PART 1

5.6K 114 62
                                    


𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐎𝐘𝐅𝐑𝐈𝐄𝐍𝐃 𝐊𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐍𝐘𝐀𝐊



"BABE, nagugutom na ako. Bili mo 'ko fries, please?" sabi ko sabay pout. Napataas naman ang kilay niya.


"Bakit pa kita bibilhan ng fries eh may hotdog naman," nakangising sabi niya. Nangunot naman ang noo ko.





Huh? Anong pinagsasabi nito?



"Hotdog? Wala naman ah," nalilitong tanong ko kaya mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya.



"Hotdog ko nasa baba, pwede mong isubo anytime na gutom ka," natatawang sabi niya kaya agad akong pinamulahan ng pisngi.

Ang manyak talaga!


"Siraulo ka talaga eh! Ang gusto ko yung makakain kasi," naiinis na sabi ko pero di pa rin siya nagpapigil.


"Bakit? Hindi ba nakakain 'yung hotdog ko?" nakangising sabi niya kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.



"Ewan ko sa'yo. Napaka manyak mo! D'yan kana nga!" Agad akong tumayo sa kinauupuan ko ngunit bago pa ako makaalis ay bigla na lang niya akong hinila dahilan para mapaupo ako sa lap niya.


Agad na nanlaki ang mata ko nang may maramdaman akong matigas na umuumbok sa shorts niya.


"Ugh babe! Ang sarap n'yan," ungol niya kaya agad ko siyang binatukan.

"Napaka mo talaga, di ka titigil?" gigil na sabi ko. Naiinis na talaga ako sa kanya. Akmang aalis na ko sa pagkakaupo sa lap niya nang mas hawakan niya ako ng mahigpit para hindi makawala.

"Dito ka lang muna," nakangiting sabi niya kaya napairap na lang ako.

Ano pa nga bang magagawa ko eh hawak hawak niya 'yung kamay ko. Tss.

"Okay, fine," walang buhay na sabi ko. Nang tingnan ko naman siya ay wala sa akin ang atensyon niya.


Agad na nagsalubong ang kilay ko nang marealize na napapailing lang siya habang nakatingin sa patag kong dibdib.

Sorry naman, hindi gifted.

"Bakit ka nakatingin sa dibdib ko?" Nagtaas ako ng kilay ngunit narinig ko lamang siyang tumawa.


"Dibdib pala 'to?" Sabay hawak sa dibdib ko. "Akala ko likod," nakangising sabi niya kaya mas lalong uminit ang ulo ko.

"Ayos ng hindi malaki dibdib basta hindi alagang lamas." inis na sabi ko.


Nagtataka talaga ako kung bakit siya 'yung naging boyfriend ko eh halos magkaibang magkaiba kami. Napaka manyak kasi niya. Kung hindi ko nga lang siguro siya nakilala eh baka magmadre na lang ako.

Pasalamat siya mahal ko siya kahit ganyan siya.

"Gusto mong lumaki 'yan? Sabihin mo lang at aaraw-arawin ko 'yan," natatawang sabi niya kaya napapikit na lang ako sa sobrang inis.

Nang kumalma ako ay tsaka ako nagmulat ng mata at tiningnan siya ng masama.

"No need, kung hindi mo ako kayang mahalin just because I'm not qualified in your standard, eh di iwan mo 'ko. Pakialam ko sa'yo," masungit na sabi ko kaya natawa lang siya.

Kanina pa siya tawa ng tawa. Sana all diba happy? Nakakabuwisit.

"Ang cute mo talaga pag nagagalit," ngiting-ngiti na sabi niya. Napangiwi naman ako.

"Ikaw naman mukhang rapist kapag nagiging manyak," sabi ko pero hindi man lang siya napikon.

Bakit ang unfair ng mundo? Nakakainis!




"BABE! Bagay ba sa'kin 'yung suot kong dress?" masayang tanong ko.



Pinasadahan naman ako ng tingin simula ulo hanggang paa tapos tiningnan niya ulit ako. Hinimas-himas niya pa ang baba niya na wari'y nag-iisip.

Napasimangot ako sa tagal niyang sumagot.

"Ano ba! Bagay ba o hindi?!" singhal ko sa kanya pero kinagat niya lang ang ibabang labi niya sabay sabing,

"Mas bagay siguro kung walang damit." Napairap na lang ako at saka padabog na naglakad pabalik sa cr habang naririnig ko siyang tumatawa.

Dapat talaga di na ako nagtanong. Ang tino niya kausap grabe.

"BABE, anong gusto mong kainin mamaya?" tanong ko habang pinupusod ko ang buhok ko. Maghahanda na kasi ako para magluto.

Agad akong nanigas sa kinatatayuan ko ng yakapin niya ako patalikod at sadyaing idikit ang alaga niya sa likod ko.

"Ikaw, pwede ka bang kainin?" nang-aangkit na tanong niya kaya halos maumid ko ang sarili kong dila.

"Kit, umayos ka. Pagkain ang pinag-uusap natin," pigil ang inis na sabi ko.

"Eh gusto ko ikaw eh. Mas masarap ka kaya kahit di luto," aniya sabay halik sa leeg ko. Agad akong nakaramdam ng kiliti at napapikit sa kakaibang sensasyong dulot ng kanyang paghalik.

At halos mapaungol ako ng simulan niyang paglaruan ang dila niya habang dinidilaan ang tenga ko.

Damn! This Man!

"Kit, magl-luluto n-na a-ako," nagkandautal-utal na bigkas ko.

"Mamaya na, mas nagugutom ako sa ibang bagay," nang-aakit na sabi niya at halos mapatili ako ng buhatin niya at ibagsak sa kama.

Shit!

Ngumisi lang siya at dahan-dahang gumapang habang walang tigil sa pagkabog ang puso ko.

Shit! Bakit ako kinakabahan?

"You look nervous. Relax," natatawang sabi niya.

"Paanong hindi ako kakabahan, eh ginagapang mo 'ko," nakairap na sabi ko but deep inside mamamatay na ko sa nerbyos.

Napangiti lang siya ng nakakaloko at nabigla ako ng diinan niya ang labi niya sa'kin. Napapikit ako at hindi nakagalaw na tila ba nakagapos ako at hindi na pwedeng makatakas.

Nagsimula niyang igalaw ang kanyang labi at hindi ko na rin napigilang humalik pabalik.

Biglang napalitan ang kabang nararamdam ko. Biglang itong inagaw ng init ng katawan.

Naging malikot ang kanyang mga kamay at impit akong napaungol ng simulan niyang paglaruan ang dibdib ko.

Hindi ko nga alam kung may nahahawakan ba siya eh.

Bigla siyang ngumiti at huminto. Tinitigan niya ako sa mata bago ako hinalikan sa noo. Napangiti ako dahil sa ginawa niya. Muli niyang kinatagpo ang aking mga mata at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"Huwag mo sanang isiping katawan mo lang ang habol ko sa'yo. I love you, yes I really do. Mahal kita, at wala akong balak na pilitin ka. Kahit ilang beses kitang manyakin, rerespetuhin kita. Kaya huwag kang mag-alala, mahal na mahal kita. Sadyang manyak lang ako pero nirerespeto kita," sinserong sabi niya kaya naramdaman ko na lang ang pagtakas ng luha sa aking mga mata.

This man really knows how to make his girl happy.

Buong akala ko ay itutuloy niya ngunit hindi kasi ayaw niya kong kamuhian siya.

"I know that you love me. Oo, aaminin ko na minsan naiinis na ko sa sobrang kamanyakan mo but always remember that mahal kita kahit manyak ka," natawa naman siya sa sinabi ko tsaka muli akong hinalikan sa labi.

"I love you baby," he said that makes me smile.

"I love you too my maniac boyfriend," nakangiting wika ko bago ko siya ginawaran ng halik sa labi.

Ang Boyfriend kong ManyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon