Sa Puso Mo

34 12 3
                                    

una kitang nakilala sa trabaho. bago ka pa lang nun, at para mas maintindihan mo yung pasikot sikot sa trabahong pinasok mo, pinag obserba ka nila sa kung paano ko ginagawa ang trabaho ko.


galing pala tayo sa parehong kumpanya, magkaiba lamang ng departamento. nakaka stress nga naman kasi dun sa dati. patayan na, mababa pa ang sweldo. sapilitan kung magpa overtime, andaming kailangang i-maintain na stats, walang compensation para sa mga taong nagtatrabaho nang higit pa sa pinirmahan nilang kontrata. sa tingin ko dahil dun, nag click agad tayo. tama nga sila, may nabubuong pagkakaibigan dahil sa parehong masamang pinagdaanan.

nasa magkaibang team tayo. pero madalas tayong mag usap sa chat. minsan halos kakadating ko pa lang may chat ka na agad. tama lang naman na ikaw lagi ang mauna magchat. bukod sa ikaw ang lalaki, mas maaga ang oras ng pasok mo.

nung una hindi naman tayo nag uusap tungkol sa mga sarili natin. puro tungkol sa trabaho at maraming biruan lamang naman ang laman ng chatroom natin. pero iba talaga pag araw araw na tayong nag uusap. minsan kahit off ko, gusto kong pumasok para lang makachat ka. bakit nga ba hindi mo agad kinuha ang number ko?

isang araw may isinangguni ka sa akin. sabi mo, tutal babae naman ako baka naman maipapaliwag ko sayo yung hindi mo maintindihan. tinanong mo ako kung bakit ba ipinagtatabuyan ng mga babae ang isang lalaki at pag lumayo nga, bigla na lang mang aaway at sasabihing, pare pareho lang ang mga lalaki na bigla na lang nang iiwan. yung totoo sayo, araw araw mo akong kinakausap tapos may iba ka palang gusto?

pero isa akong dakilang mapagpanggap na hindi nagpahalatang nasaktan sa pasimpleng pagfriendzone mo saken. sabi ko, ganun talaga ang sapak ng mga babae. iba ang sinasabi sa talagang ibig sabihin.

ikinuwento mo pa sa akin na nagkakilala kayo dahil sabay kayong natanggap sa trabaho sa ating kompanya. pareho kayo ng team. sabi mo nasaktan ng sobra yung babae dahil sa ex nito, hindi mo sinabi kung bakit. hindi din naman ako nagtanong kasi ano bang pakialam ko sa kanya? pero ayun nga, sabi mo saken okay naman kayo. may mutual understanding na nga. at sinabi mo pa sa kanya na hindi mo sya sasaktan katulad ng ginawa nung huli nya. pero sa mga simpleng bagay bigla bigla na lang kayong mag aaway. andami nyang gustong baguhin sayo. hindi mo makuha ang tiwala nya at lagi ka pang ikinokompara sa ex nya. nung mga panahong gulung gulo ka na at bigla mo na nga lang akong ginawang hello ms.dj ng mga pusong sawi, hindi ka na nya kinakausap nun. sabi mo dun sa huling away nyo, pinagbigyan mo sya at lumayo ka. pero lumapit sya at sinabing sinungaling ka at kung nasaan na yung pangako mo na hindi mo sya sasaktan. nagpaalam sya sayo at sinabing pupunta na sya ng canada dahil at least duon, hindi ka nya makikita. magkakaroon ka na daw ng space na tila gustong gusto mo. halos masabunutan mo na ang sarili mo kasi sya naman ang nagsabing lumayo ka.

natutuwa naman akong hindi maganda ang tinatakbo ng relasyon nyo, pero syempre dahil kaibigan ang papel ko dito, ipinaliwanag ko sayo na may mga babaeng hirap magtiwala pagkatapos masaktan. mga babaeng takot sumugal pag malaki na ang natalo sa kanila. mga babaeng takot na maubos sila kapag ibinigay nilang muli ang puso nila sa iba. sabi ko intindihin mo sya at wag mong sukuan. sabi ko tinetest lang nya kung totoo ba ang sinasabi na hindi mo sya sasaktan. sabi ko sa ginagawa mong paglayo, pinapatunayan mo sa kanya na katulad ka rin ng ex nya. na hindi mo man gawin yung kaparehong kasalanan nya, pareho lang kayong nagpaasa at nang iwan sa ere.

ang martir ko.

naintindihan mo naman, at ikaw bilang mahal na mahal mo nga sya ay tiniis lahat ng pagtataboy at pang aaway dahil madami din naman ang mga panahong masaya lang kayo sa isat isa. itinutulak kita palapit s kanya kasi sa tabi nya dun ka masaya. at ako naman, tagapanood lang. yung klase ng taong nagbayad para sa isang pelikulang hindi ko sigurado kung gusto ko bang magkatuluyan kayo o hindi.

Sa Puso MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon