My Demon [Ch. 61]
Tapos na kami sa appetizer at main course. Nasa desserts na kami ngayon ni Tito Romeo. Wala naman kaming ibang napag-usapan kundi puro si Demon.
"Alam mo bang once nang naging mabait si Keyr? Nawala ang pagiging basagulero niya along he met Jia."
Natigilan ako nang marinig ang pangalang Jia. So mukhang siya ang unang babaeng na-involve kay Demon.
"Sobra ang pasasalamat namin ng asawa ko kay Jia dahil napatino niya si Keyr. Tamad na tamad pumasok sa school si Keyr pero dahil kay Jia, ginaganahan siya."
Napatango nalang ako kasi hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko pa man nakikilala ang babaeng tinutukoy ni Tito Romeo, nakakaramdam na ko ng selos.
"Hindi basta-basta sumusunod sa utos ko si Keyr, pero pagdating kay Jia, hindi pa ito tapos magsalita sumusunod na agad siya." He chuckled remembering the past.
"Nasaan na po si Jia?"
Nag-shrug siya bago sumagot. "She left the country without saying any word to my son. Sa pagkakaalam ko, may business doon ang parents niya who has a friend na may clothing line business. Kinuha nilang model si Jia, and because that's her dream, she accepted that offer.
Grade school graduation noon ni Keyr nang malaman niyang nag-migrate na si Jia and her family sa New York. Galit na galit ang anak ko that time kasi hindi manlang nagpaalam sa kanya si Jia, basta nalang ito umalis. Lungkot na lungkot. Kung hindi nga lang dahil sa mommy niya, siguro tatanggi siyang tumungtong ng highschool."
Sa kwento palang ni Tito Romeo, hindi maitatangging siya ang first love ni Demon. Siya ang babaeng nakapagpatino kay Demon... hindi tulad ko. Napapasunod niya si Demon, samantalang ako hindi.
"Siya po ba ang dahilan kung bakit complicated si Demon?"
Natawa si Tito Romeo sa tanong ko. "No, no, no, iha. Nasa sinapupunan palang ang batang yun matigas na talaga ang ulo nun. Napakapasaway. Pero kahit napakatigas ng ulo niya, kahit everyday goal niya ang pasakitin ang ulo ko, mahal na mahal ko pa rin ang batang yun, namin ng asawa ko. Same with the two." Tinutukoy niya ang dalawa pa niyang anak na si Kuya Kyle at Khaisler.
Napangiti siya.
Ang swerte nilang tatlo dahil may tatay silang katulad ni Tito Romeo.
Sinipat niya ang kanyang relo. "It's getting late. Ihahatid na kita sainyo."
"Naku, Tito, wag na po. Kaya ko na pong umuwi mag-isa."
"Ihahatid na kita, iha," deklara niya. "Baka awayin pa ko ng anak ko kapag nalaman niyang pinabayaan kitang umuwi mag-isa." He laughed.
***
Almost two weeks ng nanliligaw sa'kin si Demon. Hatid sundo niya ako sa school, at masungit pa rin siya. Ewan ko ba sa lalaking yun. Nature na nya yata ang pagiging masungitin at mainitin ang ulo. Kay Jia lang ata siya tumitiklop. Hmp! Nakakaasar siya!
BINABASA MO ANG
My Demon (When Childish Meets Badboy)
Fiksi RemajaThey were annoyed at each other at the very first place. This Childish and this Bad boy is an epitome of the word "MISMATCH". Would it be possible to make everything upside down? Does miracle could make this "MISMATCH" a "PERFECT MATCH"? Maybe not...