Chapter 3
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" hindi na matigil sa katatawa tong dalawa dahil sa huling sinabi ko. Kala naman nila joke talaga yon.
Hindi ko nalang sila pinansin at tinungga ang laman ng baso ko saka ulit sinalinan.
"Eh ano namang ginawa mo?" Wika ni sativ habang nagpipigil ng tawa. Tinignan ko nalang siya ng parang walang pakealam saka siya sinagot.
"Sinapak ko" walang emosyong tugon mo saka muling tinungga ang nasa baso.
"Seriously bro?! Tito mo sinapak mo?! At sa harap pa ng family mo?" Manghang wika ni carlo. Tinanguan ko na lamang sila saka isinandal ang likod sa sofa at napatingin sa mga taong nagsasayaw sa gitna.
"Bro?!" Napaigtad ako sa gulat dahil sa pagsigaw ni sativ sa mismong tenga ko. "Ang lalim nang iniisip mo baka malunod ka!" Pasigaw na wika niya sa gitna ng maingay sa tugtugan.
Hindi nalang ako sumagot bagkos ay sinalinan nalang ulit ang baso ko ng alak na nasa lamesa at diretsong tinungga ito.
Pasado alas tres na kaya nagdesisyon na kaming tatlong umuwi.
Dahan-dahan ako sa pagmamaneho dahil ramdam ko na ang tama akin ng alak.
Nang makarating sa bahay ay gegewang-gewang na'kong umakyat sa kwarto ko at nasalampak nalang sa higaan. Dahil sa labis na antok ay hindi ko na nagawa pang mag-ayos ng sarili dahil agad din akong nakatulog.
Monday.
Medyo napapangiwi akong bumangon dahil sa sakit ng ulo ko. Umupo ako sa dulo ng kama at saglit pinakiramdaman ang sarili bago tuluyang pumasok sa banyo upang maligo.
Nang matapos maligo at magbihis ng uniform ay agad kong kinuha ang gamit saka bumaba sa kusina, ramdam ko parin ang biga ng ulo ko pero hindi ko nalang iniinda.
"Goodmorning honey" nakangiting wika ni mama habang nilalapag sa mesa ang usual breakfast naming pancake.
"Where did you go last night?" Maotoridad na wika ni papa nang hindi manlang ako nililingon. Aminado akong kahit mabait si papa ay natatakot parin ako pag ganyan siya magsalita.
"S-sa bar po, p-pa" nauutal na wika ko. Hindi naman na ito umimik at tinusok na lamang ang pagkain saka bumalik sa pagbabasa.
Kinuha ko ang phone sa bulsa ko upang batiin ng goodmorning si melissa.
Habang kumakain ay tumunog agad ang cellphone ko kaya agad ko rin itong chineck.
From: mybabe
Message: goodmorning too babe, see you later too 😚Hindi nako nagreply at tinapos nalang ang pagkain. Nang matapos ay nagpaalam nako kila mama na papasok na.
----------------------
Ramdam ko parin ang parang binibiyak na ulo ko habang nagmamaneho. Bahagya kong hinahampas-hampas ang ulo ko habang nakangiwi gamit ang kaliwang kamay ko at ang kanan naman sa manibela.
Nang makarating sa school ay hinintay ko pa sa gate si melissa, hindi rin naman nagtagal nang makita ko ang kotse nang daddy niya at iniluwa nito si melissa. Umalis na ang kotse at nakangiti naman akong nilapitan ni melissa ngunit nawala din ang ngiti na yon nang mapansing may iniinda ako.
"Are you okay babe?" Alalang tanong niya.
Bahagya akong ngumiti para sabihing onay lang ako at saka muling itinuon ang atensyon sa daan. Nang makarating sa bandang quadrangle ay nagpaalam na kami sa isa't-isa dahil magkaiba na ng direksyon ang building namin.
YOU ARE READING
where are you, Melissa?
Misteri / ThrillerHanggang kelan mo hahanapin ang taong ayaw magpahanap? Gagawin ni jin ang lahat para lang makita ang pinakamamahak niyang dalaga. Hanggang saan siya dadalhin nang kanyang mga paa sa paghahanap?