Part 16

740 12 0
                                    

Gabrielle's POV

"Safe trip ate Angie, pasalubong ha!", sigaw ko sa kanya, at mukhang nagulat siya sa akin. hehehe....

"Asan pera?", tanong niya at tinaasan niya ako ng kilay. 

"Pasalubong, meaning libre mo!", sabi ko

"AYAW! Salbahe ka sa akin eh", sabi pa niya 

"Eh di WAG!", Sabi ko at binaling ko yung mga tingin ko sa TV Screen. 

"Joke lang ito naman SENSITIBB!", Pang-aasar pa niya. 

"OO na, alis na!", sabi ko hahaha sarap asarin tong si ate eh. 

"Ikaw mauna gusto mo?", pag-tataray niya

"Aiisshhh! Bahala ka na nga, basta ingat sa biyahe", sabi ko nalang at nagkunwari akong matutulog. 

"Okay thank you Gab, ikaw bahala sa mag-ina ha", sabi niya at diretso na siyang lumbas ng room. 

Sa akin pa talaga binilin yung mag-ina , UMIIWAS NGA AKO!! NAMEEENN!!!

"Ano Gab ready ka na ba?", tanong sa akin ni Ria, habang binibihisan niya si Baby Kyle. 

"Ahh, oo kayo nalang hinihintay ko, mukhang antok na antok pa si baby ah", sabi ko at napatingin sa akin si baby...

"Bu--bbahh, Buubbaaahh", sabi ni baby at mukhang gusto magpakarga sa akin. 

"Ayan nanaman kayong dalawa", sabi ni Ria, at tumawa siya ng malakas. 

"HAHA, Kulet niyo rin eh noh, pag kayong dalawa ang magkasama", dag dag pa niya. 

"Ganun talaga, mukhang napapalit na nga ako kay baby eh", sabi ko naman at kinarga ko na siya, at lumabas na kami ng room .

"Basta, I don't want you teaching him bad things ha", and she gave me that smirk. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. HAHA..

"Ma'am Maria, I am a good person so you don't have to worry, I'm a good influence when it comes to kids", sabi ko at nag wink ako sa kanya (^_~) 

"Ahh, so sa kids lang?", tanong niya habang naglalakad kami sa isang restaurant. 

"Well, maybe", sabi ko at bigla akong tumawa

"HAHAHAA" at napatingin siya sa akin at hinimpas yung braso ko. 

"ARAY! Para saan yun?", tanong ko sa kanya

"WALA! Trip ko lang", saad niya 

"Lakas din ng tama mo eh noh?", sabi ko at nginitian ko siya ng nakakaloko. 

"Hmpftt, tara na nga gutom na ako eh", sabi niya at naglakad na siiya ng mabilis. 

SPG ata ang peg nito!

-----------------------

Maria's POV

Andito kami ngayon sa isang well known na restuarant, ito ang favourite kong restaurant dito sa Bora, dahil it is so cosy here. Meron din live performance dito puro jazz. Kaya it's so romantic and relaxing. Masarap kasi ang food dito kaya dito ko dinala si Gab. 

"So, what did you order?", tanong ko sa kanya, kinuha ko na si baby sa kanya at nilagay ko sa high chair tabi sa amin ni Gabrielle. 

"I ordered pepperoni pizza and 3 beers", sagot niya habang may kinakalikot siya sa cp niya. 

"3 beers? Sure ka na hindi ka malalasing niyan, we have a meeting tomorrow afternoon", pag-papaalala ko sa kanya.

"Hindi yan, keri ko yan ako pa!", sabi pa niya. 

Lasinggera talaga itong babaeng to, siguro nga hindi siya malalasing. Sana lang. 

*Ring...Ring...Ring...*

"Hello, this is Maria speaking", sabi ko 

"Hello ma'am, this is Hazel, I wanted to let you know that all your meetings has already been cancelled, kasi po si Mr. Juarez tinanngap na yung offer niyo, so everything has been done", sabi sa kabilang line. 

"Oh, that's good to hear, thank you hazel, see you in 3 weeks", sabi ko naman. 

Mukhang mapapahaba ang stay namin dito ni Gabrielle, okay lang naman yun sa asawa ko, dahil he texted me last night na meron daw siyang kailangan asikasuhin sa States, so he will be gone for a while. 

"Who were you speaking to?", tanong sa akin ni Gab

"Ah si Hazel, sabi niya cancel na daw lahat ng meetings natin dahil tinanngap na ni Mr. Juarez yung offer natin. Thank you Gab ha, you have impressed me in so many ways", sabi ko sa kanya at bigla kong nahawakan yung kamay niya.

Para akong may naramdaman na kuryente na dumaloy sa buong katawan ko. 

"A-ahmm, okay lang yun Ria, it's my job", sabi niya at tinapik niya yung kamay ko na nakapatong pa rin sa kamay niya. 

Bigla akong nakaramdam ng hiya. Kaya agad kong inalis yung kamay ko na nakapatong pa rin. Buti dumating yung waiter. 

"Ma'am here's your pepperoni pizza and 3 ice cold beers" 

"Thank you, ito oh", sabi niya at ng bigay pa siya ng tip ha. Mabait ka din pala kahit puro ka good time. 

"Marami pong salamat ma'am" sabi ni kuya at umalis na. 

"By the way nag-order ako ng white wine para sayo, you have to loosen up a bit, you're so up tight, mag relax ka naman muna", sabi niya. 

"Nag-abala ka pa Gab, pero hindi ako pwede eh", sabi ko...

"Bakit naman?? Wala nga tayong meetings na eh", pangugulit niya. 

Ayaw ko sabihin sa kanya yung totoo eh, nakakahiya. Plus it's too personal. 

"Sige na, let's have fun with Baby Kyle", at kiniss niya ito sa noo. 

"Nagpapa-breast feed pa kasi ako eh, sorry talaga ha, I would love to join you pero bawal kay baby eh", sabi ko naman at kumain na ako agad ng pizza. My god nakakahiya talaga... 

Kabet (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon