CRUSH_umbrella

12 0 0
                                    

Napatingin ako sa bagong bili kong payong, violet ang kulay tapos itim yung nasa ilalim pag binuklad sya. Grabe ilan na bang payong ang naiwala ko this year? Kung di ko naman naiwawala nasisira ko naman, hay naku! Iwan ko nalang sa isang to, ito na yata yung pinakamahal kong nabiling payong sa tanang buhay ko, pagto naiwala o masira ko na naman, iwan ko nalang, kaya dapat na dobleng ingat naku dito.

*ting

May biglang pumasok na ideya sa aking napaka hiwagang braincells. Kinuha ko yung kulay pink kong highlighter at yon ang ginamit ko para lagyan ng pangalan ko at iba pang mga detalye, at napangiti naman ako sa kinalabasan ng gawa ko.

4:30 ng hapon, uwian na namin, kasama ko yong kaibigan at iba kong kaklase na naglalakad sa corridor ng aming department building, nagkayayaan yong iba na gagala daw muna sa mall at dahil good girl ako eh di ako sumama, ang rason ko sa kanila ay takot akong umuwi ng gabi, totoo yon kahit na kabisado at sanay na akong pabalik balik papunta at pauwi sa bahay ng kapatid ko kung saan ako umuuwi e takot parin ako, lalo na pag may nakikita akong mga tambay sa aking daraanan.

FRIDAY MORNING*****
Klase namin sa chemistry laboratory, at dahil umuulan e dinala ko yong bagong bili kong payong, sabi ko na nga ba na bibili ako ng bago dahil walang pinipiling oras at lugar ang ulan kung kalian at saan sya bubuhos ng kanyang luha.
We did some experiment and our professor let us bring our experiment assessment in home, so pag tapos na kayong gumawa ng experiment nyo at nairecord na ang mga data ay pweding pwede na kayong umuwi o lumabas. Pagkatapos na pagkatapos namin ay nilinis at ibinalik na kaagad namin ang mga ginamit naming laboratory tools at dalidaling umalis vacant pa namin tapos non papasuk pa kami saming last subject.

Masaya kaming naglalakad ng bestfriend ko, tumatawa sabay hampasan, ganon kami palagi.
Pumasok kami saming last subject pasado 10:30 ng umaga.

Habang nagkaklase ay parang hindi ako mapakali na iwan, kinakabahan ako na hindi ko naman alam kung anong dahilan. Sumapit na ang uwian at ganon parin ang nararamdaman ko, nakaramdam ako na parang may kulang sakin at parang may nawawalang parte saking buhay, hindi ko alam. Naglalakad kami sa corridor ng tinanong ako ng bestfriend ko kung ok lang daw ba ako, dahil nararamdaman nya segurong hindi ako mapakali, I answered yes, para hindi na sya mag alala pa, nasa dulo na kami ng corridor at dahil walang silong ang daan palabas ng gate ay mainit, mainit na ngayon, hayz, pabago bago talaga yong klima sa pilipinas well di lang naman seguro dito sa pilipinas sa ibang bansa rin.
Tiningnan ko yong bag ko at kukunin ko sana yong payong ko pero halos ilabas ko na lahat ng laman ng bag ko pero wala akong makitang payong, kinakabahan na ako, ang lakas at bilis narin ang pintig ng puso ko, pinanghihinaan na ako ng loob.

Bigla kong naalala kong saan ko ba huling nilagay yong payong ko and then boom.

Sinabit ko pala sa labas ng chemistry laboratory room kanina dahil mabasa ito at hidi pweding ipasok, strikto pa naman yong professor namin don, at dahil sa masyado akong excited na umalis ay hindi ko na naalala yong payong ko.

Sinabihan ko ang bestfriend kong hintayin na lang muna nya ako sa my bench na malapit saming building dahil kailangan kong balikan yong payong ko sa chem. Lab.

Tumakbo ako papuntang chem lab at pagdating ko don e halos manlomo ako ng wala akong makitang payong na nakasabit sa bintana ng room, may kalapit na building yon, management building at may nakikita akong ilang estudyante pero nahihiya naman akong magtanong at mang usisa sa kanila. Bagong bili ko yon e, hindi ko pa naenjoy ang pag gamit non tapos mawawala lang, nilagyan ko ng pangalan, address, kurso, edad, status at number yon sana naman may puso yong nakakuha non.

Nanlolomo akong umalis at pinuntahan ang kaibigan ko na naghihintay sakin sa bench.

"o san na ang payong mo?" naguguluhang tanong nya dahil sa mukha kong parang nalugi.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon