Kakaalis lamang ng teacher namin sa Science ng lumapit ako sa President namin sa Room."Cassandra diba may list ka ng mga cellphone number nating lahat" tanong ko rito
"Oo bakit" nagtatakang tanong nito
"Patingin lang ipaprank ko kasi sina Alex, Jared, Cristina at Jp. Wag kang maingay ha"
"Haha loko ka talaga oh ito na yung list" sabay abot nito ng papel sakin
Agad kong hinanap ang number ng mga tropa ko at sinave ito.
Dahil malapit na ang end of school year kaya wala kami masyadong ginagawa. Pinayagan kami ng aming MAPEH teacher na gawin ang gusto namin basta wag lang maingay.
Dito ko na plinanong gawin ang prank ko. Dahil naka unli ako ngayon pwede akong mag text ng bongga.
Una kong tinext si Cristina.
"Hi can I be your friend" send ko sa kanya.
Maya maya lamang biglang nagkwento sakin si Cristina na may nagtext daw sakanya. Ako rito sa gilid pilit tinatago ang tawa ko. Nag text uli ako sakanya
"Hey I just need a friend right now" send ko uli
"Potek sino ba ito ikaw to noh Corynne" tanong nj Cristina sakin na para bang sure siya na ako yon
"Ha ako hindi ko nga alam mga no. niyo" pagsisinungaling ko
"Weh ikaw to eh alam ko na galawan mo patingin nga cellphone"
Di ko na nakayanan kaya sinabi ko na ang totoo. Tawa ako ng tawa dahil dito.
"Wag ka maingay ipaprank ko rin iba nating tropa"
Sunod kong niprank ay si Alex.
"Hi! nanalo ka ng hotdog kung gusto mo ito makuha pumunta ka lang sa malapit na tindahan." tawang tawa kami ni Cristina ng sinend namin toh
Mabilis na nalaman ni Alex na kami yung nag prank dahil napansin niya kami na tawa ng tawa.
Sunod na ni prank ko ay si Jared.
"Hey sup what are you doing?" send ko rito
Napa tayo naman si Jared at pumunta sa pwesto namin.
"Gagi ang creepy" sabay pakita niya samin ng text
Umamin na rin kami agad. Ang huli ay si Jp
"Hi I'm your secret admirer?" send ko
Wala akong na tanggap na reply kaya nag send uli ako ng message sakanya
"Hi I have a crush on you" wala pa rin akong na tanggap na reply.
Tinignan ko naman si Jp na nagcecellphone. Parang wala rin siyang natatanggap na message. Lumapit ako sakanya at tinignan kung anong ginagawa niya. Nagfafacebook siya pagkakita.
"Psst Jp wala ka bang na tanggap na text" tanong ko rito
"Wala bakit sino naman magtetext sakin"
Nagulat ako kasi bat wala siyang na tanggap na text eh na send ko naman na yung message para sakanya. Pagkatingin ko sa cellphone ko ay nagulat ako dahil nakatanggap ako ng reply.
"Hey who are you? "
"You have a crush on me? "
"Hey are you there"
"Hey I want to meet you"
Agad agad kong ni block ang no. at dinelete ang mga messages. Jusq simpleng prank lang dapat toh eh bat naging ganto naman. Di na talaga ako mampaprank last na toh.