Nasa school cafeteria kami ngayon kasama ko si Cayla at Poly, kinukwento ko sa kanila yung nangyare sa Mall nung isang araw at gulat na gulat si Poly sa ginawa ko. I mean I did it for her kasi feeling ko walang lakas ng loob magsalita si Fey about dun sa Max na gagong yun.
"I heard taga kabilang school lang yung babae, and she's fond of doing flings and one night stand kaya hindi na ako magtataka kung anong status nila ni Max na may sugar mom" mataray na sagot ni Cayla samin, I mean she never sounds so angry before, ngayon lang kaya nagkatinginan kami ni Poly at napataas ang kilay bago ininom yung mango shake namin.
We all know na may Sugar Mommy si Max, he never denied that one, he's proud pa nga telling his friends about that. His sex fantasies and experiences with her. Kaya di ko alam kung anong nakain ni Fey at pumatol sya sa taong mukhang kalyo na yun. And even give her self as gift nung Valentines wtf.
"Poor Fey, ginamit lang sya ni Max." Pabulong na sagot ni Poly, at inisip ko din si Fey, she's very generous and kind to offer her virginity to him kaya napaka gago talaga ng lalaking kalyo na yun.
"1 down, 3 virgins pa naman tayo" sabi ko agad para mag iba ang mood kaso nasamid si Cayla at ubong ubo ngayon. "Huy anyare girl? May malaking yelo ba ang shake?" sabay ipit ko ng buhok nya gamit kaliwang kamay ko at hagod sa likod nya gamit kanan. "Im...Fine! Dumiretsyo lang yung inom ko sa lalamunan kaya nasamid ako!" sabi nya agad.
Napansin ko na namang may pula sya sa leeg na nag viviolet. Di ko nalang pinansin kasi mukhang ayaw din naman nyang mag kwento kung may boyfriend ba sya o wala. Or kung kiss mark ba yun o kagat na naman ng kung sino o ng lamok.
I received a message from Jiro na he will picked me up sa school at mag dinner daw kami sa bahay. Nag yes naman agad ako at tinanong sya kung anong gusto nya kainin, pero he said na nag order na sya ng take out sa Yellowcab na mas pabor sakin kasi di ako mapapagod mag luto.
I bid goodbye to Poly and Cayla before sumakay sa passenger seat ng kotse pero hindi naman ako pinansin ni Cayla dahil busy sa pag sscroll sa phone nya habang iniinom yung milktea nya. Si Poly naman todo kaway at ngiti.
"Babe anong nakain mo at sinundo moko tapos kakain pa tayo sa bahay?" sabi ko habang sinusuot yung seatbelt
"I ditch you last time sa date natin, tapos di naman agad kami nakabalik from Cavite kaya di ako nakabawi sayo so this time home date muna tayo!" energetic nyang sabi. Kung hihiling lang din ako ng boyfriend sa afterlife gusto ko sya pa din kasi napaka consistent nya sa lahat ng bagay.
"Sino kasama mo sa Cavite? Anong ginawa nyo dun?" Sunod sunod kong tanong na napatigil naman sya na parang nag iisip ng sasabihin.
"I'm with... Dad, of course!" Tapos pilit na tawa binigay nya sakin na para bang may tinatago sya sakin. "May binibili syang property dun na pagtatayuan ng business, kaya sinama nya ako!" He added
"Bakit hindi agad kayo nakabalik kung yun lang ginawa nyo?" I looked at him pero focused sya sa pagddrive.
"Gusto ni Dad," he paused "na mag stay for a night since few weeks from now mag sstart na yung pag build don!" he continued at tingnan ako na parang di sya sigurado sa mga sinasabi nya. "Ah okay! Minsan sama mo ako dun para makita ko yung lugar!" I cheerfully said kasi mukha syang ninerbyos sa tanong ko. "Sure babe" then rub my left cheek with his palm.
Pagdating namin ng bahay nakabukas ang mga ilaw, kaya for sure umuwi si Gil dito. Pagpasok namin ng gate napansin kong may doll shoes ng babae na size 7 sa may pinto eh size 8 ako.
"May tao ba?" tanong ni Jiro habang dala dala yung box ng pizza at iba pang food. I just nod and he followed.
Pagbukas ko ng pinto nakabungad sakin si Gil tapos yung hubad na babae na hinahalikan nya sa may kitchen counter. "WTF???" Sigaw ko at agad namang umatras si Jiro palabas ng pinto para umiwas ng tingin, yung babae dali daling pinulot yung mga damit nya sa sahig at pumasok ng kwarto sa may kusina, kwarto ng dati naming katulong. Si Gil naman tumatawa habang pinapahid mukha nya.
Agad akong lumapit sa kanya at akmang babatukan pero umiwas agad sya, "Aray masakit yan Ate!" hinarang naman nya yung kamay nya sa mukha kaya sa may likuran ko sya hinampas ng malakas, "ARAAAAAY ATE!" Sigaw nya ng mahampas ko sya. "Ikaw na bata ka! Uuwi ka lang dito tapos magdadala ng babae! Ginagawa mong babuyan yung bahay!" bulyaw ko sa kapatid ko.
"Minsan lang naman ako umuwi, don't worry madalas na ako mag uuwi kasi nirerenovate yung dorm!" sabi nya at napataas ang kilay ko, "Anong mag uuwi? Tarantado! Dun ka nga muna sa kwarto mo andito si Jiro nakakahiya!" at sumunod naman sya agad sa sinabi ko.
"Babe sorry! Ang kalat ng bahay kanina inayos ko muna!" sabi ko habang inaayos namin ni Jiro yung pagkain sa may table sa sala. Di ko ata masikmurang kumain sa kitchen dahil sa nakita ko.
"Okay lang, tawagin mo sila para kumain madami naman to, for sure di natin mauubos to!" At talagang inalala pa nya yung mga nagbababoy ha. Binigyan ko nalang sya ng pilit na ngiti, "Nah, busog naman siguro sila! Hayaan mo na!"
Pagkatapos namin kumain, umalis na din agad si Jiro kasi tumatawag na naman Daddy nya, di naman dati ganon yun pero ngayon halos pag magkasama kami tumatawag yung Daddy nya sa kanya. Feeling ko tuloy pinaghihiwalay na nya kami.
Nung marinig kong nakaalis na sasakyan ni Jiro, lumabas naman ng kwarto si Gil, pero di kasama yung babae nahihiya siguro.
"Ate amin na lang to ha!" sabi nya tangay tangay yung box ng pizza at na my anim na slice pa, at yung chicken at pasta. MGA PARASITE talaga!
Pagkaligpit ko ng mga kinainan, lumabas na si Gil at yung babae sa kwarto, "Ate si Mara nga pala, Mara si Ate Guia" at tumango nalang ako. Yung babae naman nakayuko lang na mukhang nahihiya. "Ihahatid ko lang sya sa may gate andyan na yung grab." Paalam ni Gil
Nang makapasok sya sa bahay hinampas ko ulit sya ng hanger at sa braso sya tinamaan na ngayon namilipit naman sa sakit. "Arayyy ko! bat ka ba nananakit ate?" singhal nya.
"Ikaw na gago ka! Pag ikaw nakabuntis tatawanan talaga kita!" duro duro ko sya ng hanger na bitbit ko.
"Hindi yan ate! Magaling ako!" at patawa tawang hinahaplos yung parte ng braso nya.
"Siraulo, ang bata bata pa nung Mara sinira mo agad kinabukasan!" bulyaw ko at sya naman diretsyo na pumasok sa kwarto nya.
Ako naman dumeretsyo na ng kwarto at natulog na.
BINABASA MO ANG
Love and Lies (R-18)
RomanceGUIA has a boyfriend for years. With all those years she just play and does not take anything seriously. Because she didn't expect that they will last longer than what she imagined. And when she decided to take everything seriously, she find out al...