Luna
Umagang handog ng isang masarap na almusal at pagmamahal na laman ng aming tahanan.Araw-araw ko naririnig ang iyong halakhak at pagawit sa kantang Ligaya ngunit sa isang iglap.
"Paalam sinta." bitaw ng aking bibig na walang ka malay malay. Iyon na pala ang huling sandali na masisilayan ko ang maamo mong mukha.
Tuwing ako'y mamamaalam nakikita ko ang iyong takot at lungkot ngunit wag kang magalala babalik ako pagkatapos ng digmaan at itutuloy ang kuwento nating dalawa.
Joaquin
Sa bawat araw na nakikita ko ang iyong ligaya napapawi ang aking mga pangamba ngunit pagtapak mo sa kalsada punong puno ng delubyo at kaba ang aking dibdib kapag narinig ko sa kamara ang iyong pangalang Luna.Sa apat na sulok nang ating tahanan nawalan ako ng tamang direksyon sa sinasabi mo na ligaya. Takip ang aking mga tenga at pinipilit na hindi ka maalala.
"Joaquin, kinakailangan kong makipagtunggali." Ang iyong huling sinabi.
Hindi ko mawari ang iyong ipinapahiwatig, ngunit bakit ikaw pa ang nagnais na lumisan lalo na ikaw ay isang dilag.
Luna
Sa gitna ng laban inipit kami ng kalaban ang tanging sagot na lang ay kung paano kami makakalabas sa gerang ito.Ilang oras na ang nakalipas Marawi pa rin ang aming kinakatayuan. Naiwan kami ng tatlo kong kasama dahil iniligtas namin si Angel sa pagdakip at paggahasa sa kanya.
Nakita namin ang sari saring kamara na mayroon ang suspect na kinukuhaan si Angel habang ito ay ginagahasa at ipinapadala sa internet bilang negosyo.
Agad agad namin siyang kinuha at iningatan dahil alam naming masakit para sa kanya ang mga nangyari.
Maaring madami din maging balita dahil ilang buwan na kaming nawawala at walang koneksyon sa ibang tao.
Joaquin
Ilang buwan ka nang binabanggit sa balita ngunit ako mismo ay napapatanong ano nga bang tunay na nangyari, Luna?Ilang araw na akong hindi makatulog, Bawat balita aking sinusubaybayan malaman lang kung ano na ba ang iyong kinakatayuan.
Listahan ng mga nawawalang sundalo at pulis sa naganap na trahedya sa Marawi:
- SPO2 Luis John Sagredo
- SPO2 Audrey Anna Santos
- Heneral Angel Clarisse Buendia
- SPO2 Lucresia Natalie TorresNang marinig ko ang iyong pangalan hindi ko maiwasang lumuha habang kinukunan ang tagapagbalita.
Maaring ang ilan sa mga manononood ay walang kamalayan sa mga nangyayari subalit sa likod ng kamerang kinukunan ko ay mas lumala ang pag manhid buong katawan ko.
Marami ang katanungang tumakbo sa aking isip. Isa na don ang mga katanungang: Ang masasaya nating alaala at pagluto ng almusal sa umaga hanggang doon na lang ba?
Ano na ang aking gagawin sapagkat
hindi ko matanggap ang iyong sinapit.Luna
Alas! Dumating na ang tulong mula sa Maynila makaraan ang ilang buwan na walang koneksyon sa kahit kanino nakita ko na ang aking pamilya sa barko."Ma, bakit kayo nandito? Nasaan si Joaquin?"
Ang aking ina ay walang tigil sa kanyang pagluha ngunit agad ko siyang niyakap.
Pagtungtong ko sa Maynila sinisigaw ko ang pangalang Joaquin at pinipigilan ako ng aking ina ngunit
"Bakit Ma?"
Dinala nila ako sa isang kuwarto at hawak hawak ang aking kamay at braso, pinipigilan nila akong lumabas subalit nakita ko ang aking ina na may kausap na lalaking nakaputing kapa.
Bethany
Nang malaman ko ang lahat hindi ko mawari na mangyayari iyon sa aking anak. Unang pagkita ko sa kanya buhat siya ng dalawa niyang kasamang si Luis at Angel.Sira sira ang damit ni Luna at gulo gulo ang kanyang mga buhok sari sari din na pasa at galos sa muka ang mayroon siya. Ayon sa kanyang mga kasama ang nasa isip daw ni Luna ay si Angel ang kanilang iniligtas ngunit lahat ay kabalaktiran para sa kanya.
Nang makadating kami sa Maynila agad namin siyang dinala sa ospital ngunit isinisigaw niya ang pangalan ng lalaking dumakip sa kanya.
Ayon sa mga doktor na nakausap namin siya raw ay sumasailalim sa kalagayan na tinatawag na schizophrenia at stockholm syndrome.
Ang Schizophrenia ay maaaring magresulta sa ilang mga kumbinasyon ng mga maling akala, at labis na nakakapagpabagabag sa pag-iisip at pag-uugali na pumipigil sa pagusad sa pang-araw-araw.
Ang mga taong may schizophrenia ay nangangailangan ng paggamot sa habang buhay.
Samantala, ang Stockholm naman ay ang nararamdamang pagtitiwala o pagmamahal ng biktima sa taong nangdakip sa kanya.
Hindi ko maiwasang umiyak ng malaman ko ang lahat.
Luna
Hindi ko na muli nakita si Joaquin o kung ano man ang nangyari sa kanya subalit sana nasa mabuti kang kalagayan aking sinta.
YOU ARE READING
Illusyong Imahe ng Katinuan
Детектив / ТриллерMuling sasabak sa gera ang isang dalagang nagngangalang Luna na mapapawalay sakanyang kasintahang si Joaquin at sa kanyang ina na si Bethany. Ngunit nang may nangyareng di inaasahan sa kasama ni Luna, ay napabago nito ang istorya ng magkasintahan. B...