Chapter 3: Gate 2

5 1 0
                                    

Fort's POV

6:30 AM

Papasok na ako.

Ang aga kong nagising at binilisan ko na ang kilos ko. Kahit si mama nagtataka kung bakit ang aga ko daw umalis sa bahay. Usually kasi 7:00 or 7:15 ako umaalis e. Madalas nga ay late pa. Pero iba kasi ngayon. Kailangan kong malaman kung ano yung kumakaluskos kahapon. Pa’no kung hayop pala yun? Pa’no kung kailangan n’ya pala ng tulong? OA na kung OA pero ayokong bagabagin ako ng aking isip hahahahaha

Malapit lang naman yung school sa bahay. Pwedeng lakarin or kung mayaman ka, pwedeng tricy. Pero dahil ‘di naman ako mayaman at kailangan kong mag ipon, nilalakad ko nalang.

Nang makarating ako sa school, halata na wala pang masyadong tao sa loob kaya dumiretso agad ako sa gate 2.

Mataas na talaga ang mga damo dito. Nakakatakot na ngang pumunta dito kung tutuusin kasi parang may biglang lalabas nalang na kung anong hayop dito. Parang pinamumugaran na nga ‘to ng mga ahas e. Pero dahil may kailangan akong isolve na misteryo, kailangan kong maging matapang.

Nakarating na ako sa mismong gate. Kung ibang tao siguro ang nandito, matatakot sila. Parang pang horror movie kasi ‘tong lugar na ‘to e. Ilang minute rin akong naghintay sa gate 2.

7:05 AM

Narinig ko na merong kumaluskos sa damuhan. Parang hinahawi ang mga damo. Hindi ganoon katas ang mga damo dito kaya makikita mo naman kung may taong paparating. Pero wala akong nakita.

Akmang lalapitan ko na sana ang damuhan nang biglang—

WAAAAAH!” napatili ako nang makita ko ang isang bata na nagtatago sa damuhan. “Anong ginagawa mo d’yan? Ikaw ba yung kumakaluskos?” tanong ko sa kanya.

“Natatae po kasi ako. Nakita ko po kayo kaya nagtago ako.” Sagot n’ya saakin. Tinitigan ko s’yang mabuti. Isang batang lalaki na medyo singkit ang mga mata. Maputi s’ya at may maamong mukha.

“Hala gano’n ba? Sorry ha. Pero bakit ka ba kasi d’yan tumatae? Tara, sasamahan kita sa loob. Madali kang makakapaghugas sa loob.” Pag aalok ko sa kanya. Mabilis naman s’yang tumayo.

“Sige, ate. Tutal nandon din naman si mama.” Sabi n’ya saakin nang nakangiti.

“Teacher ba si mama mo dito?” tanong ko.

“Opo.” Maikli n’yang sagot.

“Sino bang teacher ang mam—” Naputol ang sinasabi ko nang biglang mag tumunog sa loob ng bag ko. Tumatawag pala si Doms.

“Ate, mauuna na po ako sa loob.” Sabi n’ya at sabay tumakbo na s’ya. Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag ni Doms.

“Hello? Bakit?”

“San ka na? Dumaan ako sa inyo kasi baka malate ka ulit kaso wala ka na dito. Maaga ka raw umalis sabi ni Tita Virgie.” Sabi ni Doms

Lumakad na ako palayo sa gate 2 para pumasok na rin sa loob ng school at para icheck kung saan na nagpunta yung bata.

“Nandito na ako sa school e. May ginawa lang ako.”

“Sige, papunta na ako d’yan.” Sabi ni Doms sabay binaba na n’ya ang tawag.
Palakad na ako papuntang gate 1 nang makasalubong ko si Ma’am Espiritu. Dala n’ya ang mga gamit n’ya. Halatang hindi pa s’ya pumapasok sa loob para man lang ibaba ang mga ito.

“Good morning po, Ma’am.” Bati ko sa kanya. “Sa’n po kayo papunta?”

“G-good morning din. May dadaanan lang ako.” Parang hindi mapakali si Ma’am nang tanungin ko s’ya kung saan s’ya papunta. Agad rin naman s’yang lumakad palayo saakin. Ang pinagtataka ko lang, saan naman kaya papunta si Ma’am? Wala namang tindahan sa pinanggalingan ko.

Hindi ko na rin inisip pa kung saan s’ya papunta dahil mas iniisip ko kung saan kaya nagpunta yung bata sa gate 2 kanina. Binilisan ko na ang lakad ko dahil malapit na ring mag flag ceremony.

Swerte ako ngayon dahil dala ko ang ID ko at hindi ako late. Confident ako sa paglakad ko ng biglang—

“Miss, ayos ka lang ba?”  Ikaw kaya. Try mong matisod tapos madapa at plumakda, okay ka pa kaya no’n?

“Oo, ayos la—” napatigil ako dahil nakita kong si William pala ‘tong tumulong sa’kin.

Dumudugo yung tuhod mo!” medyo nagpapanic s’ya dahil nakita n’yang DUMUDUGO NGA YUNG TUHOD KO!!

“Nako, ayos lang ‘to. Maliit na gasgas lang.” HINDI S’YA MALIIT. MALAKI S’YA AT HINDI AKO OKAY!!

“Dalhin na kita sa clinic. Kailangang malinisan agad ‘yan.” Pag aya n’ya saakin at tinulungan n’ya pa akong maglakad. Sabi ko sa sarili ko kanina, swerte na ko ngayong umaga. Pero ito, ang bilis namang bawiin ni Lord yung swerte.

--

Nakarating kami sa clinic at agad namang nilinisan nung nurse ‘tong sugat ko. Malaki nga yung sugat at ngayon nararamdaman ko nang mahapdi s’ya.

“Okay na. ‘Wag mo nalang masyadong igalaw yung tuhod mo. Siguro ipahinga mo muna s’ya kahit saglit.” sabi saakin nung nurse pagtapos n’yang nilisan yung sugat ko.

“Po? Paano po ako lalakad nito?” tanong ko sa kanya.

“Don’t worry, pahihiramin ka naman namin ng wheelchair dito. Buong araw mo munang gamitin ‘yon dito sa school. Siguro by the end of this day, pwede mo na rin namang ilakad yan.”

“Sige po. Thank you po.” Sa totoo lang, thankful din ako kasi maganda ‘tong school na napasukan ko. Private school na, malapit pa sa bahay. Plus, scholar pa ko dito dahil grumaduate akong with high honor noong Junior High School.

“Ayos ka na ba?” hindi ko napansin na nandito pa pala si William.

“Ah oo. Salamat nga pala ha. Sabi nung nurse papahiramin n’ya naman daw ako nung wheelchair para hindi ko muna mailakad ‘tong tuhod ko.” sabi ko sa kakanya?” tanong ko sa kanya. Napaiwas nalang s’ya ng tinigin sakin at hindi na sinagot ang tanong ko.

Natapos na ang flag ceremony kaya naman umupo na ako sa wheelchair na pinahiram sa’kin nung nurse. Si William ang nagtutulak sa wheelchair ko papunta sa room namin. Medyo malaki rin ‘tong school namin e. Buti nalang talaga merong part dito na ramp ang daanan kaya kahit naka wheelchair ako e pwede pa rin akong makaakyat.

Nakarating na kami sa floor ng room namin. Sa malayo palang ay tanaw ko na si Doms na naghihintay saakin. Nang malapit na kaming makarating sa room ay napansin ni Doms na papalapit na ako sa kanya.

FOOORT!” sigaw n’ya sabay takbo papalapit saakin. Tumigil na si William sa pagtulak ng wheelchair at nakita kong nauna na rin s’yang pumasok sa room. “Sa’n ka ba galing? Anong nangyari sa’yo? Ba’t nakawheelchair ka? AT BAKIT KAYO MAGKASAMA NI WILLIAM?” sunod-sunod na tanong n’ya saakin.

“Chill.” Sabi ko sa kanya. Medyo natatawa na nga ako kasi yung mukha ni Doms alalang-alala tapos parang paiyak na s’ya. Nadapa kasi ako kanina sa labas ng school. Sakto namang si William nakakita sa’kin kaya dinala n’ya ko sa clinic. ‘Wag kang mag alala, bukas ‘di na ko nakawheelchair.” Paliwanag ko.

“Akala ko naman kung anong nangyari sa’yo. Kanina pa kita hinihintay e. Sabi mo kasi andito ka na. ‘Di mo man lang ako tinext na nasa clinic ka pala.”

“Ms. Salazar, anong nangyari sa’yo?” nagulat ako nang may biglang magsalita sa likod ko. Nang lumingo ako, si Ma’am Espiritu lang pala.

Nadapa po ako kanina sa labas, ma’am. Papasok na rin po kami.” Sabi ko sabay tayo na ni Doms at sumabay na kami kay Ma’am Espiritu sa pagpasok sa room.

Gustong-gusto kong tanungin si ma’am kung saan s’ya papunta kanina at kung anong gagawin n’ya don. Gate 2 lang naman ang tanging pwede n’yang puntahan don. At kanino kayang anak yung batang nakita ko sa gate 2 kanina?

Will of FortuneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon