Chapter Ten
Pagkaligaw
Magdadapithapon na pero hindi ko pa rin mahanap sila kaya kinabahan na ako baka kasi may mga Dark Blood Vampire at makita sila at sila ang gawing biktima.Patay ako nito kay aleng Bella.
Hindi ko na matandaan kung saan ang daan na tinatahak ko.Mahina kasi ako sa sense of direction at kung saan saan na kasi ako nagsusuot para lang mahanap sila.
Niko~~~Ella~~~magpakita na kayo.tawag ko sa kanila pero walang sumagot.Hayssttt nasaan na kaya yun.
Nagpatuloy lang ako sa paghahanap hanggang sa napagod na ako.Mukhang naligaw na talaga ako at hindi mahanap sila Niko at Ella baka nga siguro ngayon ay hinahanap na din nila ako.Ako pa naman tong hindi sanay sa gubat.Hayssttt naloloka na ang magandang si ako.
Niko~~~Ella~~~Ella~~~Niko~~~paulit
ulit kong tawag.Tatayo na sana ako ng may marinig akong kaluskos kaya napatigil ako at tumingin sa bandang kanan ko.May tao ba dyan?tanong ko pero walang sumagot kaya tumayo na ako.Hahakbang nasa ako ng may biglang humawak sa leeg ko at isinandal ako sa puno.
A-ahh a-aray.masakit kong sabi dahil sa pagkabali ng buto ko sa likod.Tumingin ako sa humawak sa aking leeg.Mapupulang mga mata at dalawang matutulis na pangil na tila uhaw na uhaw na makainon ng sariwang dugo ng tao.Nabalot ng pangamba ang buong sistema ng aking katawan.Bampira.Isang Dark Blood Vampire dahil may tattoo ito tulad ng araw na nasa kanyang kanang kamay.Nasabi sa akin noon ni aleng Bella na ang mga kasapi raw ng Dark Blood Vampire ay may tattoo na parang araw at ang tattoo naman ng pinuno nila ay parang araw din ngunit may korona upang mas madili siyang makilala na siya ang pinuno.
Ang bango ng iyong dugo kaya gustong gusto ka ni Master Qled.bumalik ang pangamba ko ng marinig ko ang sinabi niya.
Pinunong Qled?Sino siya?baka siya ang pinuno ng Dark Blood VampirePero hindi kita ibibigay sa kanya dahil ako ang nauna hahhaha.sabi niya sabay tawa na parang baliw.Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa aking leeg kaya hindi na ako makahinga ng maayos
B-bitawan m-mo a-ko.nahihirapang sabi ko sa kanya ngunit hindi siya nakinig sa akin.Sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak niya ngunit hindi ko magawa dahil mas malakas siya kaysa sa akin.Nanghihina na ako.
**********
DHrinrin
BINABASA MO ANG
A Vampire's Slave
VampireSa pag alis niya sa bahay ampunan na kaniyang kinalakihan upang hanapin ang kanyang mga magulang ay mapupunta siya sa isang matagong bayan kung saan magkahalong tao't bampira ang nakatira. Ano kaya ang mangyayari sa kanya? Mahahanap niya ba ang kan...