>> JUBAIL'S POV <<
Kakaalis lang nila Mabell at Shane. Tumambay lang sila dito saglit, nagkwentuhan. Nalaman namin na yung Rupert na nameet namin sa mall kahapon? Yung gwapo? Ex pala ni Irish.
Ang gwapo naman nun, swerte ni Irish sa mga nagiging boyfriend niya. Ang ganda niya kasi.
Nanunuod ako ng TV ng may magtext sakin.
From: Babyloves:-)
Hi Babyloves! Sleep ka na, bawal magpuyat! I miss you.:-* Punta ko dyan tom.ha? Goodnight i love you. Akin ka lang ha?:-)
Napangiti naman ako sa message niya.=)
Ang sweet talaga ng baby loves ko.Yep! Nag i love na kami sa isa't isa. But we're not official.
Hindi alam 'to Shane at hindi niya pwede malaman. Ayokong sabihin natatakot ako, sigurado magagalit siya sakin. Baka pati si Mabell magalit pagnalaman 'to.
Kinakabahan nga ako pagkasama ko si Shane, nagiguilty na din.
Siguro M.U kami ni Owy, sabi niya sakin gusto na daw niya ko maging girlfriend. Sabi ko ayoko muna. Ayoko maging second girlfriend.
Pati ayokong mag timer siya. Sabi ko intayin ko nalang siya.Medyo naiinip na ko, pero mag iintay pa din ako. Minsan nagseselos ako sakanila ni Shane, pagmagkakasama kami, naiinggit ako.
Kelan kaya ako magmamahal ng wala kahati? Bakit ba kasi dun ako lagi napapamahal sa taong may mahal na iba eh.
Gusto ko yung ako lang yung nag iisang mahal, ng lalaking mahal ko. Yung kapag binuksan ko yung puso niya pangalan ko lang yung makikita ko dun. Ayoko na ng may kahati! Sawa na ko! Gusto ko ako lang! Pwede bang maging selfish ako?! Pwede ba yun? Pwede naman siguro diba?
*DINGDONG*
Ay nako! Sila Mabell lang 'to, may nakalimutan sigurado. Napaka ulyanin ha bata pa eh!
Lumabas ako para buksan yung gate. Pagbukas ko ng gate nagulat ako!
Bakit nandito siya?? Ano ginagawa niya dito?? May kailangan ba siya?? O baka naman sasabihin niya lang sakin na sila na ni Irish?! Ano?! Ipapamukha niya sakin na sinagot na siya ng ex niya?!
"Jubail. . . Sorry. . . ."-biglang tumulo yung luha niya. Teka!
"Lasing ka ba??".
"Sorry patawarin mo ko please?? Sorry nasaktan kita sorry. Sorry Jubail. . Gagawin ko lahat para mapatawad mo ko please??"-bigla naman siya napaluhod bang umiiyak. Naiiyak na din ako pero kailangan ko maging matapang sa harap niya! Kahit ngayon lahat luha makisama ka!
"Ano ka ba! Tumayo ka nga diyan! May tama ka. Uminom ka na naman. Lika na sa loob."-tinayo ko siya at inalalayan.
Pumasok kami sa loob pinaupo ko siya sa sofa."Sorry na. . ."-sabi niya habang tumutulo yung luha niya. Ngayon ko lang nakitang ganito si Ranz. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak sa harapan ko.
"Yaan mo na yun. . Ano ba nangyari? Bakit naglasing ka?"-tumabi ako sakanya, humarap naman siya sakin.
"Kanina. . . Nasa Seaside ako iniintay ko siya. . . Tatanungin ko na sana siya kung sasagutin na ba niya ko. Tinext ko siya na pumunta dun, pero di siya nagrereply. . Naglalakad lakad ako nakita ko may naghahalikan. Pagdaan ko sa gilid nila bigla ako napatingin sa naghahalikan, si Irish pala tsaka di ko kilala yung lalaki. Di ko alam kung boyfriend niya yun."

ŞİMDİ OKUDUĞUN
My Bestfriend/Sister becomes My Future Girlfriend?
Rastgele-PROLOGUE- "I love her, kahit bestfriend ko pa siya, kahit girlfriend man siya ng kaibigan ko.. I will do everything, maging akin ka lang.. YOU'RE MINE!" - Owy Posadas "Mahal ko siya, kahit boyfriend pa siya ng pinsan ko.. kahit bestfriend ko siya...