Time Slot #1

21 0 0
                                    

"Faith!!"

"Uy, Faith!!"

"Huh? Sino ka ba? Tsaka asan na naman ba ko?" Nilingon ko ang paligid ko, nasa my tabing ilog ako. Ay hindi, kaming dalawa pala. Tinitigan ko ang batang lalaki na nasa harap ko...

Sigurado akong kilala ko siya.. Pero bakit di ko maalala?

"Maaalala mo rin ako" nakangiti niyang sabi sakin. "Pero sa ngayon, kailan mo munang bumalik"

"Ano? Sino ka----"

Bigla na lang niya akong tinulak and everything went black...

-------

unti-unti kong minulat ang mga mata ko.... Where am I? Bakit ang liwanag?

"Hiro! Gising na ang Kapatid mo!" biglang sigaw ni Mama. Napabuntong-hininga ako. Nasa Hospital na naman pala ako. Sinubukan kong kumilos pero di ko magawa, andami na naman kasing nakadikit sa katawan ko kahit sa mukha ko.

"Wag ka munang makulit little sissy" nakangiting sabi sakin ni Kuya Hiro, pero kahit nakangiti siya, alam kong alalang-alala siya sakin halata pa sa mga mata niya galing lang siya sa kakaiyak.

Napatingin ako sa mga tao na nasa paligid ko. Si Ninong Luis, Si Mama, Si Papa, Si Kuya at Si Ken ang bestfriend ko.

"Okay ka na ba Bespren?" tanong sakin ni Ken. Ngumiti lang ako at tumango.

"Good job Faith." nakangiting sabi sakin ni Ninong. "Lumabas muna tayo, Under observation pa siya ngayon kaya kailangan niya munang magpahinga" dagdag pa niya.

Iisa nila akong hinalikan sa noo bago lumabas ng kwarto. At ngayon nag-iisa na naman ako.

Dec 21, 2014. Sunday. Ten days na lang pala at magba-Bagong Taon na, dito kaya ulit kami magce-celebrate? Sana naman hindi na. Nakakasawa na rin eh. Last year dito rin kami nag celebrate....

---Ako nga pala si Faith Angeline, pero Faith ang tawag nila sakin. Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nasa hospital, may Rheumatic Heart Disease kasi ako at nagkaroon na naman ako ng another heart attack and thanks to Him kasi naka-survive ulit ako.

Sabi nila, swerte daw ako kasi at the age of 18 eh, buhay pa ko. Pero para sakin ang malas ko kasi hindi pa Niya ko kinukuha hanggang ngayon. Siguro yung iba takot pang mamamatay pero ako hindi. Tanggap ko ng mamamatay ako ng maaga. Bakit kasi kailangan pang patagalin?

------------

January 12, 2015. Monday

"Sure ka bang papasok ka na ngayon? Pwede namang next week na lang o kaya next month eh" pangungulit pa ni Ken sakin.

"Oo nga. Aba, kanina pa kayo nangungulit eh" nakasimangot ko ng sabi sa kanya. Kanina ang nangungulit sakin eh, Sina Mama at Papa, sabi nila next week na lang daw ako pumasok at magpahinga daw muna ako. Ang tagal ko na kayang stock dito sa bahay.

"Hayaan niyo na yang Prinsesa ko, Eh sa gusto niyang pumasok" sabat pa ni Kuya.

Napangiti ako. Sa family namin, siya lang naman ang kakampi ko sa lahat ng bagay na gustuhin ko eh, kesyo bakit daw yung iba nagagawa nila ang gusto nila pero ako hindi. Pero syempre, may limitations parin.

"Arghh!! Pagbuhulin ko kayong magkapatid eh! Bilisan mo na nga lang jan Faith," sabi na lang ni Ken sabay walkout.

"Thanks Kuya"

"Your welcome little sissy, basta wag kang magpapagod ha? Tsaka yung mga gamot mo, alam mo na kung anong oras iinom tapos wa------

"Yes Boss! Aalis na kami at baka bukas ka pa matapos eh" natatawa kong sabi sa kanya..

--------

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?"

"Bakit ba ang kulit mo?"

"Eh, bakit nga ang tigas ng ulo mo?"

"Bakit may ulo bang malambot?"

"Faith!!"

"Ken!"

Natatawa na lang ako. Kanina pa kasi kami nagbabangayan nitong isa to, kahit na nasa school na kami at sad to say, siya na naman ang pikon. Hahahaha!!

"Hey! Nagtatalo na naman kayo?"

sabat ni Trisha.

"Eh kasi yang syota mong isa't kalahating abno, pinapauwi na ko" nakangisi ko pang sabi.

First year College pa lang kami, mag syota na yang dalawang yan. Sabi ni Ken sakin, ramdam daw niya na since highschool, patay na patay na daw sa kanya si Trisha which is half meant true naman kasi kulang na lang si Trisha na ang manligaw sa Bespren ko.

"Pano ba naman, sabing bawal siyang magpagod tapos nakita ko don. Nagba-bike!" with matching turo turo over there pa yun ha xD

"Faith naman eh! Bakit ba napaka mo sa lahat ng Napaka? Diba kakauwi mo lang galing sa Hospital tapos!! Ay naku!!" dagdag pa ni Trisha.

Napayuko na lang tuloy ako. Pag tulungan ba naman ako ng dalawang to? Buti na nga lang nasa may cafeteria kami at maingay kaya di kami masyadong pansin.

"Haist. Ano ba yan, Pati ba naman sayo Trisha nakarinig din ako ng words of wisdom? Ge. Mauna na ko."

"Teka san ka pupunta? Wag mong sasabihing sa susunod mong klase kundi masasapak kita, Tandaan mo kaklase kita sa lahat ng subject at 2 hours pa ang spare time natin" litanya pa ni Ken.

Mas mahigpit pa siya kesa Sa Kuya ko -.-"

"Oo alam ko, pupunta lang akong clinic. Inaantok ako eh" sabi ko na lang..

Tumango lang siya pero the way na tinititigan niya ko, alam kong alam niya na nagsisinungaling ako.

Ang hirap talaga pag nagkaroon ka ng bestfriend na kilalang-kilala :))

Time ChancesWhere stories live. Discover now