NINE

632 43 0
                                    

I was lucky at hindi ako na-late kanina. Matagal kasing pumasok sa lecture room yung propesor namin. Kakatapos lang ng first class at break time na. Lumabas ako ng silid at hinanap si Felix nang nakasalubong ko si Ivan habang ako'y pababa.

"Ivan. Asan ka galing? Di na kita nakita simula kahapon"

"May emergency kasi. Pasensya na" he answered in a low tone voice.

"Are you alright?" pakiramdam ko'y parang wala siya sa mood ngayon base sa pananalita niya.

"Oo. Wag mo kong intindihin. I'm okay"

I don't want to assume that he's not okay pero parang ibang Ivan kasi yung kaharap ko ngayon.

"If you need anything or if you need someone to talk to, I'm just here"

Tumango lang siya at nilagpasan na ako. I sighed at nagpatuloy nalang sa aking paglalakad.

"The org selection process continues now. Please proceed to the field immediately" they announced.

Nang makarating ako ng field ay ka-kaunti nalang yung mga nandito. Nagpalinga-linga ako sa paligid at nagbaba-sakaling makita si Felix. Hindi ko siya makita kahit saan kaya isang ideya ang pumasok sa aking isipan. He wants to join the same org as me kaya posibleng nandun siya. Dumiretso ako ng film org at napahinto nalang sa labas dahil sa karatulang nakadikit sa harapan ng booth.

"Ka-badtrip naman oh" bukambibig ni Felix mula saking likuran.

I faced him. "Paano ba 'yan, out of slot na"

"Kaya nga eh. gusto pa naman sana kitang makasama"

"Mabuti na rin yan. Para di ko palagi nakikita mukha mo" I joked.

"Bahala ka. Hahanap-hanapin mo 'ko" he said arrogantly.

"Kapal" I reacted and rolled my eyes.

"Samahan mo nalang ako maghanap ng iba. Tara" sabi niya at hinawakan ako.

We held hands while roaming around the field. Aware naman ako na magka-hawak ang aming mga kamay at kahit gusto ko man 'yung bitawan dahil sa pinagti-tinginan na kami ng mga tao, mahigpit ang pagkaka-hawak niya sakin. We walked for a minute and ended up here in Music Org.

"Sure ka na ba dito?"

"Yup. Mas malapit ako dito eh"

"Do you even have a good voice?" I asked concernedly.

"Alam mo napaka-judgemental mo talaga"

"I'm just asking. Sige nga, Paano ka matatanggap kung pangit naman boses mo?"

"Gusto mo bang malaman?"

"Magta-tanong ba ako kung di ko gusto malaman?"

Nabigla ako nang inilapit niya ang mukha sakin. "I'll show you" I felt his warm breath towards mine.

Umalis na siya saking harapan at pumasok sa loob. Minutes passed and I'm still here waiting for him outside. Then, I saw him getting out sa booth kaya agad ko siyang nilapitan.

"Tagal mo" reklamo ko agad.

"Pasensya na. Pina-kanta pa kasi ako ng paulit-ulit eh"

"Really? Wow naman. Maganda talaga ata boses mo"

"Magkakaroon ba ako nito kung di ako maganda boses ko?" sabi niya sabay pakita ng badge na nakadikit sa kaliwang bahagi ng damit niya.

"Nag-yabang ka pa ah" I said and chuckled.

"So, ano? Naniniwala ka na ba na magaling ako?"

Napa-isip naman ako sa kanyang sinabi. "Hindi"

Nakita ko ang pagkunot-noo ng kanyang noo. "Bakit? Hindi pa ba sapat 'tong badge?"

"I never heard your voice. To hear is to believe" I answered.

"To see kasi 'yon"

"Tanga. Bakit, mata ko ba yung makikinig?"

Bahagya nalang siyang napangiti sa sinabi ko. "Fine. It's up to you kung papaniwalaan mo 'ko" he gave up. "Anyway, I want you to have this" he took off the badge on his shirt and came near me. He grabbed my shirt at yumuko ng kaunti para pantayan ako.

"Para san 'to?"

"I just want you to have it. Pasasalamat ko na rin dahil sinamahan mo 'ko"

"Wala 'yon. Parang di ka naman nasanay. Araw-araw kaya tayong magkasama"

"I know that's why I'm thankful, for being there with me, and for being part of my life" he said and gently poked my nose.

I don't know how to react but the way he said it made me overwhelmed. Wala akong ideya kung paano siya sagutin. My mind's still processing. 

Nginitian ko nalang siya. "Ang corny mo talaga" but deep inside, I felt pleased.

"Oh, bakit? I'm just expressing what I feel. Bawal ba 'yon?"

"Ewan ko sayo" sabi ko nalang. Baka ano pa masabi ko.

"Siya nga pala. There's something I need to tell you" he said seriously.

I'm waiting for him to continue kasi parang nakikita kong nagda-dalawang isip pa siya. When he's about to open his mouth, the bell rang that made him stopped.

"Next time nalang pala"

"You sure? It seems like it's serious"

"It's nothing. Tara na, balik na tayo" sagot niya at nauna ng umalis. Malalim akong napabuntong-hininga at sinundan siya.

To be continued.

FALLINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon