Chapter 01

805 13 0
                                    

Chapter 01

(Present - 2020)

Ciro POV

Hindeeeee

Napatayo ako mula sa pagkakalublob sa tubig.

Isang masamang panaginip..

Kinakabahan ako at pinagpapawisan.

Nakaugalian ko na ang magbabad sa mainit na tubig kada uuwi ako. At di sadyang nakatulog na naman ako.

Hinawakan ko ang ulo ko at yumuko. Eto na naman ako.



















Bakit napakahirap kalimutan ng nakaraan? Bakit di pa din nawawala ang sakit? At namumuhay ang galit sa mga taong sinira ang buhay ko.


















Tumayo ako sa bathtub at dumiretso ng kwarto. Isinalin ko ang natitirang alak sa baso.

Sumilip ako sa bintana kung san makikita ang buong siyudad.

Matapos ang 10 taon na paghihintay..
Handa na ko.

Ngayong nagbalik na ko, nakaplano na ang lahat. At hindi ako makapaghintay na makitang luluhod sila sakin at magmamakaawa gaya ng ginawa nila sa mga magulang ko.












Hindi ako makapag-intay, pabagsakin ang mga SAAVEDRA.

~~~~~~~~❤~~~~~~~~









Denise POV

"ingat kayo" si Sam.

"kayo din" nakangiting sagot ko. Naghiwa hiwalay na kami dahil tapos na duty ngayong araw. Haysss kakapagod.

Isa akong architect, isa sa pinakamalaking development corp sa pilipinas. Ito na ata ang pinakamagandang company na napasukan ko. Kahit isang taon pa lang ako. Malaki ang offer nila dito.

Masipag ako at sobrang dedicated sa trabaho. Ngayon lang, kinausap ako ng supervisor namin na isa ako sa pinagpipiliang ipromote dahil isa ako sa may pinakamadaming client at may mgandang mga design.

Sobrang saya ko. Kahit wala pa nga. Pero isiping kasama ka sa options. Hindi ba't nakakatuwa.

Naglalakad na ko mag-isa. Bakit ganun? Bakit feeling ko may sumusunod sakin? Hmm.. Wala naman siguro.

Sinalubong ako ng mga batang pulubi paglabas. Pinalibutan nila ako. Kilala na nila ako dito.

"hi ate Den" sabi sakin nung isa.

"ate Den gutom na po kami" si TanTan.

Nilabas ko ang pinamili kong mga mamon para may makain sila. Halos ganito ata ako araw araw. Hindi naman kami mayaman pero naawa kasi ako sa kanila. Wala silang mga magulang.


Woowwwww

Thank you po Ate Den

Ang sarap ate..

Sabi nila. Oh diba? Ang saya saya nila sa mamon lang. Nakakatuwa. Nagpaalam na ko at iniwan na sila dahil late na.

How to unlove you (Part1 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon