Kabanata 5

30 12 1
                                    

kabanata 5

I missed you

Maaga akong umuwi ngayon, mga 2:30 pm pa lang. Pero hindi ako nagcutting pinayagan naman ako ng guidance councilor para naman daw makapagpahinga ako.

Kakagising ko lang ngayon dahil din sa pagkapagod. Hindi naman din ako uuwi kung hindi lang nabas nabasa sa pool. Nakapagpalit man ako ng damit sa school pero gusto ko pa ding umuwi ng bahay.

Naisip ko na naman yung pagkakahulog ko sa pool. Nakakahiya lalo na't sinapo pa ako ni Ercen.

'Paano ba yan, you fall again with me'

Nagpaulit ulit yan sa utak ko kanina. Parang iba yung dating sakin e, hindi ako mapakali kanina.

*flashback*

"Paano ba yan, you fall again with me"

Napamganga ako sa sinabi ni Ercen. Iba yung dating sakin noon.

Dahan dahan niya akong ibinaba sa pagkakasapo niya sakin ng may ngiti sa mukha.

"Are you okay?" tanong niya.

Hindi ako makapagsalita dahil sa kahihiyan. Kung hindi pala tubig ang binagsakan ko ay malamang ay sa ICU ang bagsak ko.

Kakaiba ang dating sakin ng tubig. Pakiramdam ko may masasakit na alaala ang tubig na dumadaloy sa katawan ko.

"Heyy are you okay?" tanong niya.

"I'm fine" nakapagsalita din ako.

Kakaibang takot ang bumabagabag sakin sa tubig na ito. Hindi ko maipaliwanag pero natatakot ako na nahihiya.

"Gusto mo na bang umahon? Are you scared?" i think nagaalala siya sakin.

Tumango ako sa sinabe niya. Hinawakan niya ang kamay ko at dahan dahan kameng lumalakad sa tubig. Pinaghalong lamig at init ang nararamadam ko. Lamig na nagmumula sa tubig at init ng kamay ni Ercen pero komportable ako sa ginagawa niya sakin.

Chasing in the Tides (Island Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon