Willehm's Point of View"ANONG oras ka uuwi mamaya?" tanong ko kay Gabby na nasa kabilang linya.
"Maybe 6:30. Why?" Sagot nito sa malambing na boses.
"Susunduin kita."
"Ha? Wag na. May kasabay naman ako umuwi."
"Sino?" Hindi ko maiwasang magtunog strikto ang boses ko.
"Si Xhiara. Bakit? May iba pa ba?" Rinig ko ang pagka-sarcastic sa tono nito. I just heaved a sigh. Na-trauma lang siguro ako kaya ako nagkakaganito.
"Are you sure? Day off ko naman eh," pagpilit ko.
"Wag na nga. Tsaka diba sabi mo, tutulungan mo pa si Denver? Huwag mo na ako sunduin. Okay na ako. May sasabihin ka pa? Ibababa ko na 'to."
"Uhm Gabby..."
"Hmm?"
"Mag-iingat ka sa pag-uwi ha. Magpapakasal pa tayo," I chuckled as I heard her clicked her tongue.
"Yan ka na naman. Ano bang trip mo?" inis na sambit nito. Matutunugan mo rin ang paggigigil sa boses nito kaya naman lalo akong natawa.
"Wala. Hindi ka na nasanay eh. Angcute mo kasi mag-react. Papisil uli ako sa pisngi mo pag-nagkita tayo ha," biro ko.
"Kainis ka. Ibababa ko na 'to."
"Wala bang I love you dyan? Hahaha biro lang. Ingat ka sa pag-uwi, baby ko," pag-asar ko pa at diniinan ang huling dalawang salita.
"Ewan ko sa'yo. Bye-bye na." After those words ay pinatay na nito ang tawag. Angcute nya talaga mainis.
It has been a month since Gabby and I have met. Madalas na syang sumama samin kapag may gig kami. Patuloy pa rin kami sa pagpapanggap and I'm glad na hindi nagdududa si papa samin.
Kumuha ako ng kahon at dinala iyon sa loob ng bahay ni Denver kasama si Kyle.
"Denver, saan namin ilalagay 'to?"
"Dyan na lang sa sala."
Inilapag namin ni Kyle ang mga bitbit na kahon. Tinutulungan kasi namin si Denver sa bago nyang bahay.
"Bakit nga pala wala si Lincoln?" Tanong ni Denver. "May importante daw syang pupuntahan ng family nya," sagot ni Kyle.
"Tara sa labas. Kunin pa natin yung iba," pag-aya ni Kyle sa'kin. Sumunod naman ako.
"Kumusta nga pala kayo ni Gabby?" Nakangising tanong nito. "Ayos naman...Bakit ganyan ka makatingin?" Sagot ko sabay batok sa kanya. Alam ko na kasi kung ano ang iniisip nya.
"Aray ko naman. Kinukumusta ko lang yung status nyo eh," mapanlokong tumawa ito. "Maiba ako. Yung tungkol dun sa sinasabi mong crush mo nung highschool? Yung Tim? May update ka na ba dun?"
Sandali akong natigilan at tumingala sa kalangitang natatabunan ng makakapal na ulap. "Wala pa rin nga eh..." Nagbuntong hininga ako pagkasabi.
Nasaan na kaya sya ngayon? Okay ba sya ngayon? Safe ba sya? Hindi ko maiwasang itanong ang mga bagay na iyon sa tuwing maiisip ko sya.
Nakakaloko nga eh kasi dalawa na ang naging girlfriend ko--- I mean hindi naman official yung samin ngayon ni Gabby--- pero hindi nawawala ang damdamin ko para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Capturing The Sun
RandomYou have a friend who's so close to you. You both love making memories together. But what if one day, hindi na sya nagparamdam sayo? Tapos nagkita uli kayo pero hindi ka na nya naaalala. She forgot everything about you... Anong gagawin mo? -_-_-_-_...