Paano kita makakalimutan
Kung mukha mo ang nakikita sa bawat dumaraan?
Paano ka maaalis sa isipan
kung boses mo ang bawat kantang napapakinggan?
Ngayon ma'y wala na tayong ugnayan,
Sa puso ko'y tayo pa rin ang nagmamahalan.
Gusto ko nang lumaya ngunit di ko maiwasan
Na hanapin ka upang muling mahagkan.
Ilang ulit sinubukang h'wag ka nang isipin
Ngunit pilit bumabalik ang ala-ala natin
Ang mga sandaling ikaw ay kapiling
Di ko maiwaglit, laman ng damdamin.
Di na aasahang ika'y muling babalik
Kahit nagmamahal at sayo ay sabik
Maging tayo muli, di na ipipilit
Sisilipin na lang sa'king panaginip.
BINABASA MO ANG
KAHIT SA PANAGINIP LANG
PoetryNaranasan mo na ba na bigo ka sa totoong buhay at ang panaginip ang tanging nagbibigay sayo ng pag-asa upang patuloy na mangarap? Isang makapangyarihang panaginip na hindi naman makatotohanan ngunit nagbibigay sayo ng kakaibang saya. Isang panaginip...