Zalde

13 0 0
                                    

                         

CHAPTER 1

            “Fuck you moron. It is over” Zalde thought when she finished her codes and successfully penetrated the system. 

“ZALDE, WHAT HAVE YOU DONE?!” Berico shouted from his room. Paano ba naman? Biglang na-corrupt iyong ginagawa niyang system tapos biglang nagbi-blink sa screen niya ang isang prompt na sobrang laki.

[ ---------- SYSTEM COMPROMISED !!!  -------]

 And who's to blame? Of course the great Zalde Guivarra. 

"Kung sana alam ko lang na yan ang gagawin mo sa after kita turuan ng code, hindi na sana kita tinuruan" galit na si Berico na ngayo'y naglalakad papunta kay Zalde.

"Why? I’m just bored?" Zalde explained with a blank expression. 

"Really? It’s not funny darling, I have deadlines alright". 

Zalde Guivarra. She’s just 18 years old. She’s living in a world full of codes. Dahil na rin sa gabay nang mga kinikilala niyang mga magulang. Ever since she got adopted.  She doesn’t care at all. 

What strikes on your mind if someone you hear the word "geek". Thick glasses? Loose shirts? Nerd? Zalde is different. Fashionista. Trademark niya na ang boots. Bagsak na buhok na kulay itim hanggang bewang. brown eyes na nangungusap. Matangos na ilong. Soft lips between fine cheeks. At maputing balat. Halos perfect na kung iisipin. But her personality is tough. 

18 years of existence in this ravaged world. And the world went back to sleep after the “Reckoning”, the “Rapture”, the “Pandemic” that struck the global population. To live is to fight in this scarcity. No room for unnecessary emotions. Not peace, nor hope, nor love. 

"Pa, nasaan si mama? Nagugutom na kasi ako." paghahanap ni Zalde sa nanay niya.. 

"Wala pa ‘nak nasa Arena pa, kinakabahan na nga ako eh." 

"Puntahan ko po."

Ang Arena sa panahong ito ay mas marahas. Ang mga manlalaro ay pinagpupustahan ng mga manonood. Sa larong ito, isa lang ang malinaw. Ang panalo ay may gantimpala. Ang talo? Paniguradong hindi na humihinga pagkatapos nang sagupaan. The only way to win this battle is to kill the opponent. Whatever it takes.

Si Klara ang siyang isa sa mga pinakamalakas na Agent sa Arena. She can use swords, katana, daggers,gun, archery, even hand-to-hand combat. And she can most attacks.  Natatanging babae na may kakaibang lakas at abilidad sa pakikipaglaban. Ang kasalukuyang bounty ni Klara ay 1,500,000,000 funnies. Ang natalo ni Klara sa labanan ang isang Aviator na may 900,000,000 bounty. 

Ang laban ay nagsimula ng mabagal. Nakasakay sa fighter helicopter ang Aviator at nagsimulang magpaulan ng mga bala sa kaniyang mini-railgun. Nailagan ni Klara ang mga ito. Nag-tagal ang ganitong eksena ng limang minuto. Nang nadala na sa kakabaril, nagbomba ng maitim na usok ang Aviator, upang hindi maka-retaliatei si Klara sa kaniyang pagkakalipad sa langit. Si Klara ay tumakbo at nagsimulang mag-charge ng kaniyang photon blaster sa kaliwang kamay. Nagpakalat ng terror bugs ang piloto at naiwasan ni Klara ang kanilang self-destruction gamit ang kaniyang phase-shift tech. Ngunit nataon sa cooldown ang ganitong signature defense at nasunggaban ng harpoon ang hita ni Klara.

Hinila ng Aviator ang kaniyang maliksing kalaban. Kinalkula niya ang kilos nito ayon sa maraming battle data ni Klara sa Arena. Nahuli na niya ang dakilang Artifice ng Arena!

Natigil si Klara habang hinihila pataas. Malayo ang pagkakalipad ng piloto sa lupa, senyales na walang balak sa mano-mano ang 9 Billion bounty na Aviator. Kilala niya ang skillset Klara. 

Nagtaka ang kalaban. Sa ngayon dapat ay nakaisip na ng pagkatakas si Klara. Ngunit nakasabit lang ito sa kaniyang harpoon nang walang imik-imik. Papalapit lamang nang papalapit.

“Akala mo siguro ay papaabutin ko pa ang harpoon sa akin? Sinubukan mong magpahuli para makarating sa akin dahil hindi mo ako maabot? Hindi kita hahayaan! Tatapusin na kita sa ere!” sigaw ng isip ng Aviator.

Pinindot ng Aviator ang button na pula sa kaniyang control board.

[ Electron Overload ]

“Good bye, Klara the Artifice. Or should I say, Klara the Toasted!”

Gumapang ng mabilis ang isang blue current mula sa ilalim ng electricity at nang umabot sa dulo ng bakal na kadenang humihila, sumabog ang isang electric pulse na sa laki ay umabot mismo sa barrier nang mga manonood.

Nakatingin sa baba ang Aviator. Inantay niya ang kahit anong senyales ng paggalaw, ng huling counter ni Klara. Wala.

“Pare-parehas.” 

Red and Green liquid. Dugo at Chemroids na tumulo sa tagiliran ng Aviator. Nasa likod niya si Klara na wasak ang kalahati ng mukha.

“Klara, ngayon ka dapat mamatay.” sabi ng kalaban na lumalaban sa pagkakachoke ng sariling dugo at chemical circulator.

“Namamatay ako araw-araw. At nabubuhay muli sa susunod.”

Nagsimulang magpaikot-ikot ang helicopter pabagsak ng lupa.

“Klara, I tried to make a show, to make it quick. Alam ko na electric nullifier ang kahinaan mo. But you bested me.” 

Tinitigan lang ni Klara ang kaniyang kalaban. 

“Klara, the Org, . .  go to . . . Baru … “ nalunod na ang salita ng Aviator. Nakatitig siya nang matindi sa direksyon  sa kaliwa, sa card slot ng kaniyang controller.

Namatay na ang Aviator.

Hinampas ni Klara ang handle ng helicopter at kinuha ang card na nasa loob. Tumalon siya sa helicopter at tuluyang nalaglag ito sa lupa, at sumabog.

Malakas ang shockwave na may dalawa pang sumunod na explosion dahil sa fuel at armory na sumabog. Naitaas ni Klara ang kaniyang shield. Isang malaking usok ang kumalat sa buong Arena.

At nang humupa ito. Nakita nang lahat si Klara na nakatayo sa kaniyang left leg, habang hawak ang kaliwang binti. Isang buwis sa kaniyang pagkapanalo

*STILL UNDEFEATED! YOUR GREATEST AGENT! KLARA THE ARTIFICE!*

 Umaalingawngaw ang pahayag ng emcee sa buong hive city. Hindi na naabutan ni Zalde ang labanan. Napaluhod siya sa tuwa nang marinig nya ang codename na ginagamit ng kanyang ina. Sa huli ay makikita niya rin ang kaniyang ina

Ngunit sya ay nanlumo nang makita nyang wasak ang kalahating mukha ng kaniyang magulang. At nagulat siya sa pagkakita sa hitang hawak mismo ng kaniyang ina. Iika-ikang naglakad si Klara papunta kay Zalde na gamit ang kaniyang long blade bilang tungkod. 

"Let's go home" 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Zalde 2040Where stories live. Discover now