Destiny's Game 4

0 0 0
                                    

Xyo's PoV:

Kakalanding pa lang ng private plane namin at papasakay na kami van na maghahatid sa amin sa isang resort ng may mahagip ang mata ko ng pamilyar na pigura. Lalapitan ko sana ito ng hawakan ako ni Via.

"What's the matter Love, saan ka pupunta?" takang tanong nito sa akin.
Tiningnan ko ulit kung andun pa ito pero wala na.

"Nevermind, I thought i saw someone familiar." sagot ko dito.

"Sino naman?"

"I don't know"

"Maam, Sir.. okay na po yung sasakyan makakaalis na po tayo" agaw pansin samin ng driver ng van. Inalalayan ko na lang ng sasakyan si Via at di na pinagisipan ang nakita kanina.

Pagkadating namin ng resort, hinatid ko na si Via sa magiging kwarto nito. Hiwalay kami ng kwarto, I just wanted to.

"Sabihan mo ko kung tapos kana sa meeting ha, lets go out." nakangiting sabi nito sa akin.

"Sure, magpahinga ka muna at kikitain ko muna ang mga kameeting ko." sabi ko sa kanya at dinampian ito ng halik sa labi.

"Sumama na lang kaya ako sayo love?" biglang sabi nito.

"No, mabobored ka lang dun. Magpahinga ka na lang muna para di ka mapagod kapag namasyal tayo mamaya. Okay?" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Okay, see you later then." tumango naman ako sa kanya saka sinarado nito ang pinto. Naglakad na din ako papuntang kwarto na katabi lang nito. Magreready pa ako para sa meeting.

Papasok na ako ng coffee shop ng mahagip ulit ng paningin ko ang pamilyar ng pigura pero nakita ko naman ang mga kameeting ko kaya wala akong choice kundi lapitan ang mga ito.

"Good morning Mr. Valgez." sabay sabay pa itong tumayo para kamayan ako. Natapos ko naman agad ang meeting kaya nagpasya akong hanapin yung nakita ko kanina, I'm not sure who it is pero, alam kong kilala ko ito at kailangan ko itong makita. Pero nalibot ko na ang coffee shop pero wala na ito roon.
Nagpasya na lang akong pumuta sa kwarto ni Via, dahil alam kong kanina pa ito naghihintay.

Nakakailang katok pa lang ako ay may nagbukas na agad ng pinto. Nakasimangot itong nakaharap sa akin.

"Bat ang tagal mo, gutom na kaya ako! I didn't have breakfast pa naman kanina." nakangusong reklamo nito.

Yumakap ako dito para mawala ang tampo nito.

"Sorry na, natagalan kasi ang meeting eh." dahilan ko dito at hinalikan ito sa pisngi.

"Lets go, may nakita akong resto sa malapit and I think masarap at magugustuhan mo dun." dagdag ko.
Wala naman itong naggawa at nagpahila na lang sa akin.

Nakaupo na kami sa loob ng resto ng mapansing nakasimangot pa rin si Via. May naisip naman akong paraan.

"Lovee", pukaw ko sa atensyon nito. Tumingin lamang ito sa akin.

"Why don't we celebrate our first anniversary here?" tanong ko dito nagliwanag naman ng mukha nito.

"Talaga? But two weeks pa yun ah. Are you sureee?!" halatang excited na tanong nito.

"Then lets stay here for two weeks." sabi ko naman dito.

"Oh my ghadd I love you!!" napatayo pa ito at napayakap sa akin.

"See? Worth it yung dala kung madaming damit. May plano ka pala talagang magtagal dito." nakangiti ng sabi nito sa akin.

"How about you? Diba kunti lang ang dala mong gamit?"

"Magpapahatid na lang ako ng gamit ko dito" tumango na lang ito at nagsimula ng kumain dahil nakarating na din ang order namin.

Nang matapos kaming kumain nag ayang maglakad lakad si Via sa tabing dagat madami dami na ding naglalaro saka naliligo.

"Ang ganda naman dito babe!!"- she exclaimed while looking at the wide beach of Boracay. 

"I know you would like it here!"- sabi ko habang may maliit na ngiti sa labi.

"I dont only like it, i LOVE it babe!"

"I love you"- sabi ko habang nakatingin sa dagat.

"And I love you too more than you do"

Niyakap ko siya sa bewang habang nakatingin sa mga taong lumalangoy at nageenjoy sa dagat.

Nageenjoy na kami sa kakanood ng biglang muntik siyang tamaan ng bola ng beach ball mabuti na lang at nasalag ko.

"Watch it! Kunting ingat naman!"- sigaw ko dun sa mga naglalaro.

Pero napako ang tingin ko doon sa taong papalapit sa amin. Natigilan ako.

"Are you hurt? Sorry about that." tanong nito kay Via ng makalapit na ng tuloyan sa amin. Sumulyap pa ito sa akin at muling tumingin sa girlfriend ko.

"Im okay, di naman ako tinamaan" sagot naman nito na halatang kinikilig. Tsk.  Wala na itong sinabi, he just kept on staring at her. Mataman kung tiningnan ang taong nasa harap ko ngayon.

"We'll go ahead, enjoy your game"- sabi ni Via saka ako hinila pero bago pa kami makatalikod ay may itinanong pa ito kay Via.

"Wait miss, may I know your name?"- tanong niya pa.

"I'm V--" hindi ko na ito pinatapos at hinila na ito paalis.

"Ouch, Love! Nasasaktan ako!" napatigil ako at tiningnan ang kamay kong nakahawak dito. Masyado na pala itong mahigpit.

"I'm sorry" sabi ko na lang dito.

"Its okay." sagot nito habang hinihimas ang nasaktang kamay. "You're just jealous, right?"

Hindi ko siya sinagot.
"Come on, di naman ako magagalit eh." she said smiling.

"I'm not jealous, I have nothing to be jealous about." sagot ko saka tumalikod dito.

"Tara na, bumalik na tayo. I want to take a rest, bukas na tayo mamasyal dito." nagsimula na akong maglakad at alam kung nakasunod lang ito sa akin.

"Hey wait up!" habol nito saka sumabay sakin maglakad.

"Yes you have nothing to be jealous of dahil ikaw lang ang love ko. Ikaw lang" sabi pa nito habang matamis na nakangiti sa akin.

"I know and I love you too." sagot ko dito at hinawakan ang kamay niyang namula.

"I'm sorry about this, hindi ko sinasadya." sincere kung sabi.

"I know love, di mo ako kayang saktan. Sige na magpahinga kana, lets enjoy na lang tomorrow." sabi pa nito ng nasa harap na kami ng pinto ng room ko.

"Hatid na muna kita" una kasi yung room bago sa kanya.

"I can manage Love, saka magkatabi lang room natin oh. Sleep well love." Humalik pa ito sa pisngi ko saka nagpunta nang kwarto nito. Hinatid ko na lang ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa katabing kwarto. Pagkatapos ay pumasok na din ako para makapagpahinga.

Destiny Played w/ MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon