Una: Dako saan?

7 0 0
                                    


Magandang takipsilim, mahal?

Sambit ng bukang liwayway ng may dangal

Ang hubog mong nakaharap sa kawalan

Yakap ang isipang naglakakbay sa kalawakan

Kanyang nasilipan sa gitna ng dilim


May bumabagabag nanaman sa iyo, mahal

Bakas sa pader ang bigat ng iyong pagsandal

Sa pares ng paningin na unti unting lumabo

Kasabay ang pagpatak ng lumbay sa iyong likido

Na tila pasan ang suliranin Ng daigdig


Mapayapa ang gabi ngunit naririndi ka, mahal

Narinig ko sa balangkas nang iyong mga dasal

Hindi mabilang na katanungan sa iyong isipan

Tungkol sa hindi mawaring kapalaran

Ang nagpapanatiling gising sa iyong kalamnan


Wari ko'y gusto mo nang magpahinga, mahal

Humihingi ka na ng tulong sa May kapal

Nawa'y kantahin ang hele sa iyong puyat na isipan

Na tila laman ang sagot sa mga tusong katanungan

At lunas upang madiskarga ang laman ng dibdib


Sumisilip na ang sinag ng araw, mahal

Ipahinga mo muna sana ang iyong mga dasal

Hindi man naibigay ng silim ang iyong kapanatagan

Humayo ka sa umaga at pag asa'y iyong harapan

Hangga't mawari kung saang dako ka nga ba patungo.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thoughts-LATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon