Nang Muling Naging Mahinahon ang Nagngangalit na Dagat

44 5 7
                                    

Madilim ang kalangitan...

Panaka-nakang pagkulog at pagkidlat ang namumutawi sa kapaligiran na sinabayan pa ng mabibilis na hangin at ulan na tila wala nang katapusan sa pagbayo.

At ang mga nangngangalit na alon ng dagat ay walang humpay ang paghampas sa dalampasigan.

Takot na takot ang pamilya ni Kristine sa kalamidad na kanilang nararanasan sa kasalukuyan sa pangambang bumigay ang kanilang maliit na barong-barong na gawa lamang sa pinagtagpi-tagping kahoy mula sa isang malapit na kakahuyan.

Si Kristine ay isang mahinhin, mabait, mapagmahal, mayumi, at kagalang-galang na dalaga sa kanilang lugar.

Bagama't payak at simple ang kanilang pamumuhay sa isang probinsya malapit sa karagatan, nairaraos naman nila ang kanilang pangaraw-araw na pamumuhay sa tulong ng sahod na natatanggap ng kaniyang ama sa paglilingkod sa kanilang pamayanan bilang isang punong kagawad.

Dapit hapon na noon at ilang sandali pa ang lumipas ay unti - unti nang kumalma ang kapaligiran at unti - unti narin nilang nasisilayan ang mga papalubog na sinag ng haring araw kasabay ng pagiging kalmado nang kanina'y nagngangalit na dagat.

"Sa wakas tapos na ang unos!" magiliw na sabi ni Kristine habang nakatingin sa karagatan.

Sa kaniyang paglalakad-lakad ay hindi na niya namalayang napalayo na siya sa kanilang balay.

Mula sa di kalayuan ay may natanaw siyang pigura ng isang tao na nakahandusay sa may dalampasigan na agad naman niyang nilapitan at sinaklolohan dala ang pag-asang ito ay humihinga pa at hindi nga siya nagkamali.

Bakas sa muka ng binatang kaniyang natagpuan ang panghihina.

Matapos makita ni Kristine ang kalagayan nito, dagli siyang humingi ng tulong sa kaniyang mga kapit - bahay para buhatin ito.

Dinala nila ang binata sa isang abandonadong kubo na hindi naman malayo sa tinutuluyan ng dalaga.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagkaroon na ito ng malay at agad naman siyang dinulugan ng dalaga kasabay ng pagbibigay ng tiwalya at mga damit mula sa kaniyang kapit - bahay upang makapagpalit ito.

Lumipas ang magdamag at hinayaan na lamang ng pamilya ni Kristine na makapagpahinga ang binata sa kadahilanang kumikirot ang ulo nito.na sa kanilang pakiwari ay tumama sa isang matalim na bato sa may dalampasigan.

Umaga na noon at ang buong pamilya ni Kristine ay nasa harap ng hapag - kainin upang makapag- agahan.

Bagama't isang dayo ang binata, bilang isang punong kagawad, hinayaan muna ng ama ni Kristine na sa kanila ito manuluyan hanggang sa muling magbalik ang memorya nito.

"Ay siya nga pala iho, wala ka ba talagang natatandaan kung ano ang nangyari sa iyo, saan ka nanggaling, at ano ang iyong ngalan?" sunod-sunod ngunit malumanay na tanong ng ina ni Kristine.

"I... I... i d-don't remeber anything b-but before I losr my consciousness, I can hear a woman shouting Rey... Reynaldo? t-towards my direction?" nanghihinang tugon naman ng binata.

"Ayy taray, inglesherong bangus!" banat naman ng nakababatang kapatid ni Kristine na si Linda.

"Ikaw nga'y matale sa iyong silya at itikom mo ang iyong bibig!" pananaway naman ni Kristine sa bida - bidang kapatid.

"Kung gayon! Magmula ngayon, hangga't hindi pa bumabalik ang iyong alaala, ang itatawag namin sayo ay Reynaldo at hahayaan ka muna naming tumira dito sa aming balay" singit naman ng ama ni Kristine.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nang Muling Naging Mahinahon ang Nagngangalit na Dagat [COMPLETED]Where stories live. Discover now