Chapter 1

10 1 0
                                    

Chapter 1

Dimples

"Sige na please?"

Nag papacute na sabi nito saakin. Pinapakita pa niya ang dimple niya.

Yumuko siya nung hindi ko siya pinansin.

"Uyy?"

Sinundot pa nito ang pisngi ko at kumuha ng upuan para tumabi saakin.

Hindi kami close at ngayon ko lang siyang naka usap.

"Ang dami ng gagawin sa biology experiment natin tapos gusto mo ako lang lahat gumawa nito?"

"Ikaw lang gagawa nung reaction paper, ginawa ko na yung mga formula at sinagutan yung scientific equation diyan."

Inayos ko ang salamin kong nahuhulog sa pango kong ilong.

Nakita kong natawa siya nung ginawa ko iyon.

"Bakit ka tumatawa?"

"Wala naman."

Pinipigilan na nito ang tawa niya ngayon. Habang iniiwas ko ang tingin sakaniya.

"Ja, tara practice na."

Sabi nung kaklase namin na hinihintay siya sa pintuan.

"Kaya naman pala. Mag lalaro lang naman pala ng basketball kaya nag mamadaling umalis."

Iritado kong sinabi.

Hindi man kami close, hindi parin naman tama ang gagawin niya. Group project ito.

"May laban kasi kami sa kabilang school bukas kaya.. please?"

Nag pa cute ulit ito. Pinag titinginan na kami ng mga kaklase namin.

Ay hindi pala! Siya lang pala yung tinitignan dahil crush siya ng lahat ng kaklase kong babae.

Baka awayin ako ng mga kaklase ko?

"Oo na." Natakot ako sa naisip at agad nalang pumayag.

Inabala ko ulit ang sarili ko sa binigay niyang folder namin sa biology at tinignan kung totoong sinagutan niya ang mga equation dito.

"Yes! Thank you Ms. Maika."

Nag mamadali itong umalis sa harapan ko at sumama na sa mga kaklase naming kasamahan niya rin sa pag lalaro.

Nakaka hiya ang tawag niya! Di naman ako teacher para tawaging Miss!

Hindi ko pa nga alam kung tama ba ang mga isinagot niya rito.

"Ayaw gumawa ng project? Sumbong mo kay Maam."

Si Isaac na boyfriend ng best friend ko. Nilingon ko siya na nasa tabi ko at nakaupo. Hindi talaga maganda ang samahan nila nuon pa man.

Ang sabi ni Prim pinag seselosan daw dahil palaging mag kapartner sa school program ang dalawa.

Tulad ngayong taon na ito, si Primrose ang Juliet at si Jarell ang Romeo.

"Gumawa naman."

Tipid kong sagot dahil gumawa naman talaga siya.

A Second To Infinity (Case Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon