Libro, Kung saan nabubuhay ang lalaking minamahal ko
Libro, Kung saan, Ako mismo ang may akda nito.Biro? Siguro nga sa una ay oo.
Biro? Sana nga ang pakiramdam ko'y ganito, Ngunit, Biro? Sinta, Minamahal kita nang totoo.Sinasabi nang iba, Ako'y talagang nahihibang na.
Siguro nga ay tama sila, Sapagkat ako sayo'y hibang na hibang na.Hindi ko na mapigil sinta, Paano nga ba? Paano nga bang hindi mahalin ang lalaking kailanma'y hindi mapapasakin?
Sa tuwing nababasa kita, Kasama ang bidang babae sa nobela, Napapaisip na lamang na sana'y ako nalang siya.
Ngunit sa tuwing nababasa kong masaya ka lalo na sa piling niya, Ang hibang kong pangarap na ito ay nawawala.
Kaya sinta, paano nga ba?
Paano ko nga ba pipigilan ang pag-ibig kong itong wala nang pag-asa?Paano nga ba? Paano nga ba itatatak sa isipan kong ito na kailanma'y hindi kita makikita dito sa mundo kong wala nang pag-asa at nag-iisa?
Sinta
Paano nga ba?
P.S. this is my first time publishing a Filipino free line-verse poem and I'm always not confident with my filipino literacy because it's too shallow and I felt sorry for that, but I hope you guys like it and tell me if there's grammatical errors in there, I would appreciate it so much.
P.P.S. T H I S I S W H A T I F E E L R I G H T N O W !
YOU ARE READING
Verselets
PoesieA factual entity of anecdote that turns into a metrical compositions.