Gusto

17 4 10
                                    


Kayraming nagbago

Pangarap ay naglaho

Nais ay isinantabi

Wala nalang masabi



Gustong sumigaw

Gustong umayaw

Matulog ng mahimbing

Hanggang di na magising



Ang pusong ito

Paghihirap ang narito

Ang pusong ito

ay sadyang dumudugo


Kay hirap mabuhay

Sa mundong may latay

Latay ng pangamba

na wala ng pag-asa



Ang buhay na ito

Gusto nalang isuko

Ang pusong ito

Gusto nalang sumuko



Anong dapat na gawin

Isa lang naman ang hiling

Ang maging panatag

Sa bawat gising ay tumatag

GUSTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon