That Purse

34 5 2
                                    

Enjoy Reading muah!!

Andito ako ngayon sa isang cafe para mag almusal. Tinatamad na kasi ako magluto kaya dumiretso na lang ako rito atsaka late na ako sa trabaho.

"Isa ngang Blueberry cheesecake at isang Hot Chocolate."

"Dine in or Take out po"

"Take out"

Dito na ako sa may counter magaantay tutal take out naman.

"One Cappuccino please" rinig kong order ng katabi ko

Hindi ko ito nilingon at pinaglaruan ko lang ang aking car keys. Nang malaglag ito ay inilapag ko muna ang aking purse sa counter at pinulot ang susi. Sakto naman na pagka angat ko ay nandyan na ang order ko at ang order ng katabi ko. Wala napansin ko lang na sabay pala kaming nabigyan.

Agad agad kong kinuha ang order ko at ang purse ko at lumabas na. Palapit na ako sa kotse ko ng mapansin kong parang ang bigat naman ng purse ko.

Pagkabukas ko nito ay bigla akong nagulat dahil may laman itong susi, mga barya at.....condoms. Yes condoms kasi tatlo so madami. Gosh hindi ito ang purse ko.

"Geez bat may napkin ang purse ko" rinig kong saad ng katabi ko sa parking lot.

Kaya napalingon ako rito at napalingon din siya sakin. Nabaling ang atensyon ko sa hawak niyang purse. Jusq akin yan ah. Shiz may napkin pa naman yan.

Napansin ko na napatingin din ito sa hawak kong purse. Di ko alam kung ano sasabihin ko basta hiyang hiya na ako. Feel ko namumula na pisnge ko dahil sa hiya.

"Uh I think nagkapalit tayo ng purse." gosh ang awkward naman nito

"Hehe" yan lang nasabi ko kasi naman nakakahiya kaya.

Binalik ko na ang purse sa kanya at binalik niya naman ang purse ko.

"Uhm haha ang awkward. By the way I'm Jairus" sabay abot ng kamay nito

"Uh I'm Carissa" sabay abot ko sa kamay niya at nakipag shake hands.

"Ah sige una na ako ha. Thanks dito." sabay kaway nito sa purse niya at sumakay na sa kotse nito.

Ako naman natulala pa saglit sabay sakay na ng kotse.

"Carissa...Carissa!" pag gigising sakin ng babae

"Uhm!"

"Hoy Carissa!" sigaw ng babae

"Ayy Jairus!" bigla akong napabangon eh

"Anong oras na ineng 10 o'clock na ikaw tulog ka parin. May pa ngiti ngiti ka pa jan habang natutulog" jusq si mama lang pala. "Oh hala siya bumangon ka na dyan at tayo ay magsisimba na" pagkasabi ni mama non ay umalis na siya

"Nubanamanyan si mama eh. Ang epal naman ganda ganda ng panaginip ko bigla akong gigisingin. Kainez". Wala na akong choice kaya bumangon na ako at naligo na dahil magsisimba kami ngayon.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon