"Where are you?" ani Austin sa kabilang linya.
Kasalukuyan akong nag-aayos nang tumawag siya. As usual, napagkasunduan na naman naming magkakaibigan na pumuntang club kaya heto ako ngayon sa harap ng salamin, naglalagay ng kolorete sa mukha.
I glanced first at my phone on the bed before I speak. Naka loudspeaker naman iyon kaya naririnig ko pa rin si Austin.
"Indoors," medyo may kalakasan kong sabi para marinig ng nasa kabilang linya.
"Are you preparing to sleep? Can we converse for a little while first? I just wanna hear your voice badly."
Napangiti ako. His voice... parang nagmamakaawa na mag-usap muna kami.
"Nope. I'm going out, actually."
Napalatak siya. "Right fucking now?!"
"Yup,"
"Camilla, anong oras na."
Tumingin ako sa wall clock. "9:30." I said, matter of factly.
Ang usapan namin ay alas nuebe kami magkikita-kita sa club pero nandito pa rin ako sa bahay.
"Exactly! And you're still planing of going out?" I can tell that he's now frustrated.
Napairap ako sa hangin. "Pwede ba, Austin? Don't consider me like a fucking kid! Malaki na ako at alam ko ang ginagawa ko."
He blew an annoyed sigh. "Fine. Wait for me, I'll fetch you."
Hindi na ako nakipagtalo at hinayaan na lang siya. Tinapos ko lang ang pag-aayos ko at bumaba na. Patay na ang ilaw sa kwarto nina Papa at Mama nang madaanan ko at ganoon din sa baba. Mukhang tulog na sila.
Ilang sandali lang akong naghintay kay Austin at dumating din naman agad siya. Agad na nagdilim ang mukha niya pagkakita pa lang sa akin. Kumunot ang noo ko.
"Hi," bati ko sa kanya.
Pero hindi niya ako pinansin. Pinagbuksan niya lang ako ng pinto ng kanyang kotse saka umikot patungo sa driver's seat. Anong problema ng lalaking ito? Dahil ba 'to sa pagsagot ko sa kanya kanina?
Pinakatitigan niya ako nang makaupo siya sa driver's seat, hindi pa rin nawawala ang dilim sa kanyang mukha.
"What?" I asked, confused.
"Your dress."
Nakakunot noo na pinasadahan ko ng tingin ang suot kong damit. Ayos lang naman.
"What's wrong with my dress?"
"It was too revealing, Camilla."
I nonchalantly rolled my eyes. Ito lang pala ang pinoproblema nitong lalaking 'to. E, mas revealing pa nga 'yong dati kong sinusuot kaysa nito.
Hinubad niya ang suot niyang sports coat at inilapag iyon sa kandungan ko. Nagtataka kong kinuha ang coat at ipinakita sa kanya.
"Anong gagawin ko rito?" Nagtaas ako ng kilay.
"Wear that. Your cleavage is showing off."
"Ayoko!" Sabay pabatong ibinalik sa kanya ang coat.
"Camilla." He has this warning tone that made me release an annoyed sigh.
"Fine." Yamot na yamot, kinuha ko ang kanyang coat. Ipinatong ko lang iyon sa aking balikat at hindi na tuluyang isinuot.
Wala naman na siyang sinabi at nagmaneho na lang papuntang club kung saan kami magkikita-kita ng mga kaibigan ko. Alam na alam talaga iyon ni Austin dahil iyon lang naman ang club na madalas namin puntahan ng mga kaibigan ko. Doon din kami nagkakilala ni Austin.
YOU ARE READING
Montenilla Series 1: Giddy Palpable
RomanceAustin Miguel Montenilla III is a well known as a successful bachelor in town. He likes going to the club and date every girl who'll pass his standard. Not until he met Camilla, the only woman who got his attention from the first time he laid his ey...