Diego's POV:
"Si Brie ay papakasalan ng Prinsepe. Gampanin niya yun bilang Dames nito. Siya ang pinili ni kuya. Mga bata pa lamang sila"
"Si Brie ay papakasalan ng Prinsepe. Gampanin niya yun bilang Dames nito. Siya ang pinili ni kuya. Mga bata pa lamang sila"
"Si Brie ay papakasalan ng Prinsepe. Gampanin niya yun bilang Dames nito. Siya ang pinili ni kuya. Mga bata pa lamang sila"
Paulit-ulit kong naririnig ang mga katagang binitawan ni Gabby bago ko sila tuluyang nilisan.
Pinagsisihan kong sana hindi ko na tinanong pa yun. Pabaling-baling na ako ng paghiga. Hindi malaman ang tamang posisyon.
Feeling ko pinagkaisahan nila ako. Hindi ko lubos mawari. Kung bakit pa kami pinahihirapan ng ganito ni Brie.
'Hindi pa kasi sabihin kung kami ba talaga o hindi para matapos na'
Tinuktok ko naman ang aking ulo na naisip.
"Arrgghh!!!" Naiinis kong sigaw dito sa loob ng kuwarto na pinahiram sakin ni Prime.
Narinig kong nagriring ang cp ko. Sinagot ko ang tawag nang hindi man lang tiningnan ang pangalan.
"Hello! Diego, bukas sumama ka samin kailangan mong matutong makipaglaban" hindi naman ako hinintay na makapagsalita ng pinatay na ang linya.
"Tsk, mabuti sana kung ako parin ang pipiliin ni Brie"
Naghanda na ako para maligo. Kailangan kong maghanda para bukas.
Natapos akong maligo at pinilit ang sarili makatulog.
Kinaumagahan, nagmamadali ako dahil tanghali na nang tumawag ulit si Prime.
Napuyat ako kagabi. Gusto ko mang matulog nang maaga kagabi. Tinanghali parin ako dahil sa isang taong hindi ko inaasahang tatawag sakin.
~Flashback~
Pipikit-pikit na ang mata ko ng biglang tumunog ang telephono ng bahay. Para sa mga emergency call lang daw to, sabi sakin ni Prime.
"Hello! Prince residence" nag - ala call center pa ako. Wala naman makakahalata na nakikitira lang ako.
Hindi naman maaaring umuwi agad. Maaring ikapahamak pa yun ni mama. Iniiwasan ko rin dahil maaaring hanapin sakin nito si Brie.
Hindi ko ugaling magsinungaling sa magulang ko. Ipinasabi ko narin kasi doon sa mag kasintahan na sabihin nalang kay mama na hindi ako pa makakauwi.
"Hello! Sino to? Kung prank lang to. Pasensiya na nasa linya ka ng emergency call. Pribado ang natawagan mo. Ibaba ko na to"
"Hahaha... Apo! Hindi ka parin nagbabago-" hindi ko na siya pinatapos. Kilalang-kilala ko ang boses na iyun. Siya ang kinasusuklaman ko.
Nag-iba siya nang mamatay si Lola. Akala ko mahal niya ito ngunit bigla na lamang ito nawala na parang bula sa mismong burol na nito.
Bata pa ako noon ngunit tandang-tanda ko pa ang nangyari.
Tanda ko pa noon na hindi niya kami pababayaan pero hanggang pangako nalang iyun ngayon.
BINABASA MO ANG
A Moment with You ✔️
RomanceDalawang tao ang pagtatagpuin ng tadhana. Handa ba silang suungin ang mga problemang nakaambang para sa kanila? O ipagsasawalang bahala na lamang ito? Nang dahil sa mga sikreto ng pamilya ni Brie Zamora, makilala niya si Diego Sacramento. Ano kaya a...