Chapter 2

7 1 0
                                    

Chapter 2

Basketball

"Go, Ja!"

Sigaw ng best friend ko sa tabi ko kasabay ng mga estudyanteng nanunuod rin.

Malamang mag seselos nanaman si Isaac niyan.

Nasan kaya 'yon?

Tinitignan ko ang bawat takbo nito sa court.

Nuon pa man, magaling na talaga siyang mag basketball at bawat shoot niya nag hihiyawan ang mga classmates kong babae.

Paano kaya siya natutong mag laro nito at naging ganito pa siya kagaling?

"Primrose, lalabas lang ako."

"Bakit? Matatapos na yung game."

Sabi nya habang abala sa panunuod na hindi ako nilingon.

"Bibili ako juice. Nauuhaw na kasi ako. May ipapasabay ka bang bilhin?"

"Sige, juice nalang rin, yung orange juice. Ito ang bayad ko."

Inabot niya sakin ang 25 pesos na bayad galing sa bag niya.

Isang juice lang ang palagi kong binibili. Orange juice lang dahil masarap ito at hindi gaanong matamis.

Bumaba ako sa bleachers at nagulat sa pagka bunggo saakin ng isang player na nag lalaro.

Malakas ang pag kaka bunggo nito dahilan ng pag ka tumba't upo ko sa sahig at pag ka laglag ng suot na salamin.

"Aika!"

Dinig kong sigaw ni Primrose mula sa bleachers ngunit wala akong makita dahil malabo na talaga ang mata ko.

Narinig ko ang tunog ng siren pati narin ang sinabi ng emcee na "time-out" dahil nga sa nangyari.

Nilapitan rin ako ng referee at tinanong kung anong masakit saakin.

Pero may agad na umakay saakin patayo at inilagay ang nahulog kong salamin sa tamang pwesto nito.

"Sorry! Hindi ko sinasadyang mabunggo ka."

Inayos ko ang pag kakalagay niya ng salamin ko at tinignan siya.

Pawis at hiningal niyang sinabi iyon saakin.

Kita din sa mukha niya ang pagiging kabado dahil sa nangyari.

"Dalhin mo sa clinic! May sugat yung kamay."

Iritableng utos ni Prim rito.

Hahanapin ko sana ang sinasabi nitong sugat pero naunahan ako ni Jarell, hinawakan niya ang kamay ko at sinuri ito.

Nagulat ako sa naging reaksiyon niya at tyaka ko lang nakita na mayroon ngang tumutulong dugo.

"Coach, dalhin ko lang po sa clinic."

Pag papa alam niya.

Patuloy parin siyang naka akay saakin palabas ng court, hindi ko maiwasang marinig ang mga bulong bulungan ng mga estudyanteng nadadaanan namin.

Lalo pa't hawak niya ang kamay ko na agad ko namang binawi.

"Si Primrose nalang ang sasama saakin. May laro pa kayo.."

Ayoko ng atensyon.

Lalo na ng ibang tao, pakiramdam ko hindi ako makahinga sa bawat tingin nila.

"Naku! Ikaw ang may kasalanan niyan, Ja! Kaya ikaw ang mag paliwanag sa masungit na nurse sa clinic!"

Utos muli ng best friend ko sakaniya.

Nilingon ko siya, nag tataka ako kung bakit wala siyang amoy.. kadalasan kasi ng mga kaklase ko na nag lalaro ng basketball, hindi ka aya-aya ang amoy pag katapos mag laro.

A Second To Infinity (Case Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon