A Killer's Love
By:@LACBNakatitig sa kawalan at hibang sa sarili ang lalaking iniimbestigahan ko "Louis Monticillo, right?" Sambit ko pero wala parin siyang imik. Nakita ko rin ang mga luhang pumapatak sa kanyang pisngi.
Hindi ko alam kung baket pero maski ako naawa sa kriminal na kaharap ko ngayon, pinatay nya ang kanyang asawa ngunit hindi pa namin alam ang dahilan.Ako'y nakatitig sakanya at gulat ko nalang ng mapatitig siya saakin ng harapan "Detective Bautista diba?"saad nya ng diretso parin ang tingin sa aking nga mata "tatanungin kita,kapag ba ang taong mahal mo na nagtaksil sayo at iniwan ka ng biglaan mapapatawad mo pa kaya siya?"dagdag nya pa.
May kung anong lungkot ang naramdaman ko ng biglaang sinabi ni Monticillo iyon, hindi ko masagot ang tanong na naibato nya saakin dahil walang boses ang puso't isipan ko para don.Napaiwas nalamang ako ng tingin upang matakasan ang tanong na binitaw nya saakin "Hindi mo masagot dahil ayaw mo ng balikan" sabay tawa niya ng malakas na dinig sa buong kwarto.
"Alam kong alam mo ang dahilan kung bakit napatay ko ang asawa ko at hulaan mo, alam ko rin kaya ang ginawa mo sa nobya mo?"ika nya na nag pabahala saakin, tinitigan ko siya pabalik gamit ang matatalas na mata.Nakangiti lang siya saakin na parang nahihibang na. "Huwag na huwag mong isasama ang buhay ko rito Mr.Monticillo ako ang nagiimbestiga dito at ikaw ang kriminal kaya bawal kang magtanong ng mga walang katuturan at ngayon umamin kana anong klaseng pagpatay at bakit mo nagawa iyon sa asawa mo" saad ko ng may pangangambang boses ngunit ngumisi lang siya saakin. "Parehas lang, parehas lang ng ginawa mo sa nobya mo labing pitong taon na ang lumipas"
17 years Ago.
"Pagod na pagod naako rhyle! Tama na tong kalokohan nato"sabi sakin ni Nina at patuloy parin siya sa pagiimpake ng gamit."Ano! Ganun ganun nalang tayo Nina!? Baket ano bang nagawa kong mali sayo? Lahat binigay ko pati kaluluwa ko Nina inalay ko para sayo! Anong dahilan? May iba na bang laman yang puso mo!?"mangiyak ngiyak na tugon ko sabay suntok sa pader na kinagulat ni Nina "O-oo meron naakong iba Rhyle kaya itigil na natin to!"May kabang saad ni Nina.
"Anong pagkukulang ko ha! Ano!!!"sigaw ko sakanya at pilit siyang niyuyugyog."Marami, Kulang ka sa oras! Wala kang maibigay na kahit ano! Hindi mo ko mabubuhay ng magisa Rhyle kase isang hamak na security guard kalang!"sigaw ni Nina saakin.Nanghina ang aking katawan, hindi ko lubos akalain na kinahihiya at minamaliit lang ni Nina ang propesyon ko kaya nandilim ang paningin ko sakanya at walang alinlangang kumuha ako ng kutsilyo sa kusina. "Anong gagawin mo jan! Rhyle huminahon ka please, pakawalan mo naako palayain mo naako"kabadong sambit ni Nina pero wala naakong marinig kundi ang pangungutya at pagtataboy nya saakin "Diba ito yung gusto mo Nina? y-yung mawala ka saakin? Mas maganda atang pati sa mundong to mawala kana, kung hindi karin mapapasakin pwes hinding hindi ka rin mapapasakanya" wala sa sariling saad ko at sinasak ko siya sa mukha.Bumagsak siya sa sahig at tinanggal ko ulit ang kutsilyo at paulit ulit sinasaksak ang mukha ng dati kong nobya biniyak ko rin ang tiyan at dib dib nya at nakita ko ang tumitibok na puso sa loob, kinuha ko yon ng mangiyak ngiyak at nilisan ang lugar na iyon ng lutang.
Nakulong ako ng Labing anim na taon at nagbagong buhay ulit ng makalaya.
"Ikaw naman ang lutang ngayon Sir Bautista"kantyaw ni Monticillo habang nakatitig ng marahan sa lutang kong mukha.Nagising ulit ako sa bangungot na yon at nalaman kong kaparehas pala ng nagawa ko ang ginawa ni Monticillo at siya'y nakulong, hindi ko man batid kung pano nya nalaman ang karumaldumal kong ginawa kay Nina isa lang ang alam ko.
Ginawa namin iyon dahil mahal namin ang babaeng nagtaksil at nilubayan kami.
-The End-