SOMEONE'S POV
"Did you find her?" I asked the investigator as I sit in my swivel chair.
"Yes, Boss." He said ang gave me an envelope.
"What is this?" I asked him, although I already have an idea of what's inside of this envelope.
"It's an information about that girl." My investigator said as he formed a little bit smile on his lips.
After scanning all the documents, I get the picture in my wallet. A picture of her.
Maipaghihiganti ko na kayo. Maipaghihiganti na kita. Just wait for it.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
ZEPHYR'S POV
It's Sunday! So, basically day off ko na naman ngayon. Nandito ako sa apartment namin ngayon. At halos dalawang oras na rin akong nakahiga dito sa higaan ko, kaiisip kung anong nangyari kay Boss Gelo noong Saturday.
Flashback
"E-excuse m-me" sabi niya saka siya tumayo habang hawak ang bibig at pumunta ng restroom.
Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi pa rin siya lumalabas, kaya I decided na katukin na siya sa mismong CR.
"Sir, okay lang po ba kayo?" Tanong ko sa kanya, saka ako kumatok ulit.
"I'm okay. You can go now."
"Sigurado po kayo? Wala na po ba kayong ipagagawa? Pwede ko po kayong bilhan ng gamot, Sir, kung masama po ang pakiramdam niyo." Sabi ko habang nakadikit ang aking tenga sa pintuan ng CR.
"I said, I'm okay! Just go!" Hala! Nagtatanong lang naman ako e.
"Sige, Sir. Just call me kung may kailangan po kayo. Balik na po ako sa office." And then, I left after I said those words.
End of Flashback
Bakit kaya nagkaganoon 'yon? Hindi kaya dahil sa akin? Napatampal nalang ako sa noo ko ng mapagtanto ko na baka kaya siya nagkaganoon ay dahil sa akin.
My goodness! Baka nandiri siya sa ginawa ko sa kanya, kaya nagsuka siya. Kasi diba, hawak niya yung bibig niya noong tumakbo siya papuntang CR?
Ay! Erase. Erase. Erase.
Pwede rin naman na baka kaya siya nagkaganoon ay dahil may nakain siyang sirang pagkain, kaya ayun! Bumaliktad yung sikmura niya. Pwede naman 'yon diba? May posibilidad naman na ganoon yung nangyari diba?
Putahamnida! Hindi ko talaga alam! Oo, baliw ako, pero pakiramdam ko mas mababaliw ako kaiisip doon sa bakla kung Boss e. Tsk. Makaligo na nga lang. Bahala siya diyan!
Papasok na sana ako sa banyo ng biglang nag-ring ang cellphone ko.
*I love you, you love me we're bestfriend like friend should—
Hindi ko na pinatapos ang ringtone ng cellphone ko para sagutin na agad kung sino mang santisima ang tumatawag.
"Hello? Sino 'to?" Sagot ko ng hindi tinitingnan kung sino ang caller.
"Wow! May amnesia ka, Beshie? Hindi mo na 'ko kilala?" Pustahan tayo nakanguso 'to ngayon.
"Ay! Sorry naman, Beshie. Hindi ko na kasi tiningnan kung sino ang caller ko. By the way, bakit napatawag ka?"
"Samahan mo 'ko. Day off mo naman ngayon, diba? Mag-grocery tayo saglit."
"Okay, sige. Maliligo lang ako. Text mo nalang ako kung saan tayo magkikita." Sabi ko sa kanya habang sinasabit ang tuwalya sa sabitan ng banyo.
BINABASA MO ANG
Operation: Seducing My Gay Boss
Ficción GeneralIsang sekretaryang babae at isang baklang CEO. Magiging successful kaya ang plano ng ating SECRETARY na paibigin ang kanyang BOSS? Ano kaya ang matinding pagdadaanan ng ating mga bida? Sila kaya ay magkakatuluyan sa huli o may isa sa kanila ang tu...