My Demon [Ch. 58]
Kaya pala hindi ko na nakikita si Demon sa apartment dahil tapos na daw ang "pagpapaka-independent" niya. Nasa mansyon na uli siya nakatira. Remark that word "Nagpapaka-independent". Nagsarili nga siya for about two weeks, bitbit naman ang mga tauhan nila sa bahay. Hanep.
This monday wasn't my usual monday. Bukod sa hindi ko naabutan ang Flag Ceremony, pinagtitinginan pa ako ng mga estudyante sa di malamang dahilan. Bakit naman kaya? Naligo naman ako ah. Wala rin namang butas sa uniform ko, so bakit nga nila ako pinagtitinginan?
Habang nakatingin sila sa'kin, ang iba ay magbubulungan pa. Ack! Nakakailang.
Pagpunta ko sa floor namin nakalakad na ako ng maayos at komportable. Kakaunti nalang kasi ang estudyante.
Habang naglalakad sa corridor, napatingin ako saglit sa tarpaulin na nakapaskil sa quadrangle. Hindi ko na sana papansin kaso . . .
Natigilan ako sa paglalakad. Tinuon ko ang atensyon ko sa tarpaulin na iyon.
ASDFGHJKL!!! Kaya naman pala pinagtitinginan ako kanina eh!
" I'M NOW COURTING SOYUNIQUE SARMIENTO
SO NO ONE DARES TO MESS UP EVEN THE TIP OF HER HAIR,
OR ELSE I'LL ROT YOU IN HELL!" -Keyr Demoneir
Yan ang nakasulat sa tarpaulin. May picture ko pa sa gilid. Naka-pout ako tapos nakatingin sa camera. I remembered that! Ayan yung time na tinanong ko siya kung pinipicturan ba niya ako, pero ang sabi niya may ka-text daw siya. Hindi ako aware that time na naka-pout pala ako.
So wala nga talaga siyang ka-text ng panahong yun? Sabi na eh. Hindi siya mahilig sa babae. Hihi!
Pero teka! Ano naman daw itsura ko diyan? Lantad na lantad sa madla ang pagmumukha ko. Pero infairness, ang cute ko dyan. Cute ko pala kapag naka-pout. Haha!
"Nagustuhan mo ba?"
"Ay kumag!"
MABUTI NALANG TALAGA WALA AKONG SAKIT SA PUSO!
Paglingon ko, nakita ko si Demon. Smiling sexily handsome. Ang ganda ganda ng ngiti niya ngayon. Nakaka-good vibes.
"Nanliligaw ka pala? Hindi ko dama," sabi ko sa kanya. I smiled naughtily.
He smiled back amusely.
Diba kapag gustong manligaw ng lalaki, magtatanong muna siya sa babae kung pwedeng manligaw? Iba kasi ang ginawa ni Demon. Hindi manlang ako tinanong kung pwede ba niya akong ligawan. Basta nalang siya nagdeklara na nililigawan na niya ako. Si Demon talaga.
BINABASA MO ANG
My Demon (When Childish Meets Badboy)
Подростковая литератураThey were annoyed at each other at the very first place. This Childish and this Bad boy is an epitome of the word "MISMATCH". Would it be possible to make everything upside down? Does miracle could make this "MISMATCH" a "PERFECT MATCH"? Maybe not...