"DAMN IT!" Mura ni Daejin sabay sipa sa mesa'ng katabi.
Ito ang matagal na niyang gusto. Ang sumuko sa kanya si Jiayue kaya nga niya pinahirapan ito dati diba? Pero bakit ganun? Bakit hindi niya matanggap na mawawala ito? Bakit parang hindi niya kayang mawalay dito?
''Ano bang ipinagkakaganyan mo? Diba ito naman ang gusto ninyo ni Shin? Pagkakataon na mismo ang gumawa ng paraan para maging madali sa iyo ang lahat Dae! Grab it. Iiwan ka na ng asawa mo? Then fine! '' Hiyaw naman ng kanyang isip.
"No. I can't let her go! Kung kelangang suyuin ko siya gagawin ko." Determinado niyang sabi at muling sinipa ang mesa.
Ngunit paano naman si Shin? Pagsabayin mo silang dalawa, ganun?
"Shit!" At isa pa uling sipa sa mesa ang pinakawalan niya. Napasabunot siya sa sariling buhok.
Bakit ba napasok siya sa ganitong sitwasyon? Sino ba ang dapat niyang sisihin? Ang asawa niya na nagpikot sa kanya? Si Shin na hindi ipinaglaban ang pagmamahalan nila noon? O ang sarili niya mismo?
God. Bakit nga ba siya pa? Siya pa ang nalagay sa sitwasyong ito?
Would he let go of his wife for the sake of his love for Shin? O hihiwalayan niya ang kasintahan for his wife to stay?Alin man sa dalawa, alam niyang may masasaktan pa rin. Ayaw niyang masaktan ni isa man sa kanila pero kailangan na niyang mamili. Ngunit sino ang pipiliin niya?
NAMAMAGA ANG MGA MATA ni Jiayue pagkagising niya kinaumagahan dangkasi'y magdamag siyang umiiyak. Hanggang ngayon hindi pa rin niya lubos na maisip ang nangyari kagabi. Hindi niya kaya ang iwanan si Daejin pero kailangan niyang gawin para sa ikakaligaya nito.
Mahal na mahal niya ang asawa pero kailangan na niyang palayain ito. Sapat na siguro ang ilang taong pagsasama nila sa iisang bubong upang matanggap niya ang kabiguan. Hindi man naging maganda ang pakikitungo nito bilang asawa niya, nararamdaman naman niyang mahalaga siya rito kahit malasakit bilang kaibigan man lang. Kung di siguro niya ito pinikot, mag bestfriend pa sana sila hanggang ngayon. At.. At natuloy sana ang kasal nito kay Shin.
Hayy...siguro nga ipinipilit lang niyang maging sila kahit hindi naman talaga sila ang meant to be. Siya ang naging kontrabida sa istoryang siya mismo ang bumuo.
She heaved a sigh.
Pasinghot-singhot pa siya habang bumabangon sa kama. Ito na siguro ang huling sandali na hihiga siya sa kamang ito. Kailangan na niyang iwan ang bahay na 'to. Susunod nalang siguro siya sa mga magulang na nasa state.
Wala din namang tumatao sa bahay nila dito sa Pinas kundi ang caretaker nilang si mang Toryo at ang pamilya nito. Isa pa, kelangan niyang lumimot sa lahat ng masasakit na ala-ala kaya nararapat lang na magpakalayo-layo siya. Bubuhayin nalang niya ang magiging anak niya kasama ang mga magulang niya.
Abogado nalang siguro niya ang bahala sa annulment nila ng asawa para hindi na siya masaktan pang lalo. Bahala na itong makipag cooperate kay Daejin. Di naman siguro mahirap na suyuin ang asawa niya diba? In fact, this is what he want. Ang hiwalayan niya ito upang legal na nitong makasama si Shin.
Sa isiping iyon ay may bahid ng sakit ang gumuhit sa puso niya. Bakit ba ang hirap tanggapin na mawawala na sa kanya ang asawa?
"Good morning sweetheart! Breakfast in bed?" Nagulat na lamang siya nang biglang bumukas ang pinto ng silid nilang mag-asawa at iniluwa doon ang lalakeng magdamag niyang iniiyakan.
Sa pagkakatanda niya ay hindi natulog ang asawa sa tabi niya kagabi.
"Here," Patuloy nito at inilapag sa bedside table ang tray na may lamang pagkain.
BINABASA MO ANG
BUKAS NALANG KITA MAMAHALIN (Completed)
RomanceMAHAL NA MAHAL ko siya pero asawa na kita. Sino ba ang dapat kong piliin? Ang babaeng tunay kong minahal na ngayo'y nagbalik para bawiin ako o ang asawa ko na siyang dahilan kung bakit naging kumplikado kami ngayon? Dapat ko bang iwanan ang asawa ko...