From: Morgan broWhere are you? Nasa school ka na ba? Sinong kasabay mo? Text me if you need anything
I turned the ignition off tsaka nag-reply.
To: Morgan
Brought my own car. I'm fine. Good luck. Labyu
Sobrang excited ako ngayong first day dahil pinayagan na ako nila Mama na dalhin iyong sasakyan ko. Sobrang paranoid kasi ni Mama! Hindi ko alam kung ma-o-offend ako na wala siyang tiwala sa akin o matutuwa na may pake siya sa akin. Sila Morgan kasi, after mag-eighteen, pinapayagan na sila ilabas iyong mga sasakyan nila kahit high school pa lang kami.
After ko i-park iyong sasakyan ko, dumiretso ako sa coffee shop kung saan kami magkikita ni Renee. Feeling ko meant to be na makilala ko 'tong si Renee. Ang galing lang na same course na nga kami, same section pa. Iba rin iyong feeling na may babae na akong kaibigan na lagi ko nang makakasama.
Pagpasok ko sa coffee shop, natigilan ako kasi kasama na naman ni Renee iyong tatlong anti-Soliman. Sobrang agaw pansin na naman kasi sila lang iyong na-i-iba na uniform na suot. SEU pa na uniform! Pinagtitinginan tuloy iyong table nila. Si Renee, mukhang asar na asar na naman sa ka-ingayan ng mga kasama niya.
"Chin!" Kumaway sa akin si Renee nang makita niya ako.
Sabay-sabay na lumingon iyong tatlong buntot ni Renee. Tipid lang akong ngumiti. Medyo na-ilang ako kasi grabe sila makatingin! Sanay naman ako makakita ng gwapo dahil hindi naman ako bulag at alam kong gwapo iyong apat kong alagad. Ang daming nagkakagusto sa mga iyon pero sa paningin ko, sila pa rin iyong apat na batang mukhang uhugin na mahilig magsuntukan.
Nang makalapit ako sa table nila, tinulak ni Renee iyong kapatid niya tsaka ako pina-upo sa tabi niya. Halata naman kung sino iyong kapatid niya dahil magkamukha silang dalawa.
"Sorry, nandito na naman sila. Hinatid lang ako." Renee glared at them.
Natawa iyong isa, "Ouch, sakit naman no'n. Hindi ba kami welcome dito? Akala ko hospitable 'tong Soliman?"
Renee rolled her eyes, "For formalities. Everyone, this is my new friend, Chin. Chin, this is my brother, Rocco. His friends, Tyrell and Maxen."
Like what I said, boy version ni Renee iyong kapatid niya pero moreno tapos may slit iyong left brow niya. Si Tyrell naman, mukhang party boy na maraming babae pero baka judger lang ako. Iyong Maxen naman... hindi mestizo pero hindi rin naman moreno, sakto lang tapos mukhang rich kid. Lahat naman sila mukhang mayaman dahil halata naman sa dating nila but this rich boy is something... parang lumaking may butler at kasama sa routine niya ang maligo ng gatas noong bata siya.
"Hey, thanks for befriending her. I hope matagalan mo siya." Rocco said sabay tingin sa kapatid niya habang nakangisi, halatang nang-aasar.
"So epal, Kuya. Pwede na kayong umalis."
"What are you hiding here? Bakit lagi mo kaming pinapa-alis?" Luminga-linga pa si Tyrell na parang may hinahanap.
Napangiti ako. Hobby ata talaga nila ang asarin si Renee. Naalala ko tuloy sila Kiro. Hindi naman nila ako madalas inaasar dahil alam nilang makakatikim sila sa akin pag napikon ako. Nakakamiss lang din iyong ka-ingayan nila.