Chapter 25: Hard on
Sa gabing iyon, nagtagal ang usapan sa hapagkainan. Pagkatapos magpahinga saglit sa couch, natulog ako bago pa pumasok si Leyox sa kwarto galing sa inuman nila sa baba.
I woke early and bathed myself, preparing for school. Nagpunta sa kompanya si Cassius kasama ang ama, hindi ko tinanong kung saang kompanya at hinatid ako ni Leyox sa paaralan, hindi hinahayaan na magkalapit kami ni Cassius kahit sandali man lang. My cousin has been sticking with me all the time.
A beep on my phone entered while I'm getting out of the car.
Cassius:
I might be home late tonight. Are you at school now?
Ngumuso ako nang natigil sa kinatatayuan.
Me:
I just arrived. Take care!
Hindi ko mapigilan ang sigla nang dumating agad ag kanyang reply.
Cassius:
Okay, take care too.
"Stella, ano 'yan?" sigaw ni Leyox galing sa aking likuran.
Nilingon ko siya at tinapunan ng malapad na ngisi. Nakababa na ang kanyang bintana at nakakunot noong tinitingnan ako. Nagkibit ako nang balikat bago nagpatuloy sa paglakad.
Ang nakabungingis na pagmumukha ni Hannah ang sumalubong sa akin pagkapasok ko ng silid aralan.
"Akala ko may sakit, may date pala!"
Umiinit ang pisngi ko at napangisi na lang.
"Sino 'yon? Mukhang guwapo," panunukso niyang usisa.
I brushed her off and seated on my respective seat. Sunod pa rin siya sa akin at umupo sa upuan ni Kendra.
"Stella, naman." daing niya.
Hindi napawi ang ngiti ko sa labi kaya umirap na lang ako. "Wala..."
She frowned. "Hindi 'yon si Clint kasi noong Biyernes ang date ninyo, diba? O baka nasundan ng isa pa?"
Agap akong umiling. "Hindi. Basta."
Ngumisi siya ng malapad. Magtatanong pa sana siya nang dumating si Kendra kaya pairap siyang umalis sa upuan nito.
"Mamaya nalang, Stella. Sa lunch." parinig niya.
Nginitian ako ni Kendra at umupo.
"Anong pinag usapan ninyo?" nakangiti niyang sinabi.
Bahagyang tumaas ang aking kilay.
She smiled again and placed her books out on the desk. Parang siya na ulit 'yong babaeng ang ugali ay noong first day of school.
Hindi kami nag iiwasan ni Kendra. Minsan kahit naroon ang guro sa harapan, nakikipag usap siya sa akin sa kahit anong bagay at tipid ko lamang itong sinuklian o paminsa'y tatango lamang. Natapos ang unang subject sa isang short quiz bago nag recess.
Hindi ko nakalimutan may usapan kami ni Henley. Before I could take my phone out to check, I sounded for a text.
Henley:
East wing. Please, talk to me.
Pumanhik ako sa sinabing lokasyon. Nasa kabilang building iyon at kailangan ko pang daanan ang iilang departments. Ito ang building nila. Dumapo ang tingin ko sa dulo ng wing at naroon si Henley, nakatayo.
Marahas ang hiningan lumabas galing sa akin bago nilapitan siya. His eyes caught my presence and he stood correctly.
"Stella, I'm sorry... Nagkamali lang ako."
BINABASA MO ANG
Bear In Mind (A Series #1)
RomansaA Series #1 It means Star, the one that twinkles in the night skies. She was young and naive when her mother left them and it scarred her innocent heart. There is resentment and anger but also there is love. She loves everyone. She loves someone. ...