Story 6

3 1 0
                                    


𝖬𝗒 𝖽𝖺𝖽 𝗂𝗌 𝗆𝗒 𝗋𝖺𝗉𝗂𝗌𝗍
𝖻𝗒:@𝖫𝖠𝖢𝖡

Simula bata paako si daddy na ang nagaalaga saakin, si daddy ang nagpapaaral at nagpapakain sa akin araw araw,si daddy ang nagbibigay ng baon ko tuwing papasok bata,si daddy ang nakakasama ko sa pagtulog noon, at si daddy rin ang nagpamulat saakin sa kasuklam suklam na mundo.

Noong pinanganak kasi ako namatay na si mommy kaya si daddy na lamang ang kasama ko at bumubuhay sa akin ngayon at im so proud of him kasi sinisikap niyang maging isa akong magaling na abogado.

"Daddy!"tawag ko sa ama kong busy na naman sa pagtratrabaho. Lagi na lang siyang ganyan babad at tutok sa trabaho niya.

"Oh? Bakit Mitch may kailangan kaba?"tanong niya sa akin."Ei daddy manghihingi sana ako ng pera magroroleplay kami mamaya ei may gagastusin kasi saka daddy baka gabihin ako ng uwi mamaya"tugon ko sa tanong niya.

Inabutan naman ako ni daddy ng 1k, sapat na para makapagambag ako sa mga bibilhin na props at pamasahe ko papunta at pauwi."Maraming salamat daddy"pasasalamat ko sa kaniya.

Dali dali naakong nagayos nang susuotin, nagsuot lamang ako ng shorts at tshirt dahil malapit lang naman ang pagsasanayan namin at hindi naman kami lalayo dahil malapit lang ang bilihan ng mga gamit.Agad akong umalis at nagpaalam na kay daddy.

********

Natapos na namin ang sinasanay na dula dulaan dahil bukas narin namin iyon iprepresenta.Gabi na nang matapos kami at hito ako ngayon nakasakay na sa jeep at iniintay na lang makababa sa dulo nang madilim na eskinita, pumara ako at naglakad ng matiwasay nang may nagtakip nang panyo sa aking bibig at sadya akong nakatulog ngunit bago pa man ako makatulog kitang kita ko ang sumbrelo na suot niya.

Pag gising na pag gising ko narinig ko ang iyak ng aking ama habang iniimbestigahan ang pang gagahasa sa akin ng isang lalaking hindi nila kilala.Naiyak na lamang ako sa sakit na nararadaman at naiyak narin lamang ako sa pighati na dinaranas ng aking ama.

"Patawad anak, hindi kita naprotektahan"mangiyak ngiyak na tugon sa akin ng aking ama na patuloy parin ang pagdaloy nang luha sa kanyang mga mata.

"Papa,"iyak na saad ko at niyakap siya nang mahigpit.Hindi ko rin masisisi ang naganap na panggagahasa saakin kasi ako rin naman iyon,sana naprotektahan ko ang sarili ko laban sa lalaking iyon at hindi na kasalanan ng ama ko kung bakit naging pabaya ako sa aking sarili ko.

Lumipas ang ilang buwan, hindi na ako pinalabas,hindi ako makaattend sa mga meetings at roleplays,hindi ako pwedeng gumala, at hindi ako pwedeng pumunta sa kung sinong kaibigan ko.Tanging si papa at ako lang ang magkasama,nababalot ako ng sakit at hinanakit. Natatakot na ako sa mga lalaki, takot akong mahawakan ng kung sino, natatakot akong may manggahasa sa akin.

Gabi na ngunit wala pa kaming hapunan kaya sinabi sa akin ni daddy na kung pwede bumili ako sa kabilang kanto ng ulam namin at bilisan ko na raw, hindi naman ako nagdalawang isip at sinunod ko ang utos ni papa, at habang naglalakad nagulat na lamang ako ng may pumukpok ng tubo sa ulo ko at bago pa man ako mawalan nang malay nakita ko na naman ang lalaki, siya ang lalaking nanggahasa sa akin noon at hindi ko na kakayanin pa kung maggagahasa na naman niya ako ngayon, unti unti akong nanghina at sa isang iglap nawalan ako ng malay.

Nagising na naman ako sa kama ng takot, nagising ako ng may bahid ng hapdi sa puso.Ayoko na, ayoko ng maranasan lahat ng nararanasan ko ngayon. Sana bata na lang ulit ako.Inulit nanaman niya,
Umiiyak na naman si daddy sa tabi ko at panay hingi ng tawad sa akin dahil hindi na naman niya ako na protektahan, hindi ko rin maiwasan maawa sa kanya dahil dalawang beses na binaboy ang anak niya.Napagdesisyunan namin ni daddy na magpakalayo layo at hindi na muli bumalik sa dati naming tinitirhan.

Dalawang taon na ang lumipas at nakalimot na ako sa nakaraan. Masaya na kami ni papa mamuhay ngayon at tinuloy ko sa ibang unibersidad ang pagaaral ko. Tatawagin ko si papa upang magtanghalian ng may sinusunog siya sa bakuran."Papa, ano yan?"tanong ko sa kanya na ikinagulat niya "Ah,eh wala ito anak tara na magtanghalian na tayo"kabadong sagot ni papa.

Ako'y puno ng kuryosidad kaya imbis na maghugas ng pinggan tumungo muna ako sa bakuran namin at tinignan ang kaninang hindi niya itinuloy na sunugin tinignan ko ito ng mabuti at isang pamilyar na sumbrelo ang bumungad. Napaluhod ako sa sahig dala ang mga luhang bumalik nanaman sa dati, nandito ang sakit ng nakaraan, nandito ang pighati ng kahapon. "Anak,patawad"salitang narinig ko mula sa likod, salitang hindi ko narinig habang binababoy niya ako at salitang hinding hindi ko matutugunan ng "Pinapatawad na kita" .

-The End-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon