Bihira na lang sila magkaroon ng klase ngayon dahil ang pinakafocus nila ngayon ay ang nalalapit nilang JS Prom.
Kaunti na lang din at matatapos na ang pagpapractice ng sayaw nila. Masaya naman siya tuwing nagpapractice sila dahil nasa kanya na ata ang pinakagwapong kapartner.
Ngunit nalulungkot pa rin siya kapag naiisip ang mga pinag-usapan nila ni Sandra. Patagal rin ng patagal ay mas lalo pang nagiging close si Brent dito.
Natatakot nga siya na baka mamaya ay hindi na siya kilala ni Brent at ang tangi na lang nitong kilala ay si Sandra.
"Double turn!"
"Uy! Hawakan mo ako, madulas ang sahig"
Sabi niya kay Brent dahil nakasuot ng heels silang mga girls ngayon. General rehearsal na kasi nila.
"Umikot ka lang, sasaluhin naman kita kapag nahulog ka"
Gusto niyang isipin na may iba pang meaning ang sinabi nito ngunit ayaw na niyang mag-assume pa dahil baka masaktan na naman siya.
Natapos ang practice nila at pinagpahinga muna sila. Nakangiting lumapit sa kanya si Dian na matagal na rin niyang hindi nakakausap sa personal.
Kung bakit kasi naman nasa second floor pa ang classroom nito...
"Mika!"
"Dian!"
"Nakakakilig kayo ha? Grabe ang hawak niya sa'yo, sis! Mukhang wala ng balak pakawalan ka pa. Kinililig ako habang pinapanood kayo!"
Natatawang sabi nito bago naupo sa tabi niya.
"Pero aalis din naman 'yan"
"Sulitin mo na lang ang time niyo"
"Mukhang malabo 'yan ngayon"
Bumuntong hininga siya saka natawa at tinapik naman nito ang balikat niya.
Alam kasi nito ang nangyayari sa kanila ni Brent ngayon dahil nakakapag-usap naman sila nito sa chat.
"Feeling ko naman ay mas masaya pa rin si Brent 'pag ikaw 'yong kasama niya ah?"
"Feeling mo lang 'yan"
"Huwag ka ngang nega d'yan!"
Tinampal nito ang braso niya at natawa na lang siya ng mahina.
"Kung nakikita mo lang kung paano sila magkulitan at magtawanan araw-araw, hindi mo masasabi 'yan sa'kin ngayon"
"Kung nakikita ko lang sila? Baka nasabunutan ko na 'yong babae pero syempre, joke lang!"
Muli na lang siyang natawa saka hindi naman deserve ni Sandra ang masabunutan.
Mabait ito at dapat nga siguro ay magpasalamat pa siya dito dahil napapasaya nito si Brent hangga't nandito pa ito.
"Dian, pwede bang makarequest?"
"Sige, ano ba 'yon?"
Tanong nito at ngumiti muna siya bago sumagot.
"Sa JS Prom kapag kami na 'yong sasayaw, pwede bang paki-videohan? Alam mo na, baka 'yon na 'yong huli naming sayaw kaya dapat ay may remembrance ako"
"Oo naman, pwedeng-pwede! Kahit hindi mo ako tanungin, gagawain ko talaga 'yan para sa bestfriend ko!"
Sobrang saya niya talaga at nandiyan si Dian para sa kanya. Nagkwentuhan pa sila at nang matapos ang practice nila ay naghiwalay na sila saka siya bumalik sa loob ng classroom dahil may klase sila sa Science subject.
Habang iniintay ang subject teacher nila ay umub-ob muna siya table ng armchair niya. Hindi na si Zyrina at Shanna ang katabi niya ngayon dahil muling binago ni Ma'am Jhe ang seating arrangement nila.
BINABASA MO ANG
IHYMM BOOK 2: I Love You, Moody Monster
Teen FictionOnce a Moody Monster, always a Moody Monster... "Yabang!" "Nakakainis ka!"