"Yes I'm falling,would you catch me?"
Pano koba sisimulan to?uumpisahan koba to sa once upon a time o sa isang araw?--no,hindi naman to isang typical na love story o alamat ng isang pag iibigan.
Siguro uumpisahan ko sa kanya,sa kanya naman nagsimula lahat ng to eh.
First month..
Today is the first day of being a grade 11 student.And he is my schoolmate for almost 8 years and my classmate for almost 3 years.At for the first time mag seatmate kami ngayon.hindi ko alam pero ang awkward niya katabi,siguro dahil first time to?sa loob kasi ng 11 years na nagtatagpo ang landas namin ay hindi naman talaga kami nakakapag usap o ngitian manlang kahit na noong mga previous batch na magkaklase kami.hindi kasi siya mahilig makipag usap sa mga babae pag kinakausap siya ng mga babae umiiwas agad siya pag ganon.tsismis ngang bakla to eh at ako naman hindi rin ako mahilig makipag salamuha sa mga lalake ewan koba feeling ko pag nakikipagsalamuha ako sa mga lalake iba na tingin sakin ng ibang tao.
"Ehem."-nabalik ako sa reyalidad ng pekeng umubo si xeyvi sa likod ko kaya lumingon ako.binigyan ko siya ng 'nagtatakang look.'ngumuso naman siya sa direksyon ng katabi ko kaya nilingon ko ito at halos lumundag puso ko sa kaba ng magsalubong ang mga mata namin,agad naman akong umiwas ng tingin ng mapagtantong nakakunot ang noo nya at takang tinitingnan ako.
"M-may dumi b-bako sa mukha?"-takang tanong ko sa kanya ng nakatitig parin siya.Ilang segundo pa siyang hindi sumagot.
Lumingon siya sa paligid kaya lumingon din ako at don kolang napagtantong lahat sila nakatingin mismo sakin.
At pagtingin ko sa harap nakapamewang na pala si Mrs.Vargas na nakatingin sakin.
" are you listening ms.montero?or you are only listening to your mind?focus on the class ms.montero!"-saway sakin ni ms.vargas kaya napayuko nalang ako sa naramdaman kong hiya.
"S-sorry ho."-sabi ko kaya nagpatuloy na sa leksyon si mrs.vargas.
Inayos ko ang pagkakaupo at diretsong tumingin sa harap,mag f-focus na sana ako sa lesson ng maalala ko ang mga tingin ni Vincent yun ang kauna-unahang tumingin siya sa mata ng babae.
Bat parang ang weird sa pakiramdam?
"MISS MONTERO?!"
"Hoy gaga ka ano bang pinag iisip mo kanina ha?"-sabi ni xeyvi at hinampas pa ng mahina ang braso ko.
"Si Vincent."-simpleng sagot ko.
Parang nataranta naman sya bigla at dali daling umupo sa tabi ko habang hawak ang turon niya."Halaa?don't tell me crush---
Bago pa niya ituloy ang sasabihin niya ay binatukan kona siya kaya napahawak siya sa ulo nito.
"Tigilan moko di ako magkaka crush sa baklang yon."
"Eh bat mo siya iniisip?trip molang?"
Bago pako makasagot ay bigla naman kaming napalingon sa harap namin ng may umupo dito.
"Oo nga bat moko iniisip?"-sabi ni Vincent na kinagulat naming pareho ni xeyvi nakatingin siya sa mga mata ko at ngumunguya ng turon--teka turon?
" teka turon koyan!"-sabi ko at pilit na inagaw sa kamay nya yung turon at bigo ako dahil iniangat niya yung kamay niya.
"Sabihin mo muna kung bakit."
Diko alam anong hinithit neto at bigla nag iba daloy ng dugo sa utak at nakikipagusap sakin to.
"Akin sabi!"
"Bakit nga muna!"
Para talaga syang bakla!
"Ibigay mona nga!"
"Eh bakit ngaaa!"
"Kung bakla ka nga!!"This time bat parang tumigil sa pag ikot yung mundo.lahat nakatigil at nakatingin samin o sakin?