Enjoy muah!!!
Naglalakad ako ngayon papunta sa 7/11 bibili sana ako ng ice cream kasi nagcicrave ako.
"Ate isa nga pong ice cream."
"Ano pong flavor. Chocolate, Vanilla or Mixed."
"Ah mixed na lang po"
Pagkabigay ni ateng cashier sakin ng ice cream ay binayaran ko ito at umalis tumalikod na.
Pagkalabas ko ng 7/11 ay pinagtitinginan ako ng mga tao. Yung iba naman bumubulong bulong pa.
Ano bang meron sakin. Tinignan ko sarili ko pagka lagpas ko sa mga nagbubulungan. Naka shorts na puti ako ngayon at naka t-shirt na pula. Wala namang kung ano sakin ah bat kaya tingin sila ng tingin sakin. Maganda ba ako sus alam ko na maganda ako noh dzuh.
Binaliwala ko na lang sila at tinapos ang pagkain ng ice cream tsaka nag lakad ng taas ang noo.Nagsway sway pa ako na para bang naglalakad ako sa Catwalk at isa akong model.
Naudlot ang aking paglalakad ng biglang may kumalabit sa aking lalaki.
"Alam mo panira ka ng moment eh. Bat mo ba ako kinalabit. Teka kilala kita ah isa ka sa mga tumititig sakin kanina sa may labas ng 7/11. May crush ka sakin ano" lakas loob kong sabi rito
Tinignan lang ako ng lalaki na para bang masyado daw akong assuming
"Ano di ka magsasalita. Alam ko namang maganda ako kaya wag mo na akong titignan dyan. I'm shy kasi eh ehe"
"Stupid!" sabay kuha ng kamay ko at may nilagay na kung ano ron at lumayas na
"Hala lumayas na agad di ko pa nga alam name niya eh sayang naman" bulong ko sabay tingin sa kamay ko
"Whisper with wings aanhin ko naman ito" mahinang tanong ko pero may nakarinig ata kasi may tumawa bigla sa gilid ko eh
Pagtingin ko sa gilid ko nakita ko ang tatlong babae ng natatawanan. Mukhang kanina pa sila nandyan ah. For sure inggit lang ang mga yan kasi nilapitan ako ni kuyang pogi
"Oh bat kayo tumatawa tawa dyan inggit kayo sakin noh. Kasi ako nilapitan ni kuyang pogi kayo hindi" pagtataray ko rito
Pero tinawanan lang nila ako
"Alam mo ba kung bat niya binigay yan" tanong ng isa sabay turo sa hawak kong whisper
Napatanong din ako sa sarili ko bat nga ba
Tinawanan nila ako uli dahil mukhang takang taka ako kung bat ako binigyan ng napkin.
"May tagos ka teh." sagot ng isa na tawang tawa pa rin
"Kaya ka pinagtitinginan kanina pa eh dahil may tagos ka try to see it."
Chineck ko ang aking likod at nakita ko nga na may tagos ako. Shiz naka puting shorts pa naman ako kaya kitang kita.
Dahil sa hiya ko ay napatakbo agad ako sa bahay. Gosh nakakahiya nagpasway sway pa naman ako ng lakad. Tapos kung ano ano pang sinabi ko kay kuyang pogi wahhhhh. Lupa kainin mo na ako! Now na!