CHAPTER 41: The Victim

148 9 0
                                    

SOMEONE'S POV

"Patient Andraste Mayze Lastrella, Asian; 22; has several lacerations on arms and legs, head contusion, and serious cut on her chest," pagbibigay-alam sa akin ng nurse ayon sa hawak niyang chart habang kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway ng hospital, "her wounds were already treated and she's on sedatives, analgesics, and antibiotics to avoid infections."

Saglit na tumigil ang nurse sa pagsasalita at inilipat ang binabasa niya sa susunod na pahina, "mukhang ginahasa rin siya pero walang nahanap ang mga pulis at forensic analyst na semen o kahit na laway kaya wala silang ebidensya. Dagdag pa rito, higit dalawang buwan na siyang buntis."

Itinulak ko pabukas ang pintuan ng Special Care Unit. "Sinong nakahanap sa kanya?"

The nurse shuffled through the papers. "Yung mga kaibigan niya: sila Jace McCarthy at Rhiannon Sullivan. May natamong head contusion si McCarthy, pero hindi naman seryoso. Si Sullivan naman, head contusion din at ilan lang na mga galos."

"Pare-pareho silang inatake?"

"Oo, dok. Nasa second floor sila. Nagpapahinga pa rin si Sullivan. Si McCarthy naman, binigyan namin ng sedative dahil ayaw niyang matulog. Nagpupumilit siyang makita si Lastrella. Kailangan din niya ng pahinga kaya pinatulog siya ni Dr. Parker."

"But why was she remitted to me so soon? Kadalasan naman naghihintay pa sila hanggang sa tuluyang gumaling na ang pasyente," saad ko. Ganito ang takbo rito sa hospital. Ako ang pyschiatrist, ang huling doktor na susuri dapat sa mga pasyente.

"Hindi siya nagsasalita. Wala siyang sense of reality kaya malakas ang hallucinations niya. Bayolente rin siya."

Napukaw nito ang kyuryosidad ko. "Yung huling sinabi mo, malayong mangyari yun. Rape victims are often ashamed and depressed. Pero hindi bayolente," saad ko saka hinarap ang nurse pagkahinto namin sa tapat ng pintuan ng room 404. "Binigyan niyo ba siya ngayon ng pampakalma?"

"Oo, dok, pero kaunti lang," sagot niya.

"Pagkagising ng mga kaibigan niya o ng kahit isa sa kanila, ipaalam mo sa akin. Kakausapin ko lang muna siya saka ko kakausapin ang mga kaibigan niya."

"Masusunod, dok," ani ng nurse saka ibinigay sa akin ang mga chart bago naglakad paalis.

Kinusot ko ang mga mata ko. Sana pala nagkape ako kanina. It had been a hard shift this night after all.

Maingat kong binuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang isang maaliwalas at maliwanag na silid. Nasilaw ako sa kaputian ng mga dingding, dahilan upang bahagyang maningkit ang mga mata ko. There was a small figure on the hospital bed. She was huddled around the sheets, barely visible. She was thin, with light brown hair, black at the roots. She looked so weak and unhealthy.

Agad na nahabag ang kalooban ko para sa kaawa-awang babae na nasa harapan ko. May mga pasa at love bites siya sa kahit saang parte ng katawan niya. She was lying in a fetal position, holding her knees to her chest, and with her eyes firmly closed.

Naupo ako sa upuang nasa malapit sa kinaroroonan niya. May IV na nakakabit sa kanang braso niya para ma-hydrate siya. Bukod sa pagiging maputla ng kutis niya ay dry din itong tingnan. Samantalang buhol-buhol naman ang mahaba niyang buhok.

"Andraste," banggit ko, at napansing napakislot siya rito, "ako si Dr. Edwards. Gusto sana kitang makausap," saad ko ngunit ni hindi man lang siya gumalaw sa pagkakataong ito. "Andraste, pwede mo bang buksan ang mga mata mo?"

Umiling siya.

"Alam mo ba kung nasaan ka?"

Tumango siya.

DARK FANTASY: The Demon's Snare --- EDITTINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon