"Maam nanghihingi na po ng update sa design."
"Maam yung design niyo raw complicated sa structure na gagawin."
"Maam na there's someone to visit you regarding with design."
"Mrs. blah blah want have appointment with you."
"Your signature maam regarding with this they want it now."
Iyan ang madalas kong marinig sa secretary ko at sa iba pang employee araw-araw na papasok ako ng office. Nakakastress at naiiyak na ako kasi tambak yung gawain ko tapos this week may pupuntahan pa ako.
"Maam there's—." Nagsign ako ng stop at tinanong siya.
"Client or not?" Wika ko, gusto kong wala munang client ngayon tatapusin ko muna this day yung paper works.
"No ma'am. Sabi niya siya raw si pretty parker." Aniya, biglang nabuhay ang dugo ko sa narinig ko.
"Okay, say to her wait me." Ani ko at nag-ayos ng sarili nang makita ko ang sarili ko sa salamin hindi ko makilala sarili ko.
"Ako pa ba 'to? Ang losyang ko na."
A few hours later
"Parker napunta ka rito?" Nakangiti kong sabi inirapan niya pa ako bago sagutin.
"Bakit ang tagal mo? Halos one hour bago lumabas." Halata sa boses ang inis niya, tinawanan ko lang siya aminado ako na ang tagal ko. Bakit ba first time niya dumalaw sa office ko eh.
"Nevermind. Inihatid ko lang 'tong luto ni Sweet dahil alam niyang hindi ka pa naglulunch." Umupo ako tapat niya at tiningnan ang luto sa paper bag na dala niya.
"Concern citizen na naman sa'kin si Parker, dapat pala talaga lagi akong nawawala sa paningin mo para mamiss mo ako." Malaking ngiting sabi ko.
"Kahit mawala ka pa ng ilang taon, I'm not gonna miss you." Taas noong sabi pa niya.
"Parker remember, 'wag magsasalita ng tapos baka pagsisihan."
"Whatever." Napansin ko yung paper bag sa tabi niya.
"What is that?" Pabato niyang ibinigay ang paper bag, napailing ako sa ginawa niya.
"Maybe this is the right time to teach you a lesson." Seryoso kong sabi.
"I have manners duh, sa'yo lang wala." Ginaya ko siya sa irap at salita niya at tiningnan ang paper bag.
"Whatever. Bakit may damit at kumot?" Nanlaki ang mata ko sabay tingin.
"Pinapalayas mo na ba ako dahil ilang araw na akong hindi nauwi?" Tiningnan lang ako na para akong timang na umaakting.
Totoo naman na hindi na ako nakakuwi, umuuwi naman pero hindi ako nagtatagal naliligo at nagpapalit lang ako tapos alis na.
"Saan mo naman naisip iyan?" Tinuro ko yung laman ng paper bag.
"Seriously? Iyan ba ang epekto sa'yo ng hindi pag-uwi at hindi ako nakikita?"
"Alam ko namang may gusto ako sa'yo pero ang feeling mo sa part na huling sinabi mo." Dahil sa sinabi ko iyon biglang tumayo si Parker.
"Joke lang naman hindi ka naman mabiro." Wika ko habang hila hila ang damit niya.
"Bitawan mo nga ako." Wika niya ng hindi ako tinitingnan.
"Parker 'wag ka ng magalit, totoo yung sinabi mo. Yun ang epekto sa'kin ng 'di kita nakikita." Nakapout na sabi ko.
"Ano bang pinagsasabi mo?." Aniya at hinarap ako. "Kukunin ko lang 'yung phone ko." Aniya sa seryosong boses dahil doon kumabog na naman ang puso ko, hindi talaga ako sanay na ginagamit niya yung totoo niyang boses.
BINABASA MO ANG
Fall Inlove with a Gay
De Todo"Are you crazy?" Hindi makapaniwalang sabi niya. "No I'm not crazy. Nagmamahal lang ako." nakangiti kong saad. "But I'm a gay. Why me madaming gwapong lalaki dyan" natatawang sabi niya. "I do anything para mafall ka sakin. Madaya kasi ako lang nahul...