilis sa daan, I'm looking to his eyes, niligtas niya ako muntik nakong masagasaan. Humiwalay ako sa kanya naglalakad ako papunta sa kabilang side, siya naman was extending his arms at hinarang sa gilid ko habang tumatawid ako.
Hanggang sa nakatawid na kami sa kabilang side, dun niya palang binaba ang kamay niya. He looks so cool, naka leather jacket naka bonnet na kulay neon. Kaya kitang kita mo siya sa malayuan, he looks at me. "sorry." He said.
I don't know kung bakit siya nag so-sorry hinayaan ko nalang at nagsimula na namang maglakad, back on track kumakaliwa at pumupunta sa kanan. Kung saan-saan lang ako napapa punta, hinahayaan ko lang ang mga paa ko kung san man ako dalhin nito.
Medyo umaambon. Ito na naman si tadhana pinipigilan ako sa mga gusto kung gawin. Sumilong muna ako sa isang bench, tumingin ako sa paligid malapit ako sa isang school. Nakakita ako ng isang soccer field, pumunta ako dun kahit alam kong medyo umaambon. Hindi ko ininda ito at patuloy parin sa paglalakad patungo sa soccer field.
Bubuksan ko sana ang gate pero naka lock. Grabe, hindi niya ako hinahayaan sa gusto kung mangyari. Tumingala ako sa langit pumapatak ang ulan sa mukha ko. "please. Kahit ngayon lang." sambit ko.
Nakakita ako ng bakod na hindi ganun ka taas, lumapit ako at umakyat. Nakapasok ako sa soccer field, napangiti ako hinawakan ko ang damuhan na mamasa masa dahil sa ulan. Bumibigat ang dibdib ko pinipigilan kong umiyak, pero hindi ko na kinaya pa umiiyak nako.
Tumakbo ako ng pinakamabilis sa gitna ng field, tiyaka doon ako humiga. Kahit basa ang mga damo hindi ko pinansin at humiga lang ako at tumingin sa mga bituin. Sumasabay ang pag agos ng luha ko sa ulan na pumapatak sa mukha ko.
Ang tanging ilaw lang ng malaking poste ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Nakatitig lang ako sa langit, wala na akong ibang ginawa kundi iyak lang ako ng iyak. Gusto ko ng matapos tong araw nato, para makapag pahinga nako at mawala na ang sobrang bigat na nararamdaman ko.
"Thank you ha." sabi ko sa hangin. "kasi hinayaan mokong makapasok dito." Palakas na ng palakas ang ulan kasabay ng mga luha kong hindi nagpapatalo.
"bakit mo hinayaan sakin to?" I ask out of nowhere. "bakit sobrang sakit?" I close my eyes, "bakit sa dinami dami ng tao dito sa mundo, bakit ako pa?" tinuro ko ang puso ko. "hindi kasi kaya nito eh."
"Grabe ang sama mo. Pwede ba kitang saktan? pwede bang gumanti sa lahat ng sakit na binigay mo sakin? Para lang maramdaman mo yung sakit, sa gabi-gabing hindi ako makatulog. Sa gabi-gabing lumuluha ako." mas lalong bumuhos ang mga luha ko, I put my palms on my eyes at humagulgol ng humagulgol.
Pinapalo ko ng bahagya ang dibdib ko. Ang sakit sobrang sakit, naghahabol ako ng hininga ko. I looked at the skies; I smiled ang ganda ng langit. Tinitigan kolang ang mga bituin, I see a shooting star. Nag wish ako baka sakaling dinggin ng bituin. "pwede bang tanggalin mo muna tong nararamdaman ko kahit ngayong araw lang?"
Humihina na ang ulan at basa narin ako. I take a profound breath at tumingin sa langit sa huling pagkakataon. Pero nakita ko na naman siya at pinayungan ako. Neon.

YOU ARE READING
A ONE DAY LOVE STORY (completed)
Short StoryA ONE DAY FOR LOVE STORY. This is a story that you wish to extend, this is a story that just has one day of loving each other. kaya mo bang mag mahal nang isang araw? kaya mo bang mag mahal nang alam mong hindi tatagal? Love takes time and it's all...