What? Paano ako nakilala ng taong 'to? Umiiyak sa hallway? Kahapon ba 'yun? I am so confused.
"Hala wag mo naman ako kunotan ng noo. Kasama ko non yung nakabunggo sayo kahapon. Yung nagso-sorry ng paulit ulit. Hindi mo ba tanda?" He chuckled a bit.
"Ah, I remember now. Pero hindi naman ako umiiyak sa hallway non e," I denied although I probably looked like it.
"Ay oo hindi ka umiiyak! Pero halata naman sayong problemado ka non e." He scratched his head a bit. "By the way, ako nga pala si Justin." Nilahad niya yung kamay niya at ngumiti ng paglaki laki.
"Dee." Saad ko at tiyaka tinanggap ang kamay niya.
"Dee? Daddy? Weird." He laughed. Ngayon ko lang napansin na magkasabay na pala kaming naglalakad.
"Well, It's Adelaine. Nickname lang yung Dee," Sagot ko at uminom ng kape.
"Ah. Bakit ka pala nadapa kanina? Wala namang nakaharang," He said while looking back at where we were.
Dinapuan ako ng kahihiyan. Nasa nature ko na kasi ang maging clumsy. Ilang beses ako sa isang araw muntik madapa at mauntog e. Kaya nga madalas ako natatanga niyan ni Seph.
"Namali lang ako ng hakbang," I replied, slightly embarassed. That made him laugh.
"Okay," Sabi niya habang nagpipigil kaunti ng tawa. "Gusto mo mag-hang out? Wala rin naman akong kasama e. Tara na! Bili bili! Sige na pumayag ka na!" Niyugyog niya ang balikat ko at halos magkandahilo hilo na ko.
"Fine fine, chill dude," I said while chuckling.
Nag-suggest siya na mag-arcade nalang daw kami. Pumayag nalang ako dahil gusto ko rin naman, wala lang talaga akong kasama kanina. Na-try siguro namin lahat ng laro doon. Nung huli ay nag-aya siyang mag-basketball. Nung una ay ayaw ko because of-- bad memories. Pero sinabayan ko nalang din siya maglaro. Mahilig naman ako sa basketball e, bonding namin ni Daddy dati ang manood ng mga laro. Kung hindi lang talaga dahil kay ex, hindi ako magdadalawang isip.
Pagkatapos non ay nag-aya siyang mag-ktv daw muna para makapag-pahinga. Pumayag naman ako dahil napagod ako sa mga nilaro namin.
Justin's a great guy and he's fun to be with. Madami rin siyang kuwento kaya hindi ka mabo-bored. He often smiles at you, the smile that can light up your whole mood. Parang gugustohin mo na ring ngumiti ng dahil sakaniya. I can see him becoming my friend, he's just so fun. I'm glad I agreed to hang out with him.
Kumakanta siya ngayon ng Harana by Eraserheads. Hindi sobrang ganda yung boses niya pero hindi rin naman pangit. Mukha rin naman siyang masaya sa pinag-gagawa niya kahit minsan ay wala sa tono. Tawa nalang ako ng tawa habang pinapanood siya.
"Dee, sige na kumanta ka na! Isa lang talaga, promise! Kumanta ka na! Madaya 'to nakailang kanta na ko. Parinig naman ng boses mo." Pinupwersa niyang ibigay sakin yung mic habang nilalayo ko naman yon at umiiling.
"I don't have a good voice. 'Wag na Justin," I said while laughing because he looked like a sad puppy.
"Hindi naman pagandahan ng boses ang purpose nito. Have fun, Dee. Kahit wala pa sa tono 'yan okay lang!"
At dahil sa naawa na rin ako sakaniya ay pumayag na ako. Paano kaya ako napapa-payag nito sa kung ano ano. Weird.
Kinanta ko yung Endlessly by The Cab. It was one of my favorites. Pagkatapos kong kumanta ay nakita kong tulala sakin si Justin at natawa naman ako.
"Hoy Justin! Anong tinutulala mo diyan?" Kinaway ko sa harap niya yung mukha ko habang tumatawa.
"Anong hindi maganda boses pinagsasabi mo diyan, Dee?! E ang ganda ganda! Para kong hini-hele ng anghel!" I blushed at the compliment. "Okay next song mo na!"
"Hoy anong next song?! Sabi mo isa lang! Hoy! Hoy, teka!"
We ended up singing a few more songs. Halos ako na nga lang yung pinapakanta ni Justin e. Loko 'yon dinaig pa yung nangii-scam sa text.
After that we decided to eat pizza. Nakakagutom rin yung paglalaro namin at pagkanta kanta. Mabuti at nag-aya siya, saktong gutom ako. Nagkwento siya ng kung ano ano sa buhay niya, kung ano balak niya sa future, kung bakit siya nag-aral sa Lumiere, at madami pang iba. I did the same.
Pagkatapos ng pizza ay gusto niya raw ng ice cream kaya bumili kami sa Dairy Queen ay nag-stay muna doon.
"Saan ka pala nakatira, Dee? Ihahatid nalang din kita mamaya, mag-gagabi na rin e," He said then scooped on his ice cream.
"No, it's okay. Dala ko rin naman yung kotse ko," I replied and scooped my ice cream too.
"Wow, sosyal ang ateng." He laughed.
"Hoy Justin! Sino yan ha? May chicks ka na pala di mo lang sinasa-- oh?!"
Sabay kaming napalingon ni Justin sa nagsasalita. Siya yung nakabunggo sakin.
"Hoy gago ka di ko 'to chicks." Justin laughed. "Muntik na kasi siya madapa kanina-- aray!" Siniko ko siya para hindi na niya makuwento yung kahihiyan ko kanina.
"Ha?" Nagtatakang tanong nung lalaki.
"Dee, ito nga pala si Daniel. As in duh-nyel." He made a face while saying that. "Ayaw na ayaw niyang namamali yung pag-pronounce." Hinampas naman niya ang noo niya.
"Hello, Daniel." I smiled and waved at him.
"Dan nalang," Sagot niya at umupo na ng tuluyan sa harap namin. "Mas maganda ka pala kapag naka-ngiti e."
__________

YOU ARE READING
Sparks Fly (Détendre Series #1)
RomanceMirella Hernandez, known to be a strong and bold woman. Although, she is in college and still learning, it is acknowledged that she is very talented in her selected course. She faces the aftermath of her three-year-long relationship break up. Along...