CHAPTER THREE

250 20 2
                                    

" TO BE LOVE BY YOU "
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER THREE

"B-boss Reynold Wayne? Anong ginagawa mo dito?" Maang na tanong ng katulong na pinapunta ni RG sa kantina.

"At ikaw Alma anong ginagawa mo dito? Alam mo namang wala na yatang oras na wala sa bingit ng kamatayan ang ate Rennie Grace mo pero nagawa mo pang iwan?" Balik tanong ng binata pero agad ding isinunod ang paningin sa nurse na pinapasundan ng kapatid.

Haist! Kaya nga hindi siya sumunod sa yapak ng mga ninuno niya sa pagkaalagad ng batas kaso ginawa naman siya ng kapre niyang kapatid sa sitwasyong nagiging detective na yata siya.

"Ay bossing huwag ibalik sa akin ang tanong alam mo namang kahit anong dahilan kay ate RG ay hindi ka mananaig kaya naman imbes na makipagtalo ako sa kanya tungkol sa pagkain ay sinunod ko na lang pero teka lang bossing may nais ka bang puntahan aba'y halos mabali na ang leeg mo diyan sa kakatanaw sa kanya ah. Sundan mo na bossing at babalikan ko na si ate RG." Tugon naman ng katulong saka siya iniwan.

"Tsk! Tsk! Wala na talagang ipinagkaiba sa kapatid ko ang bunganga ng Alma na ito. Susme parang nasa korte lang din sila." Nakailing niyang sambit kaso agad ding natauhan ng maalala ang ipinapagawa ng nagiging bitchichay na yata niyang kapatid na kapre!

Samantala, agad na iniayos ng dalaga(RG) ang sarili nang iwan siya ng kapatid. Hindi naman siya natatakot kay kamatayan kaso ginagalit siya ng magkapatid na Arturo at Victor.

"What a hell of those bastard!" Piping mura niya ng maalala ang ibinalita ng kapatid.

Kaso talagang hinahabol siya ng kamalasan dahil sa pag-iisip niya kung ano ang nararapat niyang gawin ay siya namang pagpasok ng nurse na itinalaga ng pinsan niya sa kanya.

"Oh ma'am may masakit ba sa iyo? Mukhang balisa ka ma'am?" May pag-aalalang tanong nito.

"Okey lang ako pero maari bang magtanong?" Patanong niyang sagot.

"Sure naman po ma'am sige po ano ba ang tanong no?" Maagap ding sagot nito.

"Maari mo bang i-check ang pangalan ng bawat nurses na nakaduty dito sa kuwartong inuukupa ko?" Tugon niya bagay na ikinagitla nito.

"Po? Private room naman po itong kuwarto mo ma'am at isa pa'y ako lang ang itinalaga ni doctor Rivera dito ah. Bakit ma'am may iba bang pumasok dito na nurse bukod sa akin?" Puno ng pagtatakang tanong nito.

Sa narinig ay napapitik sa eri ang dalaga. Sa una'y hindi siya kumbinsado pero sa pahayag ng nurse ay kumpirmadong espiya ang nurse na pinasundan niya sa kuya niya. Hindi rin niya alam kung nurse nga ba iyun o nagbalat-kayo lamang din para malaman ang kalagayan niya.

"Confirmed. Lintik lang ang mga taong iyun! Laro ba ang hinahanap ninyo? Well sige pagbibigyan ko kayong lahat mga hayop kayo!" Ngitngit niya na siyang nadatnan ng mga magulang kasama ang iniwang katulong sa maghapon na maaring nakasalubong sa daan.

"Hey lady what's on that curse again? Huwag mong sabihing inaaway mo ang nurse na itinalaga ng pinsan mo?" Maang na tanong ng ina kaso maagap na sumabad ang nurse.

"Naku hindi po ma'am mabait po ang anak ninyo nagkataon lang na may tinanong sa akin. May ibang nurse daw na pumasok dito kaya't pinapa-check po niya ang daily nurses na naka-duty dito pero kahit itanong n'yo po kay doctor Rivera ako lang po ang duty dito sa maghapon mamayang gabi pa ang night shift." Maagap nitong paliwanag.

Nais naman niya(RG) itong batukan dahil imbes na hindi mag-alala ang mga magulang ay hindi na dahil sa matabil nitong dila. Kaso ibubuka pa lamang niya ang bibig para sawatahin ito kaso siya namang pagbukas ng pinto at iniluwa ang mini-detective niyang kapatid na hindi man lang iginala ang paningin bago nagsalita.

TO BE LOVE BY YOU WRITTEN BY SHERYL FEE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon