"I'm sorry, what?" Naguluhan ako sa sinabi niya. I'm pretty sure he called me pretty, right?
"Wala wala," sagot niya at tiyaka lumingon kay Justin. "So pre, kailan naging kayo? Hindi mo man lang pinakilala sa amin kahapon. Nabunggo ko pa tuloy." Lumingon siya sakin at nag-peace sign habang tumatawa.
"Eto, kala mo tanga. Hindi nga kami! Nadapa-- nakita ko lang siya kanina habang nag-gagala sa mall." Binatukan niya si Dan at simaan ng tingin. Siningkitan ko siya ng mata dahil muntikan na naman niyang i-kwento yung pagkakadapa ko.
"E? Seryoso? Paano ka napa-payag nito? 'Yang mga ganiyang itsura, hindi ka dapat sumasama sa mga ganiyan!" Binatukan siya ulit ni Justin. "Aray ko! Namumuro ka na ah! Isa pa, kapag ako gumanti." Nagtaas ng dalawang kamay si Justin na parang susuko.
"Tarantado ka kasi e. Hahayaan ko bang lait laitin mo lang ako," sabi ni Justin habang naiiling nalang. I just laughed at their bickering.
"Kanino ba dapat ako sumama?" I said while chuckling.
"Sa'kin! Sa mga ganitong mukha dapat, Dee! Mukhang mabait, mapagkakatiwalaan, at higit sa lahat gwapo pa!" I laughed harder at that. "Hala tinatawanan mo lang ako," he said while pouting.
Oh, it was not my intention to make him feel that way. Totoo naman ang mga sinasabi niya. Mukha nga siyang mabait at mapagkakatiwalaan. Gwapo rin. Tinatawanan ko lang yung confidence niya.
"No no. I totally agree with you." I gave him a small smile to assure him.
"Sure ka ha?" I nodded at him and he just smiled back.
"Bakit ka ba nandito p're? Matapos kitang ayain kanina, nakailang pilit pa 'ko pero hindi ka naman sumama. Tapos bigla bigla ka nalang susulpot."
"Wala lang, tinamad na rin akong mag-stay sa bahay nakakaburyo na e. Kaya ikaw sasamahan mo 'ko ngayon at magsasaya tayo." Ngayon ko lang napansin na si Dan na pala ang kumakain ng ice cream ni Justin. I already finished mine.
"Ulol! Mangarap ka! Inaaya kita kanina tapos paulit ulit mo 'kong ni-reject! Kaya in your dreams tanga!" Sagot ni Justin sakaniya.
I remember my friendship with Seph in them. Ganiyan kami mag-sagutan at mag-asaran. Pero sure naman akong support sila sa isa't-isa.
"If you're going to hangout, then I'm going home. Medyo pagod na rin ako sa dami ng ginawa namin ni Justin." Nakita kong nanlaki ang mata ni Dan pero hindi ko nalang pinansin. "Mauuna na ko ha?" Huling sabi ko sakanila habang unti-unting naglalakad palayo.
"Kapag nagkita ulit tayo in the future tayo naman ang magha-hangout ha?" Sabi ni Dan sakin habang kumakaway.
"Bye, Dee!" Paalam ni Justin.
Kumaway naman ako pabalik sakanila at tuluyan nang umalis. When I got to my condo it was already dark. Busog na rin ako kaya hindi na ako kumain. I just got ready for bed.
The next day I decided to jog. Bibihira na kasi akong makapag-exercise, ayaw ko namang pabayaan nalang ang katawan ko. Hindi ako dumaan sa usual route ko kaya matagal tagal akong nag-jogging. Tumigil ako sa isang park para magpahinga, uminom na rin ako ng tubig sa dala dala kong tumbler. May nakita akong babae doon na may kasamang batang lalaki. I wonder if it's her sibling or son. Pero hindi ko naman siya jinu-judge.
"Hoy, Kyle! Subukan mo lang madapa, masasapok kita!" I figured it was her brother and just chuckled a little. Kami lang ang tao doon.
I don't come to this park often but it's very beautiful. Clear din ang langit at presko ang hangin. Sa park naman ay merong playground na pwedeng pag-laruan nga mga bata, pero malaking parte ng park ay grass lang. There were a few trees as well. Busy ako sa paglilibot ng tingin sa park nang may lumapit sakin at nagsalita.
"Hindi naman pala magtatagal yung pagkikita natin ulit." I saw Dan standing while removing his airpods from his ears. Tinignan ko siya at mukhang kakagaling niya lang din sa pagjojogging. He was wearing a dark blue sleeveless top and black jersey shorts.
I smiled and waved at him.
"Hi," I said. "Nag-jogging ka rin?"
"Obvious ba?" He laughed. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Uy, joke lang! Sama agad ng timpla mo." Tumawa naman siya ng pagka-lakas.
"Binabara mo 'ko e," I said, almost pouting. Tumawa na naman siya, ang saya saya nito e 'no?
"Oo kaka-jogging ko lang. Hindi ko nga 'to dinadaanan usually e. Pero masaya 'ko at naisipan kong dumaan dito ngayon." Binigyan na naman niya ako ng pagkalaking ngiti. Hay ang gwapo.
"Ah, okay. Sa Lumiere ka ba nag-aaral?" I asked.
"Yep. Ayaw ko nga nung una don e pero pinilit lang ako ng magulang ko. Sa Etene Culinary School ko talaga gusto. Pero hindi naman sila pumayag," he explained with a bit of bitterness in his voice. "Pero naeenjoy ko naman na yung course ko ngayon."
"Good for you. Everyone deserves to pursue their dream, you know. Ang swerte ko dahil supportive sila sakin. Mahirap yung mag-isa ka lang. Kahit encouragement from them is already enough." Nakangiti ako habang nagku-kwento sakaniya. Everytime na naiisip kong mapalad ako ay napapangiti nalang ako. I am very grateful.
"Mukhang masaya nga," he said while smiling at me too.
"Oh, I should probably go back now." Tumayo ako sa bench at inayos ang mga gamit ko. "Aalis na 'ko, Dan! See you when I see you." Kumaway ako at aalis na sana pero nagsalita pa siya.
"Wait! Uhm, Facebook mo? Twitter? Instagram? Kahit ano para ma-add kita." Kinamot niya ang batok niya. "Pati pala number mo."
__________

YOU ARE READING
Sparks Fly (Détendre Series #1)
RomanceMirella Hernandez, known to be a strong and bold woman. Although, she is in college and still learning, it is acknowledged that she is very talented in her selected course. She faces the aftermath of her three-year-long relationship break up. Along...