Story 4

6 3 0
                                    


~ᑌᑎTITᒪᗴᗪ~
𝘣𝘺: @𝘓𝘈𝘊𝘉

"nakakainis!"sabi ko ng padabog sa mga kaibigan ko.

"Bakit naman?"tuwang tanong ni mica na kanina pa naalibadbaran saakin dahil onti nalang ay sasabog na ako

"Ei pano ba naman kase? wala nanaman lumabas!! wala nanaman!!" Ani ko na galit na galit at onti nalang susumpain na ang buong mundo.

"Baka naman kase wala ka talagang soulmate? HAHAHAHA " kantyaw pa ng mapangasar na Eric.

Ei pano banaman kase? Wala nanamang lumabas na sulat dun sa papel ko.Legendary says kase na kapag sapit ng huling kabilugan ng buwan ng taon mahahanap mo ang soulmate mo sa pamamagitan ng unang salitang sasabihin niya sayo, isusulat daw kase ng bathala sa papel na iiwan mo sa sapa ang unang salitang babanggitin ng soulmate mo. Ang Kaso wala? ano nalang gagawin ko? 19 naako! gusto ko na magkajowa.

Isang beses lang to sa isang taon,Limang taon naakong paulit ulit na bumabalik sa mahiwagang sapa na to para iwan yung kapirasong papel kaso wala talaga.Pero di ako nawalan ng pagasa.

*1 Year after*

"Ohh guys." Sabi ni Eric sabay takbo sa tuwa.

At ako, nandito ako nakatitig nanaman sa ilalim ng bilog na bilog na buwan.Tinitigan kong muli ang blankong papel ko oo tama, wala nanamang nakasulat rito.Siguro, hindi pa talaga dumadating yung taong para sakin.
Naiyak nalang ako sa kawalan hanggang sa pagdesisyunan kong umuwi na ng bahay at magpahinga sa panibagong taong kakaharapin ko.

******

Nandito ako ngayon sa isang sikat na theme park at sa sobrang pagod napagdesisyunan kong umupo muna sa isang pangdalawahang bench. Siguro naman walang kasama itong lalaking gwapo dun sa isang bench noh? Dali dali ko nalang nilapitan at baka maunahan paako ng kung sino.

"Hi Excuse me, pwedeng makiupo?"sabi ko sa lalaki.

Nakatitig lang ito saakin at biglang nag sign language at good thing marunong din ako non.
Napangiti naman siya at pumayag na makiupo ako sa tabi niya.

Nagsign language ulit ang lalaki at sinabing "Hi miss,Alam mo ba yung kwentong papel sa kabilugan ng buwan?" Sabi niya.

"ah,eh oo ang kaso walang lumalabas na sulat man lang sa papel ko 5 years naako at pang six years ko na nung december ei ikaw? Anong nakasulat sayo?" sabi ko sakanya.

"Merong nakasulat saken at 6 years ko na siya hinahanap ang nakasulat sa papel ko (sabay kuha ng papel sa bulsa nya) "Hi excuse me, pwedeng makiupo?" Ayan yung nakasulat.

Napatalon nalang ako sa bigla na malaman na ang 6 years na pinapangarap kong soulmate ko
ay natagpuan ko na.

-The End-

Short Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon