Chapter 37
Mika's POV
After namin maglakwatsa sa big ang huge America. Niyaya naman ako ni Ciann sa isang playground malapit sa Mansion nila.
"Magpalipas oras muna tayo dito. Ayaw ko pa umuwi eh." Sabi ni Ciann sabay umupo sa swing set.
"Uy baka malaglag ka diyan. Pangbata lang yan eh." Sita ko sakanya.
Nang bigla naman niya akong hinila at pinaupo sa lap niya
"U-Uy! Maslalo talaga tayong mahuhulog neto. Sige ka!" Sabi ko habang pinipilit tumayo.
"Alam mo para tayong itong swing set." Sabi ni Ciann. Napatingin naman ako sakanya. Swing set? Kami? Bakit?
"Huh?"
"Kasi kahit gaano kabigat dinadala nating problema, Di parin tayo nagigiba. Like this swing set. Kahit ang bigat nating dalawa, hindi parin siya nasisira." Napangiti naman ako sa sinabi ni Ciann. Oo nga noh.
"Naks naman Cian. Gumaganon?" Pang-aasar ko. "Pero tama ka. Parehas na Parehas nga saatin."
"Yeah. Kaya Don't worry Mika. Paglalaban ko pag-ibig ko sayo." Napatingin naman ako kay Ciann. Yung papa nga pala niya hindi sang-ayon saamin.
"Di mo na kailangan sabihin yan. Di na ako mag-aalala pa. Kasi hindi lang naman ikaw ang lalaban sa pag-ibig natin eh." Sabi ko sabay ngumiti sakanya.
"Yeah. Cuz Your my Knight and I'm your Prince. Lalaban ka din noh."
Yeah... he is my Black Prince afterall.
***
Arian's POV
"Adrian, sa tingin mo okay lang sila Ciann?" Tanong ko.
"Mahal nila ang isa't-isa. Di nila papabayaan ang sarili nila. They will protect each other." Tama nga naman. What's to worry about? Sila Mika at Ciann pala ang inaalahanan ko.
"Swerte nila. They found love at ito sila ngayon. Pinaglalaban ag pagibig nila."
Then biglang inabot ni Adrian ang kamay niya sa kamay ko.
"Gusto mo rin bang makahanap ng Love?" Napatingin ako kay Adrian.
And I know na may something nang nabubuo saamin.
***
Ciann's POV
After naming magkwentuhan ni mika sa playground, napagpasyahan ko na bumalik na siyang pilipinas at hintayin na lang niya ako doon.
"Ano?! Babalik akong Pinas?" Gulat na tanong ni Mika.
"Babalik ako Mika. Kakausapin ko din si Dad tungkol saatin."
"Pero di ba dapat nandun din ako?"
"Ayokong naririnig na minamaliit ka ni Papa. I'm doing this for you." Paliwanag ko.
Nakita ko naman na um-Oo nalang siya at sabay na kaming naglakad papasok ng Mansyon.
"Basta babalik ka Ciann?" Tanong ulit ni Mika.
"Babalik ako, Pangako Mika." Sabi ko kay Mika sabay hinalikan siya sa noo.
Nang inihatid ko nasi Mika sa airport, dumiretso agad ako sa office ni Papa.
***
"Di ako papayag." Sabi ni Papa habang nakatalikod saakin.
"Dad, Mahal ko siya. All my life, Kay Mika ko lang naramdaman ang lahat ng pagmamahal na hindi niyo naibigay ni Mom. Pati banaman Karapatan kong magmahal, ipagkakait niyo pa saakin?" Nakita ko naman siyang lumingon na pabalik saakin.
"Fine then. Pagbibigyan ko kayo sa gusto niyo. Pero sa isang kondisyon. Tapusin mo Highschool at College dito sa america. Tapos bumalik ka sakanya sa Pilipinas. Kaya mo ba kaya yun? No communication. Kahit Fb din."
Ciann's Dad POV
Tignan pa natin kung magtatagal relationship nila. Sa ganung katagal na panahon, kaya pa ba kaya nila hintayin ang isa't-isa with no Communication at all?
Ciann's POV
"Okay Dad. Deal ako sa kondisyon mo."
Sorry Mika. Baka medyo ako matagalan sa pagbalik sayo.
BINABASA MO ANG
I'm Dating the Black Prince [SLOW UPDATE]
Подростковая литератураBoyfriend! Boyfriend!! Boyfriend!!! Yan ang mga usong topic ng mga babae namin sa school. Ewan ko ba pero bakit ba usong-uso ang magkaBoyfriend? Sabi nila, ikaw na daw ang pinakamagandang babae pag nagkaBoyfriend ka na. Eh lagi nga akong pinagsas...