Kabanata 7

3K 119 63
                                    

Veronica's PoV

Makalipas ang apat na oras ay nakarating na kami sa Quirino. Ngunit kailangan pa naming umakyat sa isang bundok dahil doon ang kinatitirikan ng mansiyon ng mga Nable Jose. Napansin kong kanina pa wala si Maria.

"Goyo..." tawag ko sa katabi kong naglalakad.

"Bakit? Sinasagot mo na ako?" magiliw nitong wika. Napabaling naman ako sa kanya at tinignan siya ng masama. Ano siya suwerte at sasagutin ko agad agad?

"Nasaan si Maria?" tanong ko sa kanya kaya agad siyang napaseryoso.

"Ewan ko...Bakit mo hinahanap ang higad na yon? Hindi ba't sinaktan ka niya?" kunot noo niyang tanong.

"Wala lang." tipid kong sagot sa kanya at inunahan ko siyang naglakad pero hinila niya ako pabalik.

"Bakit?" tanong ko sa kanya pero imbes na sagutin niya ako ay hinila niya ako paupo sa isang natumbang kahoy. Inilabas naman niya sa kanyang bag ang isang bote ng alcohol na ibinigay ko sa kanya noon at isang puting panyo.

"Nasugatan ka hindi mo ba nararamdaman?" seryoso niyang wika habang sinusuri ang aking siko. Napangiwi naman ako sa hapdi nang idampi niya yung panyo na may alcohol. Pagkatapos ay kinuha niya yung isa pang panyo niyang puti at itinali niya iyun sa sa sugat ko. Panyo collector ka ghorl?

"Salamat heneral..." sambit ko sa kanya habang deretsong nakatingin sa kanya.

"Walang anuman basta para sayo....aking binibini." tugon nito. Iyan na naman yung 'aking binibi' line niya. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko kaya tinalikuran ko siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Narinig ko naman ang kanyang mahinang tawa bago sumunod sa akin.

Nakarating naman ako sa gawi nila Imelda kasama nila sina Juan at Tisoy. "Oh Veronica, napano iyang siko mo?" tanong ni Carmela.

"Ahhh..nasugatan ako kaninang itinulak ako ni Maria." tugon ko.

"Talaga namang handa siyang manakit para lang sa isang lalake huh." wika ni Imelda.

"Hayaan niyo na siya mukhang nagpapapansin lang siya kaya siya ganun." wika naman ni Carmela.

Nagkwentuhan lang kami nina Carmela buong oras kaya hindi namin ramdam ang pagod. At sa wakas ay nakarating na kami sa harap ng isang malaking bahay.

Pamilyar ang bahay na to kung hindi ako nagkakamali ay ito yung eksaktong bahay ni Lola Esmeralda. Sa pagkaka-alam ko ay itinayo pa ito noong taong 1876 agad naman akong lumapit kay Lola Mysterious na nakatayo sa harap ng pinto.

"Lola Mysterious, hindi po ba ito yung bahay ng aking Lola?" bulong ko sa kanya.

"Oo iha, ngunit ang pamilya Nable Jose ay kasalukuyang naninirahan ngayon sa Dagupan." tugon nito sa aking katanungan.

"Kung gayon ho ay naroon din ang tunay na Veronica?" tanong ko ulit sa kanya.

Napa-iling naman siya sa akin bago sumagot. "Hindi dahil sa panahong ito ay ikaw ang tunay na Veronica." tugon nito. Napatango na lamang ako bilang sagot.

"Huwag kang mag-alala dahil hindi siya hinahanap ng kanyang pamilya." wika nito bago buksan ang pinto.

Maganda ang loob at malinis ito kahit pa wala nang nakatira sa bahay. Pumasok ako at tinignan ang buong paligid.

Parang walang nagbago pwera na lang at walang mga appliances. May mga makalumang gamit rin ang nandito sa loob, pumunta ako sa itaas at bumungad sa aking ang isang family portrait.

"Familia Nable Jose" basa ko sa naka-engrave sa may ibabang bahagi ng frame.

"Veronica halika." tawag sa akin ni Lola Mysterious. Sumunod naman ako sa kanya papunta sa isang kwarto. Binuksan niya ang pintuan at bumungad sa amin ang isang kwarto. Natatandaan ko ito, ito yung kwartong tinutuluyan ko sa bahay ni Lola noon.

Changing the General's Path [Battle Above The Clouds Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon