Chapter 2: Kaluskos

7 2 0
                                    


Fort's POV

“Tingin mo, magiging kaibigan kaya natin yung William?” tanong ni Dominic sa’kin habang kumakain kami.

“Hindi ko rin alam e. Kita mo naman siguro s’ya sa room kanina. Tahimik lang gano’n. E sa pagkakaalam ko, allergic ka sa mga tahimik.”

“Alam mo ikaw, napaka nega mo dyan. Syempre iniisip ko lang naman na ang boring naman ng magiging buhay n’ya dito kung wala s’yang kaibigan ‘di ba?” hay na ko. Alam na alam ko na kung saan ‘to papunta.

“’Di naman sa nega. Ikaw porket may  itsura s’ya grabe na yung concern mo.” Pagbibiro ko sa kanya.

“E kasi namaaaan. Ba’t ang gwapo n’ya kasi? Nagiging concern tuloy ako sa kanya. Feel ko crush ko na s’ya. mga 1/4 gano’n.” sabi ni Doms. “Ikaw ba? Anong tingin mo sa kanya?” sabay baling n’ya sa’kin. Tiningnan n’ya ko nang diretso kaya napaiwas ako bigla. “O ba’t ka umiwas? Crush mo no?” pang-aasar niya pa.

“Hindi ‘no.”  sabay subo sa paborito kong burger steak. “Alam mo namang ayoko ng mga crush crush na ‘yan. Tsaka kailangan kong mas magfocus ngayon kasi malapit na ang midterms.”

“Sabagay, pagtapos ba naman nung nangyari sa inyo ni –”

“Nako! ‘Wag na nating pagusapan ‘yon.” Pagputol ko sa gusto n’yang sabihin.

“Kahit yung pangalan ayaw mo na ring marinig ‘no?” sabi ni Doms sabay lagok ng kanyang tubig. “Tagal na no’n, Fort. Mag-let go ka na.”

Sana gano’n lang kadaling i-let go ang mga alaala. Sana talaga.

Niligpit na namin ang mga pinagkainan namin dahil baka mapagalitan na naman kami ni Tita Mercy kapag nakita n’yang madumi ang mesa namin. Madalas kaming kumain ni Doms dito sa karinderya ni Tita Mercy. Panalo kasi ang mga tinda dito lalo na yung burger steak na sobrang paborito ko.

  Pero minsan masungit si Tita Mercy lalo na kung hindi ka nagligpit ng mga pinagkainan mo. Wala kasing masyadong katulong si Tita Mercy dito at medyo matanda na rin s’ya para magligpit kaya kapag oorder ka, sinasabihan ni Ate Chona ang mga kumakain na baka pwedeng pakibalik nalang ang mga pinagkainan sa tabi ng counter kung saan ka oorder.

Nang matapos kaming magligpit ay kinuha na namin ang gamit namin at lumakad na kami papunta sa school. Halos araw-araw ganito ang routine namin ni Doms. Simula nung naging kaibigan ko s’ya, never kaming naghiwalay. Sa lahat ng events sa buhay namin, kasama namin ang isa’t isa.

Si Dominic ay nag iisang anak lang. Laging busy sa trabaho ang mommy n’ya sa ospital dahil isa itong nurse. Hindi nakita ni Dominic ang kanyang daddy ever since kasi ang kwento sa kanya ng mommy n’ya, hindi naman daw sila ang unang pamilya nito kaya iniwan n’ya sila Dominic at sumama sa totoo nitong asawa. Gano’n pa man, never nagtanim ng galit si Dominic sa totoo n’yang ama at lagi n’yang sinasabi na someday, makikita n’ya rin ito.

Sa totoo lang, tinuring ko na rin s’yang kapatid. Kilala ako ng mommy n’ya at kilala naman s’ya ng mama ko. Masaya rin ako kasi kahit paano naramdaman ko kung ano yung feeling na magkaro’n ng kapatid.

“Mauuna na akong pumasok ha? Ihahagis ko nalang ID ko dun sa kabilang gate.” Sabi ni Doms sabay takbo na n’ya papunta sa unang gate ng school namin.

Lumakad na ako papunta sa gate 2. Dalawa kasi yung gate dito pero hindi na binubuksan ‘tong gate 2 dahil sa ginagawang building sa tabi nito. Imbes na maging gate kasi yun e gagamitin nalang space para sa ginagawang building.

Will of FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon