campus royalties

59 0 0
                                    

Campus Royalties - Prologue (p.1 of 1)

Prologue

Isa ka ba sa mga sikat na students sa campus niyo?

Well, ako rin. Pero ayoko talaga. Then I met this freaking guy, na sikat rin sa campus namin, na walang ginawa kundi pahirapan ako.

But, I fell in love with him. Pero mukhang di niya napapansin yun.

He's still enjoying being a famous student while my social life's suffering because of him.

Ang gusto ko lang namang malaman eh,

Does he love me too?

"Oh my gosh! Ang ganda talaga ni Tiffany no?"

"Oo nga eh, sabi nila valedictorian din daw yan nung high school!"

Eto na naman sila. Sana kung pinag-uusapan nila ako eh wag nilang iparinig sa akin!

"Sikat ka na talaga Steff!"

"Of course! She's one of the Campus Princesses!"

"Ewan ko sa inyong dalawa. Aanhin ko yang Campus Princess na yan? Buti sana kung nakakain yan eh."

"Swerte ka nga at nakuha ka eh. Yung iba gustung-gustong maging Campus Princess."

"She's the only one who doesn't want that title!"

"Eh ayoko naman talaga eh! Bakit ba kasi may gani-ganito pa? Nakakairita lang!"

Sa totoo lang. Ayoko sa university na 'to. Pinilit lang ako nitong mga bestfriends ko.

Ibang klase kasi eh. Yung top 10 na sa entrance exam, na may itsura, take note, dapat maganda or gwapo ka, ang magiging campus princesses at princes. Yung mga matataas ang grades pero di nila gusto yung itsura, Brains of the Campus naman. Ang daya no? At napaka-unfair pa.

At sa kamalas-malasang result, eh pang-lima ako sa listahan. Ang pumasok? 6 girls and 4 guys. Naaawa nga ako sa mga nasa top pero di napapansin ng mga tao. Gusto pa nila yung may itsura. KAKAINIS KAYA!

Ang masaklap pa, pino-post nila yung mga campus princes and princesses sa announcement board. Tss.

"Steff! Tara na! First day of classes, gusto mo na agad ma-late? Si Yna nasa room na."

Ni-lecturan na naman ako ni Alice. Lagi naman eh.

"Okay!"

Tumakbo na ako papunta sa room. Phew! Buti di pa dumadating yung prof namin.

"Ang ganda niya no?"

"Yeah, she's like a goddess."

Err. Ewan ko sa inyo! Goddess niyo pagmumukha niyo! Pwede pa saana kun ako an Goddess of Strawberries! Para lagi akong nakakakain nun!

Nag-crave tuloy ako bigla sa strawberries. >_<

"Good morning class! Nice to meet you! :)"

Nagulat ako dun ah! Nag-iimagine pa man din ako na kumakain ako ng strawberry tapos biglang dumating yung prof! Di ko tuloy naubos!

"Oh! Andito pala ang dalawa sa campus princesses!"

Huh?

"Ms. Tiffany Damian and Ms. Alexa Natividad!"

Nagsigawan sa room. BIG DEAL? Kainis! Kailangan pang i-announce eh. Pati mga prof kilala kung sino kami. So what kung Campus Princess kami? Hello?! Estudyante pa rin naman kami dito no!

Eto namang Alexa, I forgot the surname, eh feel na feel. Gustung-gustong pinupuri ng mga classmates eh! May pa-thank you thank you pang nalalaman.

"Steff, calm down!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

campus royaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon